SPECIAL CHAPTER

1K 32 2
                                        

A/N: Guys I just add this chapter para po sana doon sa taong gustong magtangka ng buhay ni Trad. Alam kong naguguluhan kayo kung paano nagkaroon agad ng happy ending pero hindi pa natutugis ang taong gustong pumatay kay Trad. Para malinawan po kayong lahat. POV na lang po ng tatlo ang ilalagay ko.

[Hope you like it]

WIN'S POV

"Anong plano?" tanong ko sa dalawa. Noong umalis kami ng Pangasinan laman pa rin ng isip namin kung pa'no nakuha si Rocket ng mga iyon. Mga gago!

"Fuck! Kumikilos na sila. At talagang si Rocket ang pinunterya." pagalit na sigaw ni High.

Alam namin kung bakit sila gumaganti. Ang Nightmare's Deamon ang pinakamalakas naming kalaban. Hindi alam ni Rocket na may sinalihan ang grupo na gangster society. Oo, siya ang gumawa ng organisasyon pero wala siyang kaalam alam na may ganitong nangyayari.

"Damn! Kasalanan ko ito!" sigaw rin ni Gin.

Ang Pangasinan ang main place ng Nightmare's Deamon. At ang pinasok namin kahapon ay ang lungga nila. Sa pag-asang makakabawi kami sa pangunguha nila sa pagnanakawan sana namin.

Magnanakaw na galit sa kapwa magnanakaw.

"Pero bakit si Rocket ang nakuha? Hindi ba tago si Rocket sa nangyayari?" tanong ko. Palaisipan parin saamin kung bakit si Rocket ang pinunterya.

"She's the leader of this group right? Kaya siya talaga ang main target. Nangunguna tayo sa pagnanakaw kaya all eyes are on us." paliwanag ni Gin.

Napasuntok ako sa mesa. Shit!

"Anong plano?" tanong ko.

"We should know who's the person behind. Then kill it." ani ni Gin.

Tumango naman kami pareho ni High.

Maghanda ka sa'kin kung sino ka. You'll pay for this.



HIGH'S POV

(Ang araw noong nasa hospital si Jan.)

"She's in the hospital." saad ni Gin.

Nagulat kaming dalawa ni Win sa narinig.

"H-How come?!" tanong ko.

"Pinagawa na sakaniya ang dapat gawin." sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Fudge!

"And her target is his bestfriend. Tradious Salazar." dugtong pa niya.

"Anong gagawin ni Rocket sa lalaki?" tanong ni Win.

"Kill him. Utos 'yon ng organizasyon nila." sabi ni Gin na parang wala lang. Tsk. Ang babaeng 'to talaga parang walang pakialam sa mundo.

"Kilala mo na kung anong organization?" tanong ko.

Ngumisi siya at tumayo. May iniabot itong papel sa harap namin ni Win.

Nanlaki ang mata ko sa nakita.

"That's the organization. I told you bitches, ang traydor sa grupo." sabi ni Gin.

Beki's Love StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon