22 Vacation

24 0 0
                                    

Days and months had passed. Natapos ang school year. Pasok kami ni Eren sa mga may awards sa recognition day. Yung lima ay pasok din. As expected from my friend Eren, she is on the top 3. We are so proud of her.

Nagpaparty pa nga si ate sa bahay after ng ceremony. Sa mga sumunod na araw ay sunud-sunod ang mga party dahil na rin sa lima.

Weeks have passed at nakatambay lang kami ni Eren sa bahay. Next week pa kasi ang balik namin para sa mga kailangan pa naming tapusin. After that, complete vacation na.

Wala naman kaming balak magbakasyon sa ibang lugar. Hindi rin ako makakauwi sa probinsiya. Masyadong busy si ate para pagtuonan ng pansin ang bakasyon.

"Ang boring! Anong gagawin ko?" Sabi ni Eren.

Kung nasa probinsiya kami, malamang nasa beach kami ngayon o nagtatanim na kami ng sari-saring gulay sa bakuran namin. Ipagluluto kami ni Mama ng masarap sweetened banana. Speaking of Mama, nasabi na pala namin sa kaniya ang tungkol sa pagkakaroon ko ng boyfriend. Wala naman silang pagtutol. Basta daw ay maipakilala ko si Brian sa kanila sa mga susunod na araw.

Sasabihin ko pa lang kay Brian iyan. Hindi lang ako sigurado kung kailan.

"Wala ka bang alam na pwedeng gawin ngayong bakasyon ha Camila? Bored na ako dito eh." Sabi niya.

"Eren, kung gusto mong mamasyal, ikaw na lang muna. Medyo tinatamad akong umalis ng bahay. Kung ayaw mo namang umalis ay manood ka nalang ng mv." Suggestion ko.

I heard her sigh. She must be so bored na kahit yung mga sinabi ko ay hindi niya gustong gawun.

I knew better when Eren is bored, she just keep on sighing. Nagrereklamo din. Kung minsan naman ay yung mg kinahihiligan niyang gawin ay di niya na gustong gawin.

"Tawagan ko kaya si Jae?" Sabi niya.

Official na si Eren at Jae. Noong birthday ko pa. Parang aso't pusa nga lang kung minsan.

"Busy ka ba?" Narinig kong nagsalita si Eren. Kausap niya pala si Jae sa phone.

"Pwede kang pumunta dito?.... Pwede mo namang isama si Brian at yung iba..... Nandito kami sa bahay... Oo, ang boring nga eh.... Bakit?... Sige, see you... I love you too." Sabi niya.

Nginisihan ko naman siya ng mapatingin siya sa akin.

"Ano?" Masungit niyang tanong. Meron yata ang babaeng to eh. Ang sungit niya talaga.

"Wala naman. Ang sweet niyo naman." Kinikilig kong sabi. Inirapan niya lang ako.

I know that Eren is not clingy to anyone but me. Sa akin lang siya nagiging sweet at nagpapakita ng maraming emosyon.

Well, mukhang si Jae naman. Hindi kasi ganun ka transparent si Eren pagdating sa emotions niya.

Maya-maya pa ay dumating na yung apat. Wala si Jinsoo. May gagawin daw. Nagdala naman ng pagkain yung tatlo. Actually, nag-grocery sila. Tinambak na naman nila yun sa ref namin. Dinalawa ni ate yung ref kasi kung minsan kapag nag-grocery kami ay di magkasya sa isang ref. Ito nga at nagtambak na naman sila ng napakaraming pagkain sa ref. Tutal daw ay palagi naman silang pumupunta at dito na kumakain, nag-grocery sila.

Nagdala ng chess board si Jae at naglaro si Jil at Yohan. Si Brian naman at Jae ay nagvideoke. Kami naman ni Eren ay nakatingin lang sa kanila. We were laughing on the process.

The day ended but we are happy. Nawala na rin ang boredom ni Eren.

Maagang dumating si ate at niyaya niya pa ng hapunan ang apat. Syempre hindi sila tumanggi. Gustong-gusto nila yung luto ni ate eh. Pagkatapos ng hapunan ay nakipagkwentuhan pa sila kay ate bago umuwi. Maaga naman kaming natulog ni Eren.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon