Start
"Good morning my dear!" masayang bungad ni Aunt Ina sakin pagkapasok ko sa kusina. Kumpleto na sila sa hapag. Cavin and Nicco are both eying on me like I did something bad.
"Good morning everyone!" bati ko sa kanila. Tumango naman so Tito Cevin sakin matapos humigop sa kape niya.
Umupo ulit ako sa tapat ni Cavin na palagi kong puwesto mula ng makabalik ako ng Pilipinas at makasalo sa kainan nila.
Tahimik ang naging simula ng almusal namin ng basagin iyon ng tanong ni Uncle Cevin sakin.
"Hija, since you will be using Gozon as your surname, what about the records? Like government records?"
Sasagot na sana ako ng si Nicco na ang sumagot. "I already settled that Uncle. Lahat ng gagamitin niya dito kotse, condo, credit cards, lahat ay nakapangalan na sa kanya bilang Rian Gozon."
Napangiti naman ako kay Nicco dahil doon. Binalingan nya ko at sinuklian ng pag irap. "Don't you dare smile at me like that, Amber. Not when I know who you talk yesterday."
Sumimangot naman ako at bumaling sa kaharap ko. And to my horror Cavin is eying me sharply. Halatang may galit din sakin. Hindi na ako nag salita pa at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Naunang umalis si Uncle samin ng may tumatawag sa kanya para sa isang breakfast meeting. Inihatid naman siya ni Auntie sa labas ng bahay at naiwan kaming tatlo ng mga pinsan kong balak ata akong patayin sa hapag.
"Uh, I'm done. Kukunin ko lang yung gamit ko sa kwarto para deretso salon na ko." saad ko at tumayo na. Akmang palabas na ako ng kusina ng mag salita si Cavin.
"Hey, she talked to me. Thanks." nanlaki ang mata ko sa gulat at napabaling bigla ako sa kanya. Nahagip ng mata ko si Nicco na napatigil din sa pag kain.
"Wait, what?! Sino? Si Zaph?!" sa dami ng tanong ko tango lang ang isinagot niya. Hindi parin ako makapag react ng maayos kaya tinititigan ko na lang ang pinsan ko.
"Tss! Bilisan mo na nga lang! Aasikasuhin pa natin ang mga babaguhin mo sa sarili mo!" padabog na lumabas ng kusina si Nicco matapos sabihin iyon. Napahalakhak naman kami ni Cavin.
"Thanks couz! Tinawagan niya ko kagabi. Nag kita kami at nakapag usap." nakangiting sabi ni Cavin sakin.
"I didn't say anything to her. Sarili niyang desisyon 'yon, you should not thank me." seryoso pero nakangiting saad ko sa kanya.
"Well, I don't care, just accept my thank you, you know." saad nya habang nakangisi at tumawa naman ako sa sinabi nya. Here he goes.
"Sigina kunin mo na gamit mo Ms. Gozon baka magalit ang secretary mo." umalis akong iiling-iling at tumatawa parin sa kusina.
Pagkalabas ko ay nakita kong nakaabang na ang kotse ko sakin. Nasa loob si Nicco na nakapwesto sa driver's seat. Umupo naman ako sa shotgun seat.
Dere-deretso lang ang pagmamaneho niya ng walang kahit anong sinasabi sakin. Ni hindi nga niya ako tinitingnan.
Tumikhim ako at nag salita. "Nicco, sa tingin mo ano magandang kulay ng buhok?" kahit alam kong useless ang tanong ko ay tinanong ko na.
"You will be using a jet black hair style ang mata mo ay gagamitan mo ng itim na contact lense, skin tone, ayos na yan nag pa tanning ka na naman kasama si Auntie." habang sinasabi nya sakin iyon ay hindi niya parin ako tinatapunan ng tingin. Bumuntong hininga na lang ako.
Tumigil siya sa isang salon na pamilyar na pamilyar sakin. It was one of our business, ewan ko ba paano kami nagkaroon ng salon business. Nauna na siyang bumaba at hinintay nalang ako. Pagkababa ko ay walang sabi-sabing hinatak niya agad ako papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Chasing You
Romance|COMPLETED| Amberianna was raised to be kind and never seek for revenge but not when she found out how her father died. Casa Lavista, their home in Spain didn't do anything to get justice for her Papá. So with a heart filled with anger she compromi...
