A/N: ❤❤❤
KABANATA 14
Tradious
MAHIGIT DALAWANG BUWAN na ang lumipas pero ganoon pa rin ang kalagayan ni Jan. At sa mahigit dalawang buwan na ganoon, tumatakas siya ng kanilang bahay makita lang ang dalaga.
He don't know why he feels like he misses her everyday. Ewan niya ba kung anong nangyayari sa pagkatao niya. Like, he's not that kind of person before. Basta na lang nabago ang ugali niya.
And the most freaking irritates him the most is that he don't feel any attraction to the guys now. He strangely feel that it was awkward now. Mababaliw na siya sa kakaisip kung bakit?
"Tradious." tumingin siya sa pinanggalingan ng boses na iyon. Ngumiti siya kay Tita Ems na may dalang prutas pagkapasok ng silid na inuukopa ni Jan.
Tumayo siya saka kinuha ang dala nitong basket ng prutas. "Ako na po, Tita." tumango ito saka ibinigay sakaniya. That's their daily routine sa pagkalipas na dalawang buwan. Siya ang nagbabantay sa hapon at si Tita Ems niya naman sa umaga't gabi.
Nalaman rin kasi nito ang tungkol sa usapan nila ng kaniyang ina. Pinagbawalan na rin siya nito na dumalaw o makita man lang si Jan pero dahil sa katigasan ng ulo niya sinusuway niya iyon at patagong nagtutungo rito sa ospital.
Pinagsabihan na siya ng ginang pero hindi siya nakinig. Kaya siguro nang lumaon ay sumuko na rin ito at pinabayaan na lang siya sa gusto niyang gawin which is ang pagbisita ng patago kay Jan.
God he miss Jan so much. Yung tipong miss na hinahanap hanap lagi ng mga mata niya. Na maging sa pananginip ay dinadalaw siya ng dalaga at sasabihin I love you, Trad.
And speaking of that magic words. Kapag naaalala niya ang araw na sinabi ni Jan sakaniya ang tatlong katagang iyon biglang bumibilis ang pagtibok ng puso niya at tinitigasan siya--wait what?--umiling na lang siya sa isiping iyon.
This is crazy.
"Oh, kamusta na si Kumare Teresa? Baka hanapin ka na sa inyo. Hindi ba sila nagtataka na parati kang wala tuwing hapon sa bahay niyo?" tanong ng matanda sakaniya na nakapagpatigil sa imahinasyon niya.
Tumingin siya dito, abala ito sa pagbabalat ng mansanas. "Hindi naman po nila nahahalatang wala ako parati sa bahay. I used my window to sneak out without no one will notice." nakangiti niyang sabi saka bumaling sa mahimbing na natutulog sa hospital bed na si Jan.
She's such an angel even she's sleeping.
Gulat siyang umiling sa sinabi ng kaniyang isipan. Here we go again.
"Baka mapahamak ka sa ginagawa mong niyan, Tradious. Eto payong nanay lang, 'wag na 'wag mong susuwayin ang iyong ina tiyak na magagalit iyon kapag nalaman niya ang ginagawa mong pagtakas. Tandaan mo, walang lihim na hindi nabubunyag." paalala nito sakaniya.
Ngumiti lang siya rito at itinuon ulit ang pansin kay Jan.
Please wake up Jan. Hindi ka si Aurora para halikan at magising.
Napatingin tuloy siya sa mga labi nito. Bahagya iyong nakabuka. Napalunok siya. Kahit ilang araw na itong tulog mapupula pa rin ang mga labi na iyon. She have that kissable lips that every men attempt to have a taste.
Shit!
Mahina niya mura sa isipan sa naiisip. He's crazy... So damn crazy. Saglit niya pang pinagtitigan ang dalaga bago napagdesisyonang umalis.
"Alis na po ako, Tita Ems." ngumiti lang ang matanda. Naglakad na siya palabas sa kwartong iyon saka patakbong tinungo ang exit ng ospital.
***
"SHIT!" MAHINA NIYANG mura nang makaakyat siya sa pader ng kanilang bahay. Pa'no ba naman nagkasugat nanaman siya sa binti dahil sa mabilis niyang pagbaba sa may pader pababa ng hardin.
Pinagpagan muna niya ang kaniyang damit bago naglakad ng maingat sa kaniyang kwarto sa ikalawang palapag.
Nakarating siya ng kaniyang silid na walang nakakaalam na umalis siya ng bahay. Huminga siya ng malalim bago maingat na isinara ang pinto.
"Where have you been, Tradious Salazar?" anang ng pamilyar na boses sa likuran niya.
Naestatwa siya sa kaniyang kinatatayuan saka bumaling paharap sa kama. Nakita niya ang kaniyang ina na nakaupo sa gilid ng kaniyang kama habang nakatingin sakaniya.
Patay na Trad.
"M-Mom!" Masigla niya tawag rito.
What I'm gonna do now?
Tumayo ito saka naglakad sa harapan niya. Madilim ang anyo ng mukha kaya nakaramdam siya ng takot. Napalunok siya.
"Tell me where have you been, Tradious?" tanong nito.
Nagbaba siya ng tingin. Tama nga ang sinabi ni Tita Ems, na walang lihim na hindi nabubuniyag.
"Mom, I went outside. You know, nag-papahangin lang." pagsisinungaling niya habang nakayuko.
"Face up, Tradious." agad naman siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata nitong nag-aapoy. Oh God. "Nagpahangin? Where did you catch up a fresh air, huh? Sa ospital?" namilog ang mga mata niya sa huling sinabi ng kaniyang ina.
Don't tell me... Oh god, this is bad.
"Mom, let me explain... I didn't--"
"But you did son! You disobey me!" as she look at him, he can read in her eyes that she is really disappointed. "I can't believe that you can do this to me. Why son? Saan ako nagkulang ha? I'm so disappointed at you right now, Tradious." nag-umpisa nang maluha ang kaniyang ina. Wala siyang magawa.
Yes, he disobey his mom but that was because it's his friend. His bestfriend. Hindi ba nito naiintindihan na may pinagsamahan sila ng dalaga?
"M-Mom, I'm sorry."
Umiling ito. "Your sorry doesn't change anything, Tradious. Hindi na kita kaya." huminga ito ng malalim. "You're going to America next month. Doon ka na magpapatuloy ng pag-aaral."
Mas lalong namilog ang mata niya sa sinabi nito. No! He don't want to stay away from Jan. Malayo ang america para hindi niya pa ito makita.
"Mom, please! I'm sorry. I didn't mean to." umiling siya. "Susundin na kita sa lahat ng gusto mo... Just don't send me to America. Ayokong malayo sa inyo." pagpupumilit niya rito.
Umiling ang kaniyang ina. "I'm sorry son. But this is for your own sake. Mapapahamak ka lang dito sa Pinas." pagkasabi nito ay umalis na ito ng kaniyang silid. Pabagsak siyang umupo sa sahig.
Napahilamos siya ng mukha saka mabigat na nagpakawala ng bumuntong hininga. Tumawa siya ng mapait.
So this is what they called miserable?
Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya sa sobrang miserable ng buhay niya ngayon.
This all my fault. Fucking my fault.
Tumayo siya saka nagtungong bathroom. Naligo siya saka kumuha ng boxer at sleeveless white shirt. Padapa siyang humiga sa kama. Palaisipan pa rin sakaniya ang sinabi ng kaniyang ina.
Pinikit niya ang kaniyang mata para sana matulog na nang biglang nagpop up ang malaanghel na mukha ni Jan.
'Sleep well, Trad. I love you.'
Bulong nito sakaniya. Hindi namalayan ni Trad na nakatulog siya ng may ngiti sa mga labi dahil sa napananginipan.
'I love you.' bulong ulit ni Jan sa kaniyang panginip.
--
BINABASA MO ANG
Beki's Love Story
De Todo[COMPLETED] Gay. Ganyan ang pagkakakilala ni Jannarah kay Tradious Salazar. Naging matalik silang magkaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangang pumili ni Jan. It's either her Mom or Trad. Sinubok sila pareho nang tadhana. Hanggang...
