KABANATA 20

643 47 4
                                    

A/N: Walang bibitaw!

KABANATA 20

Jannarah

MAHIGIT ISANG LINGGO rin ang itinagal ni Jan sa ospital para tuluyang gumaling bago sila nakalabas. Thank God at makakauwi na siya. Ngunit sa loob nang isang linggong 'yon walang Trad na nagpakita na sakaniya. Palagi niyang tinatanong ang kaniyang ina kung nasaan ito at ang lagi nitong sagot ay busy sa school. Parang may mali.

"Anak, okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng kaniyang ina ng makalabas sila ng ospital at nag-aantay ng taxi. Ginabi sila dahil natagalan kasi sila sa hospital bills ni Jan sa ospital.

Tumingin siya dito. "Opo, maayos na po ang pakiramdam ko," sakto at may humintong taxi sa harapan nila kaya agad silang sumakay roon.

Tahimik ang kanilang byahe hanggang sa makarating sila ng bahay. Walang imik na umakyat siya patungong silid. Akmang pipihitin na niya ang door knob nang biglang bumukas ang pinto sa may likuran niya.

Napalingon siya roon at laking gulat niya nang makita si Trad. Maging ang binata ay gulat rin.

"T-Trad." ngumiti siya rito.

Ilang minuto itong tumitig bago seryosong tumitig sakaniya at bumuntong hininga saka nakapamulsa.

"Y-You're back." ngumiti ito nang tipid sakaniya.

Ngumiti siya rito. "Y-Yes, I'm back."

Ngumiti lang ito ng tipid at huminga ng malalim. "Good then." pumasok uli ito sa  sariling silid.

Kumunot ang kaniyang noo. Bakit narito sa bahay nila si Trad? At bakit hindi man lang nabanggit ng kaniyang ina ang tungkol doon?

Binasa niya ang labi gamit ang dila saka pumasok na sa sariling silid. Kumuha siya ng isang pares na pantulog sa kaniyang cabinet then she carefully take a half bath. Pagkatapos ay tinuyo niya ang buhok gamit ang twalyang nakalagay sa balikat.

Natapos niyang natuyo ang kaniyang buhok ay biglang may kumatok sa pinto. "Anak, kakain na."

Tumingin siya roon. Ugali na ng kaniyang ina ang hindi  basta-bastang pagpasok sa kaniyang silid. Her mom knew the word privacy. And she's thankful of that.

"Opo. Susunod na po." maingat siyang naglakad palabas ng kwarto.

Sinarado niya iyon at napatingin sa pintong kaharap. So dito pala nakatira ngayon si Trad sa bahay nila? Kailan pa? Napailing na lamang siya saka nagpakawala ng malalim na bumuntong hininga bago naglakad pababa ng hagdan.

"Umupo ka na rito, anak." sabi ng kaniyang ina. Umupo naman siya sa upuang hinila ng kaniyang ina.

"Si Tradious? Tinawag mo ba?" tanong ng kaniyang ina habang sinasalinan ng kanin at ulam ang plato niya.

Kumunot ang noo niya. "Akala ko po ay tinawag niyo kaya hindi ko na kinatok," sabi niya

Saglit na tumingin sakaniya ang kaniya ina bago bumuntong hininga. "Sige, mauna ka ng kumain. Tatawagin ko lang saglit si Tradious," umalis na ito. Siya naman ay inabala na ang sarili sa pagkain.

Hindi sinasadyang dumako ang mata niya sa kanang palapulsuhan dahilan para makita niya ang kaniyang sugat.

I cut myself?!

Kumunot uli ang kaniyang noo. Bakit niya naman gagawin 'yon?

Am I insane?

Umiling nalang siya at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

***

Tradious

NAKATITIG LANG SA kawalan si Trad nang biglang may kumatok sa pinto.

"Anak... Tradious. Kakain na." sigaw ng nasa labas na si Tita Ems.

He took a deep breath before he stood up. Lumabas na siya sa kaniyang silid. Ngumiti siya nang tipid kay Tita Ems bago makisabay bumaba ng hagdan.

Sa higit isang linggo na hindi niya pagdalaw kay Jan he admit that he missed her... so much. But he needs to keep his distance away from Jan. Kasi kung masyado pa siyang mapalapit sa dalaga baka hindi lang kiss ang magawa niya.

Tumikhim siya dahil sa iniisip.

"Umupo ka na sa tabi ni Jannarah, Tradious." tumango lamang siya at tumabi sa dalaga.

Hindi siya tumingin sa gawi nito. He need to stay away from Jan. Mahirap na.

Alam ni Trad na nakatingin ngayon si Jan sakaniya. He can feel it. Kaya pilit niyang isinasawalang bahala iyon at nagsalin na ng pagkain sa kaniyang pinggan.

He knows that Jan still don't know why he suddenly act so cold to her. Pero hindi niya pwedeng sabihin dito.
Tahimik lang ang pagkain nilang tatlo hanggang sa matapos.

"Doon na muna kayong dalawa sa sala. Ako na ang magliligpit dito,"

"Are you sure, Tita?"

Tumango lang ito saka ngumiti. "Sige na."

Hindi na siya nagpumilit pa kaya naman agad siyang umalis roon at nagpunta sa sala. Alam naman niyang nakasunod sakaniya si Jan. He can smell her scent. Dati ay wala siyang pakialam sa amoy ng dalaga but now it's making him crazy.

Umupo siya sa pang-isahang sofa at nilabas ang kaniyang cellphone. He can't talk to Jan. Dahil na rin siguro sa pag-iwas niya rito.

"A-Anong ginagawa mo sa cellphone mo? Mukhang busy ka ata?" tanong nito.

With that his heart pumps so fast. De javu. Nangyari na ito dati. Tinanong na rin dati ni Jan iyon sakaniya dati. Parang nagrereplay ang lahat. Tumingin siya rito. Nakaupo na ang dalaga sa tapat niya na nakatingin rin pala sakaniya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin saka pasimpleng ibinalik ang cellphone sa bulsa. "N-Nothing." sabi niya na lang.

"Nothing pero mukhang busy talaga," bulong ni Jan pero sapat na para marinig niya iyon.

Tumingin siya ulit rito. Nakatungo na ito ngayon kaya nagkaroon siya ng pagkakataong masilayan ito.

Good God, I miss her.

Ngumiti siya ng tipid at umiwas uli ng tingin. Mahirap na. "It's nothing really important." sabi niya at tumayo na.

Nag-angat naman ito ng tingin sakaniya. "T-Trad... Iniiwasan mo ba ako?" tanong nito.

Namilog ang mata niya. Of course she will ask why.

"N-No... I don't."

Tumayo na rin ito at tumingin sa mga mata niya mismo. There's so many emotion writen in her eyes right now.
"Why? Is this about what happened at the hospital, Trad?" tanong nito.

Wala na siyang choice.

Huminga siya ng malalim at tumango. Nag-iwas siya ng tingin.

"Bakit? You don't like it?" tanong uli nito.

Ugh! Why do need to ask, Jan? This is crazy.

Hindi siya makasagot. Anong sasabihin niya?

"I thought you'd like it as much as I love it too," saka na ito umalis at umakyat na ng hagdan.

Tumingin na lang siya sa gawi ni Jan.

Kung alam mo lang kung ga'no ko iyon nagustuhan, Jan. I just need to find myself... fully.

Umiling na lang siya at umakyat na rin. Saglit siyang natigil sa pintong kaharap bago pumasok sa kwartong inookupa niya sa bahay nila Jan.

Huminga siya sa kama at tumingin sa kisame.

I love you

Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mata nang maalala nanaman ang tatlong katagang iyon na sinabi ni Jan.

Do you really mean that three magic words, Jan?

Mababaliw siya kakaisip kung itatanong niya ba o hahayaan na lamang.

Sa kakaisip ay hindi namalayan ni Trad na nakatulog na pala siya.

--

Beki's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon