KABANATA 8

720 50 4
                                    


KABANATA 8

Jannarah

KANINA PA MULAT ang mga mata ni Jan pero wala siyang balak bumangon. Hindi na dapat siya nagpadalos-dalos sa mga desisyon niya. Pati ang kaniyang ina ay nadamay pa sa gulong pinasok niya.

Napakawala siya ng malalim na buntong hininga. Kahit anong pilit niyang kalimutan ay mas lalo pang bumabalik ito sa kaniyang isipan.

Ilang saglit pa siya sa ganoong posisyon nang may kumatok sa pinto ng kaniyang silid.

"Anak, gumising ka na diyan. May pasok ka pa!" sigaw ng kaniyang ina sa labas.

Ilang saglit siyang tumingin sa kaniyang pinto bago nagpagdesisyonang bumangon. Kailangan. Ayaw niyang manghinala sakaniya ang kaniyang ina.

Kahit alam niyang nagtaka ito na bumalik agad siya sa kanilang bahay ay hindi kailan man ito nagtanong.

Naligo na siya at nagbihis ng kaniyang uniporme saka bumaba na.

"Kumain ka na muna, anak."

Umiling siya at ngumiti ng pilit.

"Hindi na ma. Sa school nalang. Bye, Ma. Mag-ingat ka palagi."

Naglakad na siya papuntang kalsada at pumara ng tricycle.

"Oh. Bakit nandito ka?" naguguluhang tanong ni High.

Hindi niya ito sinagot. Agad siyang pumasok sa Nikszxy. Umakyat siya papuntang second floor saka tinungo ang kwarto niya roon. Tinapon niya sa sahig ang bag saka padapa siyang humiga sa kama.

"Is this about what happened yesterday, Rocket?"

Siniksik niya lalo ang mukha sa unan.

Malakas na nagpakawala ng bumuntong hininga si High.

"Wala tayong magagawa. Nangyari na, Rocket." sabi ni Win.

Gusto niyang umiyak. Gusto niyang ilabas lahat ng hinanakit na nararamdaman niya ngayon. Pero hindi pwede. Hindi siya pwedeng maging duwag sa harapan ng ibang tao. Ayaw niya na kaawaan siya ng mga ito.

Narinig niya ang mga yabag na papalayo at sinara ang pinto. Doon na siya tuluyang bumigay. Iniyak niya ang problemang kinakaharap niya ngayon.

Good God, why am I experiencing this kind of problem? Gusto ko lang naman magkaroon ng magandang buhay ang mama ko.

Umiyak siya nang umiyak hanggang sa magsawa ang mga mata niya sa pag-iyak. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

***

Tradious

HINANAP NI TRAD si Jan sa classroom nito pero hindi niya nakita ang dalaga. Akmang hahakbang na siya paalis ng may tumawag sakaniya.

"Tradious!" sigaw ng pamilyar na boses sakaniya.

Tumayo siya ng maayos at hinarap si Zild. Ngumiti siya ng malapad.

"Z-Zild. May p-problema ba?"

Napakamot ito sa batok saka nahihiyang ngumiti sakaniya.

"Nakita mo ba si Jannarah? Hindi ko kasi siya pumasok ngayong araw. Baka may alam ka... you know, you two were close."

Nawala ang malapad na ngiti sakaniyang mukha. Parang may dumaang kirot sa puso niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Tumikhim siya at ngumiti ng pilit. "H-Hindi ko rin alam kung nasaan siya, Zild. I think she's not feeling well. Hindi naman 'yon liliban kung wala siyang excuse,""

Beki's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon