KABANATA 13
Tradious
MINUTES TURNS TO hours. Hindi mapakali si Trad. Kanina pa sila nag-aantay sa paglabas ng doktor na tumitingin ngayon kay Jan. Mas lalo siyang kinakabahan sa bawat minutong lumilipas.
"Anak, umuwi ka kaya muna? Kami na ni Tita Ems mo ang mag-aantay sa paglabas ni Doc," suhesiyon ng kaniyang ina.
Kaagad siyang umiling. "No Mom, I need to know what will the doctor will say," aniya saka ngumiti ng tipid.
Nag-aalalang tumingin sakaniya ang ina niya. "Son, you need to--"
Naputol ang iba pa nitong sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto ng ER. Tumayo silang tatlo nang tuwid.
"Is there any relatives of the patient here?" tanong ng Doctor sakanila.
"Ako, doc... anak ko ang pasyente," ani Tita Ems.
Bumaling ang Doctor kay Tita Ems saka tipid na ngumiti. "The patient is okay..." pakiramdam ni Trad ay para siyang nabunutan ng tinik sa puso. "As of now." nawala agad ang saya sa kaniyang mukha sa sinabi ng doktor.
Kumunot ang kaniyang noo.
"Is there any complication?" tanong niya.
Bumaling ito sakaniya. "Hindi ganoon kalalim ang tinama ng pasyente... but we discovered something. Mayroong nabuong mga maliliit na butil na kumalat sa dugo niya." huminga muna ito ng malalim saka nagpatuloy sa sasabihin.
"Nagpaalaman namin na may halong lason ang natama ng pasyente." namilog ang mata niya sa sinabi nito.
"W-What do you mean by that, Doc?" tanong ng kaniyang ina.
"That means na ang bagay na tumama sa palapulsuhan ng dalaga ay may halong lason." may lalo siyang nagulat sa sinabi nito. "We also discovered that the poison inside her body can kill a person in a blink of an eye. Meaning malakas ang impact ng lason na iyon but believe it or not the patient is fighting,"ngumiti ito sa 'min.
Hindi pa rin nagsink-in sa utak ni Trad ang mga sinabi ng doktor. That means kaya hindi tinuloy ni Jan ang pagpatay sakaniya dahil may lason ang kutsilyong hawak nito? But why did she do it to herself instead?
"Gising na ba siya?"
"Sadly, she's in coma. Dahil sa lasong muntik ng kumalat sa kalamnan niya ay hindi kinaya ng katawan nito. We did our best to get the poison out to her body but we only took a half. Hindi namin nakuha lahat dahil bumibigay na ang katawan ng pasyente. Kaya kailangan nitong magpahinga muna at muling tatanggalin ang iba pang natirang lason sa katawan nito," mahabang eksplanasyon ng Doctor.
She's in coma.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. This is crazy.
"When will she wake up?" tanong ni Tita Ems.
"We cannot say that for now. All we need to do is to wait. Kung tumagal man ang paggising nito within three months we need to take her again in the operating room to get rid of the poison fully." saglit kaming natahimik.
"Excuse me for a while." umalis na ang doktor. Nanghihinang umupo sa waiting area si Tita Ems gayoon din ang kaniyang ina. Tumingin siya sa pinto ng ER.
Please Jan, lumaban ka.
"I can't believe this," ani ng kaniyang ina. Bumaling siya dito.
"I cannot believe that this is happening right now." tumingin ito sakaniya. "Bakit ginawa ni Jannarah 'yon sa kaniyang sarili? Tell me, Tradious what is really happening?" may diin na ang salitang lumalabas sa bibig nito dahilan para mapayuko siya.
Hindi niya kayang makipagtinginan sa ina. Alam niyang galit ito sakaniya.
"Teresa, hayaan mo na si Tradious. Wala siyang kasalanan sa nangyari." pigil ni Tita Ems sa kaniyang ina.
Tiyak na magtatanong ang mga ito at hindi titigil hangga't hindi nila makuha ang gusto nilang sagot mula sakaniya.
"Mag-uusap tayo, Tradious." nag-angat siya ng tingin sa kaniyang ina. Tumayo ito saka naunang naglakad. Tumingin muna siya kay Tita Ems.
Tumango ito. "Puntahan mo na ang Mommy mo." ngumiti ito ng tipid sakaniya.
Tumango rin siya at ngumiti saka sinundan ang kaniyang ina. This is it. Magigisa nanaman siyang ng kaniyang ina.
***
Tradious
"ANONG NANGYAYARI, TRADIOUS? And don't you dare lie to me. I'm telling you," sabi ng kaniyang ina. Kasalukuyan sila ngayong nasa rooftop ng Hospital.
Yumuko siya saka humugot ng malalim na hininga. Pagdating sa kaniyang ina ay hindi siya pwedeng magsinungaling. He used to be a good boy--err good lang drop the boy-- to his mom.
"M-Mom, I really don't know. Basta na lang kumuha ng kutsilyo si Jan at itinapat sa kan--"
"Bullshit!" nag-angat siya ng tingin sa kaniyang ina. Gulat niya itong tinitigan. This is the first time he heard his mom cursed.
Oh god. Mom is really mad.
"Son! 'Wag mo akong pabilugin. I know that it's not just an ordinary knife. You think na may mag-iiwan ng kutsilyong may lason sa isang lugar? I'm not that stupid. Papunta ka palang pabalik na ako. Now tell me, the real story behind." anito.
Ilang saglit pa siyang tumitig sa kaniyang ina bago napagdesisyonang sabihin na dito ang totoo. Yumuko siya saka bumuntong hininga.
"Kay Jan ang kutsilyong may lason." nag-angat siya ng tingin sa kaniyang ina na halatang gulat.
"Isasaksak niya sana iyon sa'kin pero biglang--"
Yumakap ang kaniyang ina sakaniya. "Oh son. I'm sorry. I didn't know,"
Bigla nanamang tumulo ang mga luha niya nang muling nanariwa sakaniyang alaala ang nangyari kani-kanina lang. He can't forget that scene. Ang eksenang kamuntikan na niyang ikamatay.
Tinuyo niya agad ang mga luha na dumaloy sa kaniyang pisngi saka niyakap rin ang ina. "You're forgiven, Mom. You didn't mean to."
Ilang minuto silang nasa ganoong sitwasyon nang biglang kumalas ang kaniyang niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Trad. "I'm sorry, son. Promise hindi na mauulit iyon." sabi nito ng maluha luha.
Tumango lang si Trad at hinawakan ang magkabilang kamay ng ina. Ramdam niya ang panginginig niyon.
"It's okay, Mom. Please don't cry." pagpapatahan ni Trad sa kaniyang ina.
Ngumiti ang ina nito saka tinuyo ang sariling luha.
"From now on you'll stay away from Jannarah." sabi nito na ikinatigil niya.
Tumitig siya sa mga mata nito. Is she serious about it?
"Mom, she didn't mean to--"
"But she tried to kill you! Son, pa'no kung ikaw ang nakaratay ngayon dito sa ospital? I can't. So I'm telling you, stay away from Jannarah. After what she'd tried to do? Hindi na 'ko papayag na maulit pa iyon!" sigaw ng kaniyang ina.
Hindi makapaniwalang tumitig siya sa mukha ng kaniyang ina. She's really serious about it.
"But Mom--"
"No buts! You'll. Stay. Away. From. Her. End of discussion!" anito saka umalis ng rooftop. Naiwan siyang nakatingin sa nilabasang pinto ng kaniyang ina.
No!
Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. What now? He's going to stay away from Jan? Parang tinutusok ng maraming karayom ang kaniyang puso. Parang may nakadagan na mabigat na bagay sa puso niya.
Hinawakan niya ang bandang puso at tinapik tapik iyon.
Do I deserve all of this happening to me right now?
Nasasakal siya sa mga nangyayari ngayon. Kailangan niya pa nang sagot sa mga tanong na gumagambala sa kaniyang isipan.
I'm sorry mom but I will disobey you this time. I need to know her answer why she did needs to do that to me.
--
BINABASA MO ANG
Beki's Love Story
Sonstiges[COMPLETED] Gay. Ganyan ang pagkakakilala ni Jannarah kay Tradious Salazar. Naging matalik silang magkaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangang pumili ni Jan. It's either her Mom or Trad. Sinubok sila pareho nang tadhana. Hanggang...
