KABANATA 9

619 44 3
                                    

A/N: Enjoy.

KABANATA 9

Jannarah

"PAPA, 'WAG MO po kaming iiwan!" mas lalong lumakas ang kaniyang hagulgol habang pinipigilan ang kaniyang ama sa pag-alis nito.

"R-Roberto, ma-maawa ka sa anak natin. P-Pag-usapan na-natin 'to." hawak naman ng kaniyang ina ang mga braso ng kaniya ama at pareho niya ding umiiyak.

Mahigpit ang pakakapit niya sa mga tuhod nito.

"Pa-Papa, 'w-wag ka pong a-aalis. Papa! Papa!" malakas niyang sigaw.

Hindi siya nito pinakinggan. Umalis pa rin ito nang tuluyan. Hindi nila napigilan ang paglisan nito. Naiwan siya at ang kaniyang ina at hindi nila alam ang rason nito kung bakit ito lumisan. Malaking katanungan para sakanila iyon. Paanong nahantong sa ganoon ang lahat? Wala namang naging problema ang mga ito pero bakit sila humantong sa ganito?

Ayon sa mga nakalap nila sa mga kamag-anak nila sa probinsiya. May babae daw ito at nakahanap ng matinong trabaho malapit sa babae nito at iniwan sila nang walang sabi.

Naging kayod kalabaw ang kaniyang ina sa pagtatrabaho upang mabuhay sila sa pang-araw-araw. Namulat siya sa murang edad na hindi biro ang mabuhay. Hanggang sa dumating sa puntong na-ospital ang kaniyang ina sa sobrang pagod sa pagtatrabaho. Mas lalong bumagsak ang pag-asa niya na mabubuhay sila ng walang amang kaagapay sa buhay.

Tumatak sa isip niya na kinamumuhian ang mga lalaki. Pare-parehas lang sila na kapag nakakita ng iba ay tatakbo na lang nang walang paalam. Dahil sa galit niya, sinubukan niya ang iba't ibang trabaho. Kayod kalabaw siya sa murang edad habang nasa ospital ang kaniyang ina. Hanggang sa--

"Anak nakikinig ka ba?" tanong ng kaniyang ina na nakapagpabalik sa reyalidad.

Bumaling siya dito. "Ho?"

Umiling ito. "Mabuti pa at kausapin mo si Tradious. Anak, ilang araw na siyang tumatawag sa 'kin. Kinakamusta ka, ano bang problema niyong dalawa huh, Jannarah?"

Nagbaba siya ng tingin.

"Hindi na po kami magkaibigan pa."

Nagulat ang kaniyang ina sa binalita. Sino ba namang hindi.

"Ano? Jusko, ano bang nangyayari sainyong dalawa?"

Ngumiti siya ng mapait at nag-angat ng tingin dito. "Wala naman nang patutunguhan ang pagkakaibigan namin, Ma. Mabuti nang ganito nalang kami."

Saglit itong tumitig sakaniya at umiling.

"Pag-usapan niyong mabuti iyan, Jannarah. Hindi kita pinalaki para lang masaktan ang damdamin ng iba. Huwag kang tumulad sa ama mo."

Pagkabanggit pa lang nito sa salitang  ama ay muling nanariwa ang mga masasamang alaala niya sakaniyang ama.

"Wala na po akong tatay. Patay na si--"

"Jannarah. Hindi pa patay ang papa mo. Ano ka ba namang bata ka." pagsuway nito sakaniya.

"Matagal na siyang wala simula nang iwan niya tayo, Ma. Kaya para sa'kin wala na siya."

Lumambot ang ekpresyon nito sa mukha at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Anak, ama mo pa rin siya. Kaya 'wag kang masasalita ng ganyan sa kaniya."

Beki's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon