A/N: Enjoy reading. Vote narin po kayo! Mwah!
KABANATA 5
Jannarah
"SAAN KA PUPUNTA, anak?" tanong ng kaniyang ina nang makalampas siya sa may pintuan ng kusina. Dahil sa suot niya na ripped jeans na kupas, plain v-neck shirt na kulay maroon at sapatos na kulay white halatang may lakad siya.
Humigpit ang hawak niya sa kaniyang bag at pilit na ngumiti.
"May project po kaming gagawin, Ma. Baka matagalan po ako doon kaya 'wag niyo na po akong hintayin."
Nakakapanghinala naman talaga ang pag-alis niya gayong ala sais na ng gabi.
Tumingin muna ito sakaniya ng mabuti at ngumiti.
"Mag-ingat ka, anak. May tiwala ako sa'yo."
Natigilan siya sa huling sinabi ng kaniyang ina.
May tiwala ako sa'yo
May tiwala ako sa'yo
May tiwala ako sa'yo
Lihim siyang umiling saka tumango sa kaniyang ina.
Naglakad na siya palabas ng bahay nila. Hindi pa rin nabura sa isip niya ang sinabi ng kaniyang ina.
May alam na ba ito?
Kagat labi niyang tinungo ang kalsada at pumara ng taxi. Kailangan niyang magtaxi ngayon. Mahirap na.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at tinawagan si Win.
"Nasa harapan na ako,"
"Okay."
Pinatay na niya ang tawag at inantay ang pagbukas ng gate. Sumilip nang konti si Win sa gate at niluwangan iyon para makapasok siya.
Dumeretso silang underground. Agad niyang inilapag ang bag sa sahig at inihiga ang likod sa malambot na kama.
"Nasaan na ang pera ko?" tanong niya habang nakatingin sa kisame.
"Catch," agad siyang umupo at sinalo ang pera na hinagis ni High sakaniya.
Binilang niya iyon.
Three-hundred thousands.
"Anong susunod? Kailangan ko pa ng extra ngayon," sabi ni Win na abala sa pagtatago ng pera sa bag nito.
"Catch," kaniya-kaniya naman silang salo sa folder na hinagis sakanila ni Gin.
"Since napagtagumpayan natin ang pagkuha ng mga kagamitan sa mansiyon ni Alfonso, pahirapan nanaman natin ang sarili natin. Challenge ba." humarap si Gin samin at tumingin sa'min isa-isa.
"Red Aggabao, a 25 years old billionnaire businessman. Sa mga nababasa ko na mga artikulo tungkol sa kaniya, maimpluwensiyang itong tao. Nakakapagpatayo na ito ng hindi na halos mabilang na mga hotel saan mang panig ng pinas. He has an exclusive hotel in Pangasinan. At ang kukunin natin sa lalaking 'yan ay ang pinakamamahal nitong aso."
Sunod sunod na napamura si High, animo na nakarinig ng nakakapikon na joke.
"Anong gagawin natin sa aso niyan?"
Ngumisi si Gin dito.
"Simple lang. Kikidnapin lang naman natin 'yong aso. That's his weakness."
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
"Tapos anong susunod nating gagawin?"
"Pagkatapos ay itago natin sa pinakatagong lugar which is dito sa Niksxzy. Siguradong hahanapin nito ang aso niya. Magiging abala ito sa paghahanap at 'yon ang tamang tyempo para nakawan siya sa lahat ng mga hotel niya. Kapag nakuhanan na natin lahat ng hotels nito saka lang natin ipabibigay sa animal shelter ang aso nito. Tapos ang usapan." mahaba nitong paliwanag.
***
"NGAYON SINO ANG sang-ayon?" tanong nito.
Saglit na natahimik ang lahat. Muli niyang pinagmasdan ang litrato nito sakaniyang hawak na papel. Sa mukha pa lang ng lalaki ay talagang makapangyarihan ito. Siguradong mahihirapan sila sa kanilang binabalak.
"Ilang araw ang itatagal ng misyon?" tanong niya.
Saglit na natahimik si Gin sa tanong niya. Nag-aalangan itong tumingin sakaniya.
"Three to five days."
Namilog ang mata niya sa sinabi nito. "Putangina. Ganoon katagal?" hindi niya mapagilang sigaw.
Ibig sabihin lamang niyon ay hindi siya makakauwi sa bahay nila kung aabutin sila ng ganoon katagal.
May tiwala ako sa'yo.
Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata habang inaalala nanaman ang sinabi ng kaniyang ina.
"Look, guys! Malaki rin naman ang makukuha natin sa misyong ito. Just look at the bigger picture. Ikaw High, pwede mo nang mapag-aral ang kapatid mo. Pwede mo na ding gamitin ang pera sa kung ano-anong gusto mo, Win." tumingin ito sakaniya.
"Pwede mo na ring mailibot sa iba't-ibang lugar ang Nanay mo, Rocket." tumingin siya dito.
Oo nga't maililibot na niya ang kaniyang ina sa kung saan man nito gusto, pero paano kapag nagtanong ito sakaniya? Hindi malayong mag-usisa ito sa kung saan siya nakakakuha ng ganoon kalaking pera. Itong pera pa nga lang na inuuwi niya ay patago niyang nilalagay sa ilalim ng kaniyang cabinet tapos ililibot niya pa ito sa ganoong kalaking pera. Siguradong mababaliw ang ina nito kakaisip at kakakulit sakaniya.
Bumuntong hininga siya.
"Sorry, I can't." tumayo siya at pinulot ang bag sa sahig.
Lahat ng mga ito ay gulat na napalingon sakaniya.
"Anong nangyayari sayo, Rocket? Hindi ikaw 'to!" gulat na bulalas ni Win.
"What's happening to you?" tanong naman ni High.
"Hindi ko lang gusto ngayon." wala niyang ganang sinabi saka humakbang na papuntang pinto.
Akmang pipihitin na niya ang door knob nang biglang nagsalita si Gin.
"Dinadaga ka na ba, Rocket?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Maiirin niyang ipinikit ang mga mata at nagpakawala ng buntong hininga saka humarap kay Gin nang walang emosyon ang mukha.
"Hindi ko lang trip ngayon."
Ngumisi ito na may panunuya.
"Sabihin mo dinadaga ka lang talaga. Bakit Rocket, nagsisisi ka na?"
Ikinuyom niya ang kaniyang kamao para pigilan ang galit.
"Gin, awat na." mahinahong sabi ni High.
"Hindi ako naduduwag, Gin. Mayroon lang namang nag-aalala sa'kin sa bahay. Bakit ikaw Gin mayroon bang nag-aalala sa'yo? Oh! I forgot, wala ka nga pa lang pamilya." nakita niya ang pagdilim ng mukha nito na ikinangisi niya.
Tsk.
"Rocket, please!" mariing sabi ni Win.
"Oh bakit hindi ka makasagot, Gin. Don't tell me nalunok mo ang dila mo." mas lalo siyang ngumisi dito.
"Huwag mong idadamay ang pamilya ko, Rocket. Hindi mo magugustuhan ang magagawa ko." may diin ang bawat salitang binibitawan nito.
Sumeryoso ang mukha niya at pinakalma ang sarili.
"Sino ba ang nauna sa'tin, Gin? You caught me off guard."
"ANO BA MAGTIGIL NA NGA KAYONG DALAWA!" malakas na sigaw ni Win.
Halatang nagulat ang lahat sa pagsigaw nito. Sino ba naman ang hindi? Si Win 'yong tipo kayang magkontrol ng emosyon. Maliban na lang ngayon.
Bumuntong hininga siya at tumingin kay Gin ng walang emosyon.
"Sige payag na 'ko. Sabihin niyo lang kung kailan." pinal niyang saad at umalis na ng tuluyan.
Magiging makasarili muna siya ngayon. Saka na lang niya iisipin ang kaniyang ina. Kailangan niya patunayan sa mga ito na hindi siya duwag.
--
![](https://img.wattpad.com/cover/180038033-288-k757038.jpg)
BINABASA MO ANG
Beki's Love Story
Random[COMPLETED] Gay. Ganyan ang pagkakakilala ni Jannarah kay Tradious Salazar. Naging matalik silang magkaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangang pumili ni Jan. It's either her Mom or Trad. Sinubok sila pareho nang tadhana. Hanggang...