Simula

138 3 0
                                    

Ang sabi nila dadating ang panahon na maiinlove ka sa isang tao at hindi mo iyon pwedeng pigilan. Dahil kapag mas lalong pinipigilan, mas lalong nagnanais lumabas.

Hindi ko inaasahan na ang simpleng paglipat ko ng eskwelahan ang magdadala sa akin sa mundo ng pag-ibig. Well, hindi nga naman natin malalaman kung kailan darating ang pag-ibig.

Hindi ko akalain na maiinlove ako sa isang taong unang beses ko pa lang nakita. Isang taong tinitingala, tinitilian, hinahangaan ng maraming kababaihan.

Hindi ko akalain na magiging isa ako sa mga babaeng hahanga at mahuhulog sa angkin niyang karisma.

Hindi ko akalain na maaapply ko pala ang mga salitang "love at first sight". Unang kita ko palang sa kanya habang tumutugtog siya ng gitara kasama ang mga kabanda niya sa music room ng bagong eskwelahan na aking nilipatan, agad na akong humanga sa kanya. Nakaramdam agad ako ng kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

Pangalawang beses ko siyang nakita ay noong kumakanta sila sa entablado. Mas lalong nahulog ang puso ko sa kanya.

Ikatlong pagkikita namin ay noong umuulan at nakalimutan kong magdala ng payong. Naghihintay akong tumigil ang pagbuhos ng ulan, kung titigil nga ba. Nakalimutan pa naman akong sunduin ni Ate.

Nagulat nalang ako nung may nag-alok sa akin na makisabay sa kanya. Ang taong yun ay walang iba kundi ang bassist ng grupong EVERLA5TING. Inalok niya akong sumabay sa kanya hanggang sakayan kung saan naghihintay ang mga taxi. Tumango nalang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. Nginitian niya naman ako. Ngiting naghatid ng ligaya sa aking puso.

Simula nang araw na iyon, napagtanto kung:

"I'm In Love with the Bassist"

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon