Chapter 3

302 21 3
                                        

Target

Hindi ko pa rin iniiwas ang tingin ko sa lamesang kaharap ng amin. Nakatitig din sakin ang taong tinititigan ko doon. If I am not mistaken siya ang dahilan kung bakit nabalita ang pag dating ko dito sa Pilipinas. Nahalata ko iyon kanina habang pinanonood ang mga media reports sa TV!

Humanda lang talaga sakin ang lalaking ito kapag napatunayan kong dahil sa panghihingi niya ng number ko kaya naibalita ang pag dating ko!

Naaamoy ko na ang kamalasang dala niya sa buhay! Masayadong masangsang! Well, hindi naman siya magiging parte ng buhay ko dito sa Pilipinas kaya wala akong dapat ikabahala. Sadyang nagkabanggaan lang kami kanina at mukhang nagandahan siya sakin kaya hiningi nya ang numero ko.

"So anong balak mo? Titig na titig ka sa kabilang table."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cavin at kinausap na lang si Nicco.

"Nicco, may plano ka na ba sa kung paano mo mapapahupa ang balita tungkol sakin?"

Kunot noong napalingon sakin si Nicco. "Wala pa bakit?"

"Can I tell you my plan? Or at least tell who you should target?"

"Target? Bakit kilala mo ba ang nagpakalat ng balita?"

Bumintong hininga ako. "Speculations."

"Asus! Wala lang yan Nicco! Wag mong pansinin." binalingan ko si Cavin at tiningnan ng masama ang pinsan ko sabay batok dito.

"Parallel table to us. Kung nasaan ang mga babaeng mahal niyo at ang lalaking naging dahilan ng pagkakabalita ng pagdating ko."

Nagulat ako ng tumayo bigla si Nicco. Sumunod naman si Cavin. Nakakarami na rin ako ng island breeze pero ayos pa naman ako dahil sa mataaas ang alcohol tolerance ko.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Kukunin ang mga mahal namin."

Muntik ko ng maibuga ang inumin ko dahil sa pagka gulat. Napatayo din ako. Akmang maglalakad na sila at susunod na sana ako ng may humarang na mga babae sa daanan namin.

"Lavista right?" tanong ng isa sa mga babaeng nasa harap namin.

"Who? Me or them?" sagot ni Cavin sabay turo sakin.

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa nya. What the hell!  He's really making my arrival public!

"Me?! I'm not a Lavista!" depensa ko medyo napalakas iyon at halos naagaw na namin ang atensiyon ng mga nakapaligid samin.

"Oh, not you dear! Silang dalawa lang. You are Niccollius and Cavin Lavista right?" nakahinga naman ako ng maluwag ng dahil sa mga sinabi ng babae. Napaupo ako sa sofa.

"Yeah. Lavista... siya. Hindi ako." sagot naman ni Nicco. Para akong nanonood ng live show. Napangisi ako.

"Lies. Magkamukha kayo. And... I like you." nasamid naman ako sa tapang ng babaeng naroon. Bagay sa kanya ang fiercely red dress niya.

"Uh, excuse me. Can I leave now? You guys looks like you just need Lavista and I'm not a Lavista. So bye." derederetso kong saad at agad na humakbang palayo pero hinigit ni Nicco ang braso ko.

"You're not leaving, love." mabilis na napalingon ako kay Nicco at tiningnan sya ng masama. Sinuklian naman nya ng tinging nakikiusap ang tingin ko.

"Yeah right, wag ka munang umalis. May gustong lumandi sa boyfriend mo tapos aalis ka?" patuyang tanong ni Cavin. Sinasakyan ang palabas na ginawa ni Nicco.

"Uh, we're in an open relationship." alangang sagot ko.

Hinapit naman ako palapit ni Nicco sa kanya at bumulong sya sa tenga ko. "Fuck it, Rian. Matuto kang makisama."

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon