Jackie POV...
5:00 am palang ng umaga ay gising na ako, kailangan ko kasing maagang umalis ngayon dahil kailangan kong maghanap ng trabaho ngayon dahil nakakabgot kong palagi lang ako sa bahay tsaka para hindi narin kami aasa sa padala ni tita dahil alam ko naman na hindi lang ako ung pinapadalan ng pera kundi pati na rin ung asawa't anak nya. Bumaba na ako para makapaghanda na nga ng almusal namin. Tsk! Hindi pala kinain ni kaori ung niluto ko ka gabi. Kinuha ko naman yon at itinapon sa basurahan, may mga langgam na kasi tsaka baka ginapangan na yon ng ipis baka magkakasakit pa kami no. Ilang oras ay natapos na rin akong maghanda ng pagkain. Bumalik ako sa itaas para maligo at pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at naghanda tsaka bumaba. Nakita ko naman si kaori na nagtitimpla ng gatas, napatingin naman sya sa akin at agad umiwas ng tingin. Di ko nalang sya pinansin at umupo nalang.
Kumuha na ako ng pagkain tsaka ako kumain, napansin ko naman si kaori na umupo sa tapat ko at nagsimula na ring kumain.
Walang ni isang nagsalita sa amin hanggang sa matapos na akong kumain at tumayo na ako. Uminom muna ako ng tubig tsaka nag toothbrush at pagkatapos nun kinuha ko na ung bag ko at ang mga kaylangan sa trabaho. Aalis na sana ako ng tinignan ko sya.
BINABASA MO ANG
ANG MANHID KONG ASAWA
Fantasy"You are the only memory i can't let go. At ayokong manatiling alaala lang ang lahat I want to make it real..."