KABANATA 1

2.4K 90 10
                                        

A/N: Don't bash my english skills, I'm not that good hihi.


KABANATA 1

"TRAD, KAILAN ka ba magpapakilala ng babae sa'min ng daddy mo?" tanong nanaman ng mommy niya.

Never Mom. Never.

"If I've found the one, Mom. Just chill 'wag mo naman akong pi-ni-pressure." makailang beses na ba niya itong sinabi sa ina. Hindi talaga ito matatahimik hanggang sa hindi pa siya nagpapakilala ng babae sa harap nito mismo.

"Ayan ka nanaman sa chill-chill na yan. Kailan ba--"

"Teresa, don't pressure your son. Hindi naman tatakbo ang babae sakanya okay? Hayaan mong mahanap ng anak mo ang the one nito," sabi ng kanyang ama sa asawa nito.

Tumingin ang ama nito sakaniya at nagtaas baba ang kilay. Ngumiti siya at palihim na nag-thumbs up.

His Dad and him was close like glue. Kumbaga sa lahat ng mga bagay ay parati silang nagkakasundo nito. Kulang nalang ay magdikit na ang katawan nilang mag-ama sa closeness na meron sila. Nag-iisa lamang kasi siyang anak at lalaki pa... na may pusong babae. Ehe.

Umiling ang kaniyang ina "Hay, ewan sa inyong mag-ama. You always give an excuse para takpan ang anak mo. Nagtatampo na 'ko niyan." nagkunwaring malungkot ang ginang.

Here we go again.

"Mom, don't be jealous. Ganito lang talaga kami ni dad. You know men things." Ew, I don't think so.

"Ah, basta I want to meet that the one as soon as possible," sabi ng kaniyang ina habang nakatingin ng seryoso sa kaniya.

Mabilisang tinapos ni Trad ang pagkain saka tumayo.

"Yes, Mom as soon as possible po. Alis na po ako. Take care going on work, mom! Ikaw din, dad!" humalik siya sa pisngi ng kaniyang mga magulang.

***

"BA'T BA NGAYON ka lang?" iritadong tanong ng dalaga kay Trad.

"Sorry ha! Did I force you to wait?" pagtataray niya sa dalaga. He even rolled his eyes on her.

"Hoy, Trad! 'Wag mo kong mataray tarayan kang bakla ka! Sino bang nagsabing inaantay kita? Napadaan lang ako sa cafeteria!" sigaw ni Jannarah dito.

Gulat na tinignan niya ang dalaga "Talaga bang hindi mo ko inaantay? E ba't kanina tingin ng tingin sa relo mo." pang-aasar niya dito.

Naging mailap ang mata nito. Gotcha honey! Lihim siyang napailing.

"Tara na nga baka mahuli pa tayo sa klase natin. Let's go!" sigaw ni Jannarah.

Natapos ang klase nilang dalawa kaya naisipan niyang tumambay sa library.

"Ayoko na! Umuwi na tayo, Trad, please!" pagmamaktol ni Jannarah sakaniya.

Nasa library ang dalawa para gawin ang thesis paper nila.

Tinignan niya ang dalaga at umirap dito bago binaba ang librong binabasa. Binasa niya ang ibabang labi gamit ang dila bago sumagot.

"Look Jan, hindi naman kita pinilit na sumama sa 'kin. Nagkusa ka remember? Tapos magmamaktol ka na parang pinahirapan pa kita? You're unbelievable," ibinalik niya ulit ang buong atensiyon sa librong binabasa.

Ilang minuto ang binilang niya bago ito tumayo.

"Bahala ka na nga diyan. Kaya hindi nagkakagusto sa'yo si Zild dahil masyado kang pala aral! Come on, Trad minsan lang maging teenager dapat sinusulit mo 'yon!" sabi nito.

"Shhh! Quiet please!" sigaw ng librarian sakanila. Agad namang umupo ang dalaga. Nakasimangot pa.

"What now, Trad? I'm waiting to your response. Aren't you going to say something?" tanong ulit nito sakaniya. This time sa mahinang boses.

Tinignan niya ito kung seryoso ba ito sa sinasabi at oo nga seryoso ang mukha nito. Ilang minuto siyang nakipagtitigan at iniwas ang tingin dito. Para siyang hihipnotismo sa klase ng titig nito sakaniya. And I don't like it.

You really don't like that kind of stare, huh? Really?

Umiling siya sa isiping iyon. "Fine--"

"Yes!" mahina nitong sigaw.

"But only this time, okay? Isang beses lang at hindi na mauulit 'to,"

Agad naman itong tumango at masayang masaya pang nag-thumbs up saka kinuha ang bag.

"Tara na?" masaya nitong paanyaya sakaniya.

Umiling na lang siya at kinuha na rin ang bag at libro. Sabay nilang nilisan ang library.

"Go Zild, woooh!" sigaw ni Jannarah habang iwinawagayway ang flag na kulay yellow.

Kasalukuyan sila ngayong nasa court upang panuorin ang laro nila Zild.

Gosh! Ang yummy mo talaga, Zild!

Gusto niyang sumigaw, kaso natatakot siya na baka may mga matang magtanong kung bakit siya sumisigaw kaya sa isipan na lang siya sumisigaw. Atleast no one will know who's the real him.

"Hindi ka ba sisigaw?!" sigaw ni Jannarah sakaniya na nakatingin na pala dito.

Binalingan niya si Jan halatang tuwang-tuwa ito sa ginagawa. Tipid na ngiti ang kumawala sa mga labi niya. Lumapit siya dito

"They will know my secret, Jan." bulong niya sa tainga nito.

Binigyan niya ng distansya ang pagitan nilang dalawa at nabakas niya sa mukha nito ang pagkagulat.

"Hey!" sigaw niya dito.

Agad namang bumalik ang tingin ni Jan sa court.

"P-Pwede mo namang isigaw man lang hindi ka naman maririnig e" sabi nito na hindi tumitingin sakaniya. Namula ang pisngi nito.

"No. Never, even if they won't hear me. I don't want them to know my secret. It was only between you and me, Jan." saka muling itinuon ang pansin sa court.

Napakagat labi siya nang makitang nakatopless ang binata.

Yummy.

Biglang tumayo ang nasa gilid niya.

"Bakit may problema ba?" tanong niya sa dalaga.

"T-Tara na. B-Baka hanapin na ako sa bahay." sabi nito na ikinakunot ng noo niya. Kani-kanina lang masaya ito ngayon ay parang nagbago ata ang ihip ng hangin.

Weird.

Hindi pa siya nakakapagsalita nang bigla na lang itong tumayo at naunang umalis.

What's with her?

--

Beki's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon