Chapter 5

219 16 5
                                    

Cousin

Ilang araw narin ang lumipas matapos kaming dumalaw sa puntod ni Papá. After we went to cemetery that day we decided to go shop. Pagka-alis namin sa sementeryo ay inaliw na lang ako ni Auntie ng araw na iyon alam kong naka sunod parin ang namataan kong media noon. Ang ipinagtataka ko lang ay hindi pa ito ibinabalita sa TV man o dyaryo.

Nawala ako sa iniisip ko ng tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at bumungad sakin ang unknown number. Kunot noong sinagot ko ito.

"Hey! I thought hindi mo sasagutin thank goodness!" boses iyon ni Zaph. Well, hindi nya ibinigay sakin ang number niya ng huli kaming magkita baka daw may ibang makinabang.

"Hey, sorry I didn't call right away." nakalimutan kong mag kakape nga pala kami ngayong linggo.

"It's alright. Alam naman naming busy ka. Asan ka? Maybe by this day makapagkape na tayo." napangiti ako sa narinig. Maybe it's time for me to go out. Lampas isang linggo narin ako dito kanila Cavin.

"Sure. Let's have coffee. Saang coffee shop?"

"The usual. Hindi ka na ba namin susunduin?" magkakasama na nga ata sila.

"No need. I'm coming." saad ko at tumayo na sa pag pi-paint.

Libangan ko din ito mula noon. I thought when I was a kid makakalimutan ko ng marunong akong mag pinta sa pag tanda ko dahil nakikita ko kung gaano ka busy si papa noon at sabi nya ay magiging ganoon din ako. But I was wrong. I did not stop painting my feelings, specially when I'm bored.

Nag palit ako ng isang simpleng gray na off shoulder dress. Above the knee ito at pinarisan ko ng isang itim na highheels. Nilugay ko na lamang ang buhok ko.

"Where will you go?" bumungad sakin si Nicco pagkababa ko ng hagdan. This past few days busy na talaga sya. Maybe his doing all his best so I could get rid of the news. And start my matters here.

"Coffee shop." sagot ko.

"Ipapalabas maya-maya ang pag bisita nyo ni Aunt Ina sa sementeryo noong nakaraang araw. They also ask her if she can say something to the media. So, I guess this is the end. Makakapasok ka na sa susunod na araw."

Matapos niyang sabihin sakin iyon ay umalis na sya sa harap ko. Sinundan ko naman sya ng tingin papunta sya sa hardin. Nakita ko din sa glass wall na nasa labas din pala si Cavin maybe they will talk about something.

Lumabas na ako ng bahay at kinuha ang magiging kotse ko dito sa Pilipinas. It's a white porsche. Hindi ito nakarehistro sa pangalan ko bilang Lavista dahil nga sa plano ko. Ginamit ko ang apelyido ng Lola kong Pinay. Ang ina ni Mamá.

Nagmaneho na ako papunta sa coffee shop na pagkikitaan namin ng mga kaibigan ko ng binuksan ko ang radyo ng kotse. It was tuned in to a radio news station. Pinakinggan ko ang balita habang binabagtas ang daanan.

At first, the news was talking about the economy of the country. Then all of the sudden napunta ito sa usapin ng mga negosyante ng bansa.

They mentioned the top ten business tycoons in Asia that resides here in the Philippines. Nabanggit ang mga Laxamana bilang nangunguna at pangalawa naman ay ang Lavista. Sinusundan naman ito ng Luxvart. Hindi ko na pinatapos pang pakinggan ang balita at pinatay ko na ang radyo saka lumabas ng kotse. Nakapagpark na ako sa parking lot ng coffee shop na napag usapan namin.

Pagkapasok ko sa loob ay iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng coffee shop. It has been a while since I last visited this place. The ambiance is still the same where I fell in love  before but the place did quite improve now, specially the interior designs.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon