Pregnant
Hinilot ko ang sentido ko dahil sa sobrang sakit. Lampas isang linggo naring madalas kong maramdaman ang pag sakit ng ulo ko. Kung hindi naman ay nasusuka ako at bigla-binglang may gugustuhing kainin at kapag hindi ito naibibigay ay iritable ako.
Idagdag pa ang stress na dulot ng mga pangyayari sa plano ko may mga ilang pagkakamali ako pero sa tingin ko ay maayos naman. Tahimik lang si Nicco sa sofa dito sa loob ng opisina ko. Mas madalas na siya ngayon dito at pinangatawanan na ang pagiging sekretarya ko kahit nariyan naman si Ria. Ang pinsan ko ang nauutusan ko sa mga pagkaing bigla-binglang gusto ko nalang kainin.
Maya-maya ay bumaling siya sakin matapos maisara ang laptop niya. Alam kong maski siya ay hindi nagustuhan ang mga pangyayari. Pero alam kong maayos ko ito. Alam ko. Kaya ko.
I made the wrong decision when I let my logic stop and made my guard down. I was— no— I am a stupid woman who is in love with someone that can make me down. Can make me weak. Can drag me to mud.
Crazy to say that I am fond on loving a wrong guy because, come to think of it, it is really a common statement now a days. Most of woman would proudly say that they love a wrong man. And I think I am on of them. Not that I'm really proud about it. I can't even say to him I love him yet I let him penetrate me. How stupid for a countessa isn't it?
"Hey there ma'am, everything is settled." Nawala ako sa pag mumuni-muni ko ng ipakita sakin ng aking sekretarya ang mga papeles na aking kakailanganin.
"Leave it here. And be ready for our flight." Nakita ko na natigilan siya sa mga sinabi ko.
"I just want to remind you something and that is before, ang flight na pinaghahandaan lang natin ay ang business trip flights at travel flights mo, and oh! Noon din pala flight papunta dito ang gusto mong masakyan pero ngayon, oh well, the perks of being a—"
"Stop right there. Let me remind you too that you, you are my secretary. Just my damn secretary! So now, go leave!"
Uminit ang ulo ko sa nakakalokong ngiti na ipinakita nya sakin. I can't kill him but yeah, I want to kill him. Pakeelamero talaga sya porket, tss! nevermind. Hindi ko alam pero sa halos dalawang linggong nagdaan kapag nagiging iritable ako naiisip ko ang pumatay.
Nakakabwisit talaga ang taong iyon. Pero minsan mas mapapakinabangan at mas karapat dapat pang ingatan at pahalagahan ang kagaya nya kesa sa mga walang kwentang tulad ng iba. Nang taong mahal ko ng sobra.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga papel na hawak ko kanina. Halos lahat ng ito ay naglalaman ng isang paksa. Iisang paksa lang. At iyon ay ang disisyon ko tungkol sa mga pangyayari ngayon. Ang sulosyon sa lahat ng gulong kalakip ng pag kakamali ko.
In a week I can make sure that everything will be settled. I can do that. Because I am the heiress of an important and powerful family in spain. Now, I can say it proudly.
I will use that to fight back. To make them feel beaten. To give satisfaction on going against me. And to get back the one I once own. To get him.
Tuloy parin ang imbestigasyon sa mga Caravin at dahil sa planado na namin ito ay nahihirapan na sila ngayon dahil sa wala marin silang perang makukuha sa kung saan man sa mga bangko nila dahil naipit na namin ang mga ito. Hindi natuloy ang honeymoon nila Elianiere at Davin dahil sa mga nangyari. Hindi parin nakakarating kay Mamá ang lahat haggang sa umalis siya ng bansa kagabi. Hindi ko lang sigurado kung hindi pa ito nakakaabot sa House of Lavista dahil sigurado akong malaking gulo na, bagay na kasama sa plano ko kaya rin ipinahanda ko na ang flight namin.
Inaasahan ng lahat na mananatili si Mamá dito sa Pilipinas pero dahil wala siyang alam sa mga nangyayari ay umalis siya. Hinihintay ngayon ng mga tao ang pag litaw ko, ni Amberianna ang unica hija ng count na napatay sa bansa. Pero hindi pa ako nagpapakita. Nanatili parin akong si Rian Gozon sa loob ng linggong nagdaan. Wala paring umuungkat ng pagka-tao ko kahit na nakita na nila akong kasamang dumalo sa kasal ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Chasing You
Romance|COMPLETED| Amberianna was raised to be kind and never seek for revenge but not when she found out how her father died. Casa Lavista, their home in Spain didn't do anything to get justice for her Papá. So with a heart filled with anger she compromi...