Chapter 7

187 14 5
                                    

Flirt

Naging abala ako sa pagbabasa at pagaaral ng mga papeles na nasa lamesa ko. Masyado akong naging abala sa mga binabasa na hindi ko na napansin ang oras. It's already five thirty when I stopped reading because of hunger.

Dahil sa pagiging abala ko at tulog si Nicco ay hindi ko na siya nagising para mag meryenda kanina. When I was about to woke him up gising na siya.

"Cavin texted me, sasama daw siya sa atin."

Sumangayon ayon ako kaya nagmaneho siya papunta sa bahay nila Cavin. Mahaba nga lang ang naging oras ng pag mamaneho ni Nicco dahil sa traffic. Halos inabot nga kami ng ilang oras sa kalsada dahil sa rush hour na. Tiningnan ko ang aking relo at nakita ko mag aalas otso na ng makapasok kami sa village nila Cavin.
Pagkapasok namin sa bahay ay iginaya agad kami ng mga kasambahay papunta sa kusina. Dere-deretso naman kami at nauna na si Nicco.

"My gosh hija! You look gorgeous!" bungad ni Auntie ng makita ako.

Sinuklian ko naman siya ng ngiti at umupo na sa tapat ni Cavin. Akala ko ay magkakapag hapunan ako ng maayos pero nagkamali ako dahil sa dami ng tanong ni Auntie sakin na kailan kong sagutin kung hindi ay hindi siya titigil.

"Sino ang nag ayos sayo sa salon?"

"Si Lorren po." sagot ko kahit na may laman pa ang bibig.

Nagulat ako ng tumili sya ng bahagya. Napaubo naman si Tito Cevin. Tiningnan ko si Cavin na natatawa na dahil sa kakulitan ng ina. Napainom ako ng tubig dahil sa nangyari.

"So, anong sabi niya? Lorren is my favorite hair stylist in our salon! Palakwento kase."

Tumango naman ako at nilinok muna ang kinakain, "Nagkweto po sya pero nakatulog ako." saad ko.

Tumango naman siya at bahagyang tumahimik tapos ay dumaldal ulit tungkol sa karanasan nya sa pagsasalon lalo na sa salon namin at sa magandang style na gawa ni Lorren. Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon ako ng pagkakataong tumango lang.

Tumikhim si Uncle, "So how's the company?"

"Ayos lang po, yung mga nasa department ko ay dati na nating empleyado kaya walang problema." magalang na sagot ko.

Tumango naman siya at sa wakas ay natahimik na si Auntie, bumaling naman si Uncle kay Nicco. "You did well, how's your own company?"

"Still the number one, Uncle." sa tono ng pananalita ni Nicco ay halatang bad trip pa din siya.

Pagkatapos naming mag hapunan ay dumiretso na si Cavin sa kwarto niya para magbihis dahil kadarating lang din daw niya galing opisina. Naghintay naman kami ni Nicco sa garden. Tinitigan ko lang ang mga bulaklak na nasa hardin na napakaganda habang si Nicco naman ay nakahilig lang sa sandalan ng upuan niya at nakapikit na akala mo ay bitin pa sa tulog nya kanina.

"Let's go!" malakas na sigaw ni Cavin ng makalapit sya sa garden, natikwas naman si Nicco na halatang na irita sa ginawa ni Cavin na tinitigan niya ng masama, nagsawalang bahala naman si Cavin.

Iisang kotse lang ang ginamit namin, nagkasundo na kami na si Cavin ang magmamaneho papunta at pagkatapos ay ako naman kapag pauwi na. Sumangayon na ako dahil kanina ko pang ginagawang driver ang pinsan kong si Nicco. He needs to rest baka mabawasan ang pagka init ng ulo.

Nang makarating kami sa BGC ay si Cavin na din ang namili ng bar na pinasukan namin. Halatang madalas din siya dito dahil sa kilala na siya ng nga bouncer.

Naghanap kami ng table sa bandang gilid. Nang makaupo kami ay nagtawag na si Cavin ng waitress, agad namang may lumapit na binati pa si Cavin.

"Drinks?" baling nya samin ni Nicco.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon