A/N: ❤❤❤
KABANATA 25
Jannarah
"ANAK KAKAIN NA!" sigaw ng ina ni Jan sa labas ng kwarto niya. Mabuti na lamang ay bago maglunch ay nakabalik na siya ng kanilang bahay ng hindi nalalaman ng kaniyang ina na umalis siya.
Expert eh!
"Opo! Andyan na po!" sigaw niya habang nagbibihis. She's only wearing a simple short and sleeveless shirt. Nakalugay lang rin ang wavy niyang buhok.
Natapos siyang magbihis ay bumaba na siya at nagtungong kusina.
"Hindi ba uuwi si Trad, Ma?" tanong niya habang nagsasalin ng kain at ulam sa pinggan.
"Doon na siguro 'yon kakain sa school. Sige, kain ng mabuti, anak." ngumiti siya ng tipid at inabala na ang sariling kumain.
Nang matapos ay agad niyang tinungo ang kaniyang silid. Bubuksan na sana niya ang pinto ng mapatingin siya sa pintong kaharap. I miss you already, Trad.
Napabuntong hininga siya. Bakit ba gano'n na lamang ang pagka-miss niya sa binata? Hindi rin niya alam ang sagot.
Hindi niya namalayang nakalapit na pala siya sa pintong iyon. Saglit niya itong tinitigan bago hawakan ang door knob.
Don't. suway ng kaniyang isipan.
Pero may sarili atang isip ang kaniyang katawan at patuloy niya pa ring binuksan iyon. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata ng malanghap ang amoy ng silid. Smell just like him.
Mas lalo siyang nakaramdam ng pangungulila. God I miss him so much! Mababaliw ako kakamiss sa lalaking 'yon.
Tuluyan na siyang pumasok sa silid na iyon. Nilibot niya ang tingin. Masasabing lalaki ang nakatira roon.
Dumapo ang kaniyang mata sa kama. Nakagat niya ang ibabang labi. Sa isiping doon natutulog ang binata. Paano ang posisyon nito 'pag natutulog? Nakakatulog ba ito ng mahimbing?
Lumapit siya roon at hinawakan ang gilid ng kama. Natigil siya sa paghawak at humiga sa kama. Inabot niya ang isang unan at niyakap iyon.
Good God, smell like him. I miss him.
Pinikit niya ang kaniyang mata at ninamnam ang amoy ng unan. Hindi niya namalayang nakatulog na siya ng mahimbing.
***
NAGISING NA LAMANG siya ng makaramdam na may humawak sa pisngi niya. And she knows who that was. Nanuot ang amoy nito sa kaniyang ilong. Hindi niya iminulat ang mata.
"T-Trad." she said in a low voice.
Napangiti siya ng natigil ito sa paghaplos ng kaniyang pisngi. Nagmulat siya ng mata and then she saw the man she missed. The man she wanted to see.
Nagkandabuhol-buhol nanaman ang pagtibok ng puso niya. Ganito ba talaga ang lakas ng epekto ni Trad sakaniya?
Ngumiti ito. "You slept here in my room, why?" tanong nito.
Nahihiya siyang umiwas ng tingin. Oo nga't kwarto pala ito ng binata.
"Cute." anito.
Tumingin siya rito ng masama. Anong cute doon? Eh napahiya siya? Argh! Minsan talaga iba ang takbo ng utak ni Trad. May sayad ata ang isang 'to?
Tumawa ito. "It's okay. Matulog ka pa kung gusto mo." he said while laughing. Sexily laughing. Damn!
Nagpout siya sa sinabi nito. So ginising siya nito para patulugin uli? Bad Tradious! Bad.
BINABASA MO ANG
Beki's Love Story
De Todo[COMPLETED] Gay. Ganyan ang pagkakakilala ni Jannarah kay Tradious Salazar. Naging matalik silang magkaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangang pumili ni Jan. It's either her Mom or Trad. Sinubok sila pareho nang tadhana. Hanggang...