KABANATA 16
Jannarah
"WHO ARE YOU?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa gilid ng kaniyang kama.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang binata. Hindi niya makilala kung sino ito.
Ilang saglit siya nitong tinitigan saka tumikhim at nag-iwas ng tingin. "Y-You okay?" he asked instead.
Mas lalong kumunot ang noo niya. Why is he asking her like that? Close ba sila?
"Who are you, Mister? Magkakakilala ba tayo?" tanong niya ulit.
She needs an answer right now. Bakit ganoon ang pagtatanong ng binata sakaniya?
Ngumiti ito ng mapait sakaniya saka naglakad palabas ng kaniyang silid nang wala man lang pasabi.
He looks familiar but she can't remember where and when she met that guy.
Hinawakan niya ang kaniyang dibdib kung nasaan naroroon ang kaniyang puso.
Why are you beating so darn fast?
Tinapik tapik niya ang iyon saka pilit na pinakalma ang sarili.
Bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang ina. Ngumiti ito sakaniya at lumapit. "Okay ka lang ,anak? May masakit ba sa'yo?" tanong nito.
Ngumiti siya saka umiling. "Wala naman po."
"Umalis na si Tradious?" tanong ulit nito saka pumuntang mesa.
Kumunot ang noo niya.
Tradious. Sounds familiar.
"Sino po 'yong lalaki kanina na nandito, Ma?" tanong niya.
Natigilan ang kaniyang ina sa pag-aayos ng prutas sa mesa saka tumingin sakaniya.
"Hindi mo siya kilala?" tanong nito.
Kumunot ulit ang noo niya. "Why? Do I know him?" tanong niya pabalik.
Ilang minuto itong tumitig sakaniya bago pinagpatuloy ang ginagawa.
"Magpahinga ka na. May operasyon ka pa sa susunod na linggo." sa halip na sagutin ang tanong niya ay iniba nito ang usapan.
Hindi na rin siya nagtanong kaya umayos siya ng higa at pinilit na makatulog.
***
Tradious
"WHO ARE YOU?"
"Who are you?"
"Who are you?"
Parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ni Trad ang sinabi ni Jan sakaniya.
She doesn't know me.
Mapait siyang tumawa at umiling. So ito ang mapapala niya sa kakahintay. Hindi na siya kilala ni Jan for fucking sake. Napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa iritang nararamdaman niya ngayon.
"Great. Just great!" mariin niyang sigaw. Kasalukuyan siya ngayong nasa rooftop ng ospital. He don't know what to do next. 'Yon lang naman ang pinunta niya dito 'di ba? Ang makitang nagkamalay na si Jan.
Pero may parte sa puso niya na nagsasabing dapat hindi na lang ito nagkamalay. It hurts so much than seeing her sleeping. Tinapik niya ang dibdib kung nasaan naroon ang puso niya.
"W-Why am I hurting this much? Darn it! This is not you, Tradious!" pagkausap sa sarili.
"Darn it! Fuck!" malulutong niyang mura nang makaramdam nanaman ng kirot sa puso.
BINABASA MO ANG
Beki's Love Story
Random[COMPLETED] Gay. Ganyan ang pagkakakilala ni Jannarah kay Tradious Salazar. Naging matalik silang magkaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangang pumili ni Jan. It's either her Mom or Trad. Sinubok sila pareho nang tadhana. Hanggang...
