A/N: *speechless*
KABANATA 33
Jannarah
"ANAK MAG-INGAT KA naman!" suway sakaniya ng kaniyang ina.
"Ma, kaya ko naman." sabi niya at muling humakbang pababa ng hagdan.
Napakaover protective ng kaniyang ina nitong makalipas na buwan.
"Hays, ang tigas talaga ng ulo mo! Makakasama sa apo ko 'yang ginagawa mo e!" anito at muling hinawakan ang braso ni Jan at inalalayan pababa.
Apat na buwan na ang bata sa sinapupunan ni Jan. Ito marahil siguro ang naging bunga ng ginawa nila ni Trad.
And speaking of Trad. Mahigit limang buwan na itong hindi nagpapakita sa kaniya.
Tinawagan niya pa nga ang ama ni Trad pero sinabing wala ito roon.
Sobra ang iyak niya noong lumisan ito at hindi nagpaalam.
Oo, alam niyang nagkamali siya sa nangyari noon. Sobrang pagsisisi niya sa sarili noong lumisan si Trad.
Sinubukan niyang magpakamatay pero parati siyang nabibisto ng kaniyang ina. Sinasabi na magpakatatag siya.
She felt so incomplete noong lumisan si Trad.Donon na niya nalaman na mahal na mahal niya si Trad.
Bumalik ang memorya niyanoongg mga panahong iyon. Alam na rin niya na may pagtingin na pala dati pa si Jan sa binata.
Mas lalo lang lumalim noong may nangyari sakanila.
Walang araw na hindi umiyak noon si Jan. Alam niya sa sariling nagkamali siya pero bakit kailangan nitong lumayo?
He's so unfair! Nasasaktan naman din si Jan. Pero hindi siya lumayo. Mas pinili niyang manatili.
Pero one time, she tried to kill herself again. Kaso bago mangyari 'yon ay nawalan siya ng malay.
Sabi ng doctor ay buntis siya. At first she was surprised pero sa huli tinanggap na niya na kailangan niyang mabuhay kasi may buhay rin siyang dinadala.
Her mom was also surprised of what happened. Tinanong siya ng masinsinan ng kaniyang ina. Sinabi niya ang totoo. Sinabi niya na si Trad ang ama ng dinadala niya.
Disappointed ang kaniyang ina. Sino ba namang hindi? Pero hindi ito nagalit. Inalagaan siya nito. Para daw sa ikabubuti ng anak niya.
"Umupo ka saglit diyan. Anong gusto mong kainin?" tanong na kaniyang ina.
Umupo siya sa mahabang sofa. Medyo halata na rin ang umbok ng kaniyang tiyan. Pinag-uusapan na siya ng mga kapit bahay pero wala siyang pake.
Ito lang ang kaisa isang ala-alang iniwan ni Trad sakaniya.
"Gusto ko po ng mangga, Ma. Tyaka yung sawsawan ay suka." nanubig ang bagang ni Jan habang sinasabi iyon.
Napangiwi ang kaniyang ina. "S-Sige." umalis na ito at pumuntang kusina.
Sinandal niya ang likod sa sofa at pumikit.
Trad, I miss you. Please come home.
Hindi nawala kahit isang segundo si Trad sa isip niya.
Parati niyang tinatanong kung nasa'n ba ang binata?
Na kung okay ba ang kalagayan nito?
Nakakakain ba ito sa tamang oras?
Umiling siya. Kailangan niyang maging matatag para sa bata.
Minulat niya ang mga mata at hinaplos ang kaniyang tiyan.
BINABASA MO ANG
Beki's Love Story
De Todo[COMPLETED] Gay. Ganyan ang pagkakakilala ni Jannarah kay Tradious Salazar. Naging matalik silang magkaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangang pumili ni Jan. It's either her Mom or Trad. Sinubok sila pareho nang tadhana. Hanggang...
