28 Accident

13 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang lahat. Hindi na rin ako masyadong kinakabahan. Medyo nag-aalala pero hindi ko na ito pinatutuonan ng pansin.

Naging masyado rin kaming abala sa mga school activities kaya nalihis ang atensiyon namin.

Mas naging malapit din kami ni Maurine kaya madalas niya kaming niyaya na lumabas. Sumasama naman kami ni Eren para kahit papaano ay makapagrelax kami. Pinapayagan naman nila kami kasi alam nila na kailangan din namin iyon.

Ngayon nga ay nandito kaming tatlo sa mall. Nagyaya na naman kasi si Maurine. Pinagbigyan naman namin siya.

"Camila! Bumili tayo ng damit! Miss Pres, ikaw din!" Ang hyper niya talaga ngayon.

"Maurine Laureen Hwang, kalma ka lang okay? Ang hyper mo masyado." Puna naman ni Eren. Napakastraightforward talaga ni Eren.

"Miss naman! Bakit mo naman binanggit ang buong pangalan ko?" Nakasimangot niyang baling kay Eren.

"Ano naman ngayon? Eh ang ganda nga ng pangalan mo eh." Sabi naman ni Eren.

"Oo nga naman Mau, ang ganda ng pangalan mo." Sang-ayon ko.

"Alam ko naman yun noh!" Sabi niya. Nagbago ang mood niya bigla.

"Kain tayo!" Sambit nito bigla at hinila kami papunta sa isang kainan malapit sa kinatatayuan namin.

"Mau! Katatapos lang natin kumain noh!" Sabi ni Eren.

Oo nga naman. Kani-kanina lang nang matapos kaming kumain at heto at kakain na naman.

"Busog pa ako eh!" Sabi ni Eren.

"Pagbigyan niyo na ako! Ngayon lang ako manlilibre!" Sabi niya habang nakapout siya.

Napangiti naman kami ni Eren. Mau looks so adorable.

Dahil nga sa kahilingan niya na pagbigyan namin siya, pinagbigyan na lang. Kawawa naman kasi.

Gabi na ng matapos kaming magshopping. May dalang kotse si Mau kaya siya nalang ang maghahatid sa amin.

Abot langit ang ngiti namin. Ang saya kasi talaga naming tatlo sa hindi namin malang kadahilanan.

Habang nasa loob ng sasakyan ay panay ang kanta ng dalawa. Nakikinig lang ako sa kanila habang tumatawa. Ang cute kasi nilang dalawa habang namimilipit maabot lang ang high notes.

"Sabayan mo naman kami Camila! Ikaw lang naman ang magaling kumanta sa ating tatlo eh!" Sabi ni Mau.

Umiling lang ako pero nakisabay na rin sa kanilang dalawa. Maya-maya pa ay nagulat nalang kami nang makarinig kami ng putok ng baril at pagkabasag ng bintana ng kotse na sinasakyan namin.

Napasigaw naman kaming tatlo sa sobrang gulat. Mas binilisan pa ni Mau ang pagpatatakbo ng sasakyan dahil may humahabol sa amin. I quickly reach for my phone and dial Brian's number but before he can answer, my phone slipped and I hear more gunshots.

Nagyayakapan na kami nina Eren. Hindi na talaga namin alam ang gagawin!

"Kalma lang tayo girls! This is not the end of the world for us!" Sabi ni Mau na naiiyak na. Alam kong nanginginig na siya sa takot pero pilit pinapatatag ang kalooban.

Mas binilisan niya pa ang pagpatakbo na hindi namin namalayan na may humarang na kotse sa harap namin. Sa sobrang gulat ay kinabig ni Mau ang manibela at ang sunod kung naramdaman ay ang pagkamanhid ng katawan ko. Yung kotse namin ay nahuhulog sa isang cliff!

Napasigaw na lang kami. Sa bilis ng pangyayari ay nasira ang pintuan sa gilid ni Eren kaya bigla nalang siyang gumulong palabas sa kotse. I tried to reach for her hand but I coudn't. Naipit ang paa ko at hindi ako makagalaw.

The next thing I knew, I am seeing black. My head is spinning and my body is aching too much. I can hear voices but not clear. Naiiyak na ako sa sakit.

After that, wala na akong maalala pa.

I woke up feeling dizzy. My body is aching. My head is spinning.

Tuyo din ang lalamunan ko. I slowly open my eyes and greeted by something white.

Hospital. I'm in a hospital!

Naalala ko bigla sina Eren at Mau. Bumangon ako at napaigik ng makaramdam ako ng sakit sa katawan.

"Camila!" Narinig ko ang boses ni ate na humahangos papunta sa akin. Kasama niya na ang doctor.

Ilang minuto rin akong tinignan at umalis na ang doctor.

"Ayos ka lang ba? Anong gusto mong kainin?" Tanong ni ate.

"A-ate, n-nasaan si Eren at Mau?" Tanong ko.

Napayuko naman si ate.

"A-ate, p-please! Sabihin mo sa akin! N-nasaan sila?" Sabi ko.

"Mau didn't survive Cams." Sabi niya. Nanlamig ako bigla.

"Nasa coma ka ng isang buwan. Maraming nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita si Eren-

"W-what? Nawawala si Eren? At isang buwan akong nasa coma?" Halos hindi na ako makahinga sa mga naririnig ko.

"M-mau, she d-didn't survive?" I asked. Almost whispering. This can't be happening. I thought it is not the end of the world for us. Then why?

Napaiyak na lang ako. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak. Parang ang saya-saya pa namin habang nagshoshopping! Yun na pala ang huling beses na makikita ko ang ngiti ni Mau. Nasaan na kaya si Eren? I hope she is alive.

Naalala ko bigla si Brian.

"Ate, si Brian?" Tanong ko. Napatitig naman siya sa akin na parang tinatantiya kung kakayanin ko pa ang sasabihin niya.

"He left." Sabi niya at yumuko ulit.

"A-anong ibig mong sabihin? He left? Saan siya nagpunta?" Nanlalabo na ang mata ko sa mga luhang gustong umalpas.

"Para sa ikabubuti ng lahat yun Camila. Lumayo na lang siya." Sabi niya.

"No! Hindi niya ako iiwan! No! Sabi niya magkasama naming haharapin ang lahat! Hindi!" Nagwawala na ako. Ang sakit. Ang sakit sakit. Mas masakit pa sa mga sugat na natamo ko.

"Tahan na! He left 'cause that's the only way to make you safe. Aayusin niya daw ang lahat at babalikan ka niya. Kung kayo talaga, kayo talaga." Sabi ni ate.

"Hindi! Ayokong umalis siya! Dapat nandito siya! Dapat dinadamayan niya ako ngayon!" Sabi ko.

The revelations are too much for me to handle. Hindi ko alam ang gagawin!

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako.

I don't know what to do anymore.

-----------------
😭kapit lang po😭

💚🐥

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon