Chapter 28

148 6 2
                                        

Missing

I knew from the start that there is one person for each of everyone of us that will come and suddenly you will realize they change your life, your perspective, your personality.

Someone will come and passed by leaving wounds that eventually become a scar and so we will called that scar a fruit of tradegy but unlike wounds tragedy won't leave scars, it will leave lessons. I prove that right dahil sa ilang taong nag daan alam ko sa sarili ko na may nag bago sa akin. Dahil iyon sa mga pangyayari ng nakaraan ko na hindi ko pinag sisisihang ginawa ko.

Sa loob ng isang linggo bago ang kasal ni Evereen ay pinag isipan ko ang gagawin ko kung saka-sakaling makita ko siya dahil alam kong malaki nga ang chance na mangyari iyon. Pinag isipan ko kung anong gagawin ko kung sakaling makilala niya ako, o masabi ni Evereen sa kanya kung sino ako.  Inisip ko kung paano kapag nakita niya si Davi, lahat iyon ginawan ko ng scenario sa utak ko at nilatagan ng plano para makatakas kung nangyayari man.

Tandang-tanda ko kung ilang beses kong sinabi na hahabulin ko siyabat aangkinin noon pero iba na ang sitwasyon ngayon. Akala ko dati may laban ako dahil buntis na ako pero hindi, mali pala ako. Kung mag hahabol man ako ngayon at malaman niyang may anak kami tapos ay kasal siya kay Elianiere na nasisigurado kong matindi ang galit sa akin bilang si Rian, magiging ka-awa-awa ang anak ko at hindi ko hahayaang mangyari iyon.

Anak ko si Davi, Lavista siya, tagapagmana ko siya. Walang pwedeng manakit sa kanya kahit pa ang ama niya.

Bago kami tumulak papuntang Italy hinanda ko na ang sarili ko. Malaking kasalan ang pupuntahan ko at alam kong may nga Pilipino na dadalo. Sinabihan na ako ni Evereen. Karamihan din ay kilala na ako bilang may-ari ng Laza's Fuel ng bansang matagal ko ng hindi nadadalaw. Ayoko ring subukan pang dumalaw dahil namatay nga si Mrs. Caravin pero buhay si Mr. Montini at alam kong galit si Elianiere, ayokong mag karoon ulit ng gulo. Ayokong dumating sa puntong madadamay ang anak ko.

"Momma, you looks beautiful."

Ngumiti ako at umupo sa sofa para maging ka-level ko si Davi. Nakangiti ang magandang labi niya sakin. Ang sarap niyang pag masdan dahil mukha siyang anghel, ang anak ko, pakiramdam ko ang swete kong ako ang ina niya.

"Mi hija, eres mas hermosa." Malambing kong saad sa kanya.

Ngumuso siya at umiling-iling, "No momma, I am beautiful because you are my mother."

Napangiti lang ako dahil sa galing niyang sumagot para sa edad niya. Niyakap ko siya at hinalikan ang ulo niya.

Hindi. Hinding-hindi ako nagsisisi na nag higanti ako. Hindi, hindi pagkakamali ang mahalin ang ama ng anak ko, hindi ko babaguhin ang ginawa ko noon kung makakabalik ako sa nakaraan dahil kung gagawin ko iyon mawawala si Davi sa akin at hindi ko kakayanin iyon. Hindi ko kaya. Hindi ang anak ko.

"That's so sweet, mi hija. You know I love you so much right?"

"Sí, Mamá. Te amo mucho." Malambing din niyang saad sa akin.

Niyakap ko siya at inayusan nalang ulit. Ilang minuto pa ang itinagal namin bago pumasok si Nicco kasama si Zack para sunduin kami at isabay tungo sa simbahan sa Milan Cathedral na pag darausan ng kasal. Hindi na rin ako makapag hintay na makita iyon dahil sa napakagandang history ng cathedral na iyon na inabot na halos anim na century bago natapos. Sa pagkakaalam ko ay nagsimula iyon noong 1386 at natapos noong 1965 na pinagtulungan ng higit limang architect. What a wedding Evereen have for today.

Dito naman sa Château Monfort gaganapin ang reception kaya dito narin kami ngmag check in. This five star hotel is really amazing. Davi loves being here since their rooms are Fairy Tale themed and Nursery rhymes. And I myself fall for their antiques furniture mixed with their glamorous modern facilities, what an aesthete interior design.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon