Chapter 26

158 6 0
                                        

Settled

"Rian, hey! We're almost here."

Iminulat ko ang mata ko at umayos ng upo. Buong biyahe ay pinili ko ang matulog para narin makundisyon ko ang katawan at utak ko pagkadating namin sa Casa Lavista.

Nag touch down ang eroplano namin at inginaya kami ng mga tauhang kasama namin palabas. Nauna si Cavin na lumabas habang inaalalayan ako. Nasa pribadong bahagi kami ng airport kung saan ekslusibo lang sa pamilya namin.

"Amberianna! Cavin, baby!"

Tumakbo si Cavin palapit kay Zaph ni kinakawayan kami at ang mga walang hiya naghalikan pa habang mahigpit na magkayakap. Iniiwas ko ang tingin ko at nauna na. Sinundan ako ng ibang mga tauhan palabas ng airport. Sa parking ay nakaparada ang mga sasakyang pag-aari namin.

Nilingon ko ang umakbay sakin at nakita ko si Zaph. Nakangiti siya sakin habang ang isang kamay niya ay magkasilop sa kamay ng gago kong pinsan.

"Gosh! I missed you! You have so many things to tell."

"Yeah, maybe later."

Sa totoo lang ay wala akong gana at pakiramdam ko ay iritable ako. Siguro dahil parin sa pagbubuntis ko. Lumalabas tuloy ang ugaling ibinaon ko na sa limot, ganito ako noong kamamatay lang ni Papá.

Sumakay kami sa limousine na nakahanda para sa amin. Gostavo, one of our trusted men is the one who is driving. He vowed his head when he saw me and I only nodded. Sa unahan naman ay may isang sasakyan ng mga bodyguards at sa likod ay may nakasunod din na dalawa pang kotse na bodyguards parin ang laman.

Nagsalin si Zaph ng champagne para sa aming tatlo pero ng iaabot na niya sakin ang kopita ko ay inagaw iyon ni Cavin sa kanya na ikinagulat naman niya.

"Hey! Baby you have your own! Give it back to Rian."

"No. No drinking of any liquors for her." Huminga ako ng malalim at sumandal nalang ako saka ipinikit ang mata.

"What? Why?"

Hindi nagsalita si Cavin. Tumahimik ng ilang minuto kaya idinilat ko ang mata ko. Nakatingin sila pareho sa akin. I avoided their gaze and took the glass of champagne in Cavin's hand. He was off guard since he didn't expect that. I drink it with no hesitation and they are just looking at me. When I turned my gaze Cavin is looking at me furiously. I rolled my eyes on him and look at Zaph.

"I'm pregnant."

"Wait, what?!"

Gulat na gulat si Zaph na tumabi sa akin. Inagaw niya sakin ang hawak kong champagne. Cavin only sighed on what I did. Thank goodness Gostavo cannot hear us.

"Since when? How? Who's the father?"

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang mag hurumintado.

"Why? What about the punishment? Does your mom knows?  The Casa Lavista? How about our friends?"

"Ikaw palang nakakaalam sa kanila."

"Tell me who's the father?"

"The motherfucking man who married the young Caravin, baby."

Marahas na bumaling ulit sakin si Zaph matapos niyang tingna si Cavin na nagsalita. Natigilan siya at nabitawan ang balikat kong hawak niya.

"He? He's the father? Wait, naging kayo ba?"

I smirked. How funny she asked that. Umiling ako at agad na nagsalita. "No."

"So it was a mistake? I thought you know what protection is? Cavin says you always remind him everytime we did it."

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon