Fall
Nakatulog naman kaming dalawa ni Nicco ng maayos, ang kaso nga lang ay sa salas lang. Ginising niya lang ako ng matapos na siyang magluto ng almusal ko. Nagdala lang siya ng dalawang tupperware ng niluto niya at hindi ako sinabayan sa pagkain noon.
Noong una ay nagtaka pa ako kung para kanino ang isang tupperware na dala nya dahil masyado atang marami iyon. Naisipan kong tawagan si Cavin pero hindi ko na itinuloy. Nanatiling nakapatay ang cellphone ko hanggang ngayon. Nagiisip kung ako ba ang dapat mag adjust dahil sa panggugulo ni Mr. Luxvart sakin o hindi.
Ayokong ako pa ang mag a-adjust dahil sa kadahilanang siya na itong nakakaperwisyo. Mahalaga ang cellphone number ko isa pa family number ito. Hindi basta-bastang mapapalitan. Kaso kung hindi ako magpapalit ng cellphone number ay patuloy nya akong guguluhin.
Muntik ko ng mapagbuntunan ng galit ang mga papeles sa harap ko. Naiistress na ako letche! Kung bakit na naman kase ibinigay pa ni Evereen ang number ko!
"Ma'am? You have a visitor." imporma sakin ni Ria sa labas.
Wala sa sariling sumagot naman ako, "Papasukin mo nalang."
Hindi ko na naiisipang itanong kung sino iyon. Masyadong marami ang laman ng isip ko para gawin ko pa iyon. Late ko ng narealize na mali pala ang ginawa ko.
"Why didn't you answer my calls? You didn't even bother to reply on my messages."
Mapupungay ang matang napatingin naman ako sa kanya. Kanina lang pinoproblema ko pa siya, mula kagabi pa nga. Tinitigan ko lang siya at alam kung unti-unti ay tumatalim ang tingin ko sa kanya. Pasensya na pero he is no professional!
"Don't stare at me like that. You look so fucking hot."
Agad ko syang inirapan sa mga narinig ko. Gago ba sya? Alam kong bachelor pa sya at hindi maiiwasan ang mga ganoong pananalita sa kalalakihan pero ano man lang ba ang irespeto nya ako sa loob ng opisina ko?! Nakakakulo ng dugo!
Himilig sya sa harap ko, inatras ko naman ang swivel chair ko para makalayo sa kanya. Umiling-iling sya sa harap ko.
"Labas." utos ko sa kanya.
"Why is that everytime that I'll enter your office I always end up being hurt? Your a sadist? Well... that's fine. I'm a masochist." seryosong sabi nya matapos tumuwid ng tayo sa harap ko.
"You won't get hurt if you just stay away from me." sagot ko sa kanya.
"But I don't want to. Not a chance, Rian."
Natigilan ako sa paraan ng pagtawag nya sakin. This is not the first time someone called me Rian. But why is that it's way too different when he calls me that?
Pakiramdam ko ay bigla akong kinabahan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko matapos marinig ang pangalan ko na tinawag nya. Para akong estudyante na bigla-biglang natawag sa isang oral recitation.
"I'm falling. Women do take time to realize that they are falling based from studies but man? We do just need a second to stare to a woman and we already knew our future with her."
Napakunot noo ako. Anong ibig nyang sabihin? Bakit niya sinasabi sakin ito?
"Rian, it's funny to think that I'm falling. I just saw you in bar and now I'm here. I'm not fast actually, your just slow."
"What are you talking about Mr. Luxvart?" mataray kong tanong sa kanya. Itinatago ang kabang nararamdaman ko.
"See? I know you have an idea but you disregard it. I told you I like you. And now I'm here saying I'm falling for you."
![](https://img.wattpad.com/cover/165958779-288-k136696.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing You
Romansa|COMPLETED| Amberianna was raised to be kind and never seek for revenge but not when she found out how her father died. Casa Lavista, their home in Spain didn't do anything to get justice for her Papá. So with a heart filled with anger she compromi...