35 Love You

22 3 0
                                    

Months  of preparations have passed.

"Cami!" Sigaw ni Eren.

"Bakit ka ba sumisigaw?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala lang, excited ako sa  event mo bukas. Siguradong maraming fans ang pupunta. Mahal ka kaya ng mga fans mo!" Sabi niya.

"Waaaaaaahhhhhhhh!"Sigaw naming dalawa.

Napatigil lang kami nang pumasok sa Jae na mukhang nag-aalala.

"Anong nangyayari? May magnanakaw ba?" Tanong niya na tinawanan ni Eren.

"Baby naman! Bakit mo ako pinagtatawanan?" Sabi ni Jae sabay pout.

Ang cute.

"Walang magnanakaw. Ganito talaga kami ni Camila magsaya." Nakangiting sabi ni Eren at nilapitan si Jae.

"Really?" Tanong ni Jae sa akin habang nakayakap kay Eren. Ang sweet eh.

"Uh-uh." Sabi ko habang nakangiti.

"Ang aga-aga eh. PDA agad kayong dalawa." Bigla namang pumasok si Jinsoo.

"Ang sabihin mo, bitter ka!" Sabi naman ni Jil.

"Bitter? Porket may something sa inyo ni Chloe?" Tanong ni Jinsoo.

"Chloe? As in Chloe Lim?" Tanong ni Eren.

"You know her?" Tanong ni Yohan.

"Of course! Anong mayroon sa inyo ni Chloe?" Sabi ni Eren.

"Wala! Wala! Okay?" Sabi ni Jil at dumiretso sa kusina.
Sumunod naman si Yohan sa kaniya na tumatawa.

"Who's Chloe?" Tanong ko naman kay Eren.

"Jil's PA. A huge fan of him." Sabi ni Jae.

"Woah!" Sabi ko.

"Nasaan nga pala si Brian? Kahapon, hindi rin siya nakapunta dito?" Tanong ni Eren.

Tumango naman ako. Brian is not contacting me. Hindi rin siya pumupunta sa bahay.

"He is quite busy right now. Don't worry, mahal na mahal niya si Camila." Sabi ni Jae.

Tinitigan naman nito si Jinsoo na nakahilata lang sa upuan at nakatunganga.

"Ano na? Anong oras kayo uuwi?" Tanong ni Eren sa kanila pagkalipas ng ilang oras dahil sa hindi pa sila umuuwi. Nakaupo lang sila sa sofa at nagtatawanan. Hindi nga dumating si Brian kaya nagmessage ako sa kaniya, kaya lang ay hindi siya nagreply.

Nasaan kaya iyon?

"Camila, mukha ka talagang tanga diyan. Halika na dito. Hindi pa daw uuwi tong mga to." Sabi ni Eren.

"Hindi nagreply si Brian." Malungkot kong sabi.

Napansin ko naman na siniko ni Eren si Jae.

"Busy lang siguro." Sabi naman ni Jae.

"Eh bakit kayo hindi? Magkaiba na ba kayo ng schedule ngayon?" Tanong ko.

Napaubo naman si Jil.

"Naku Jil, may sakit ka?" Tanong ko sa kaniya.

"W-wala, nedyo may bumara lang sa lalamunan ko. Jae, kailangan na pala nating umuwi." Sabi niya.

"Akala ko ba hindi pa kayo uuwi?" Tanong ko sa kanila.

"A-ah, ano, kailangan na pala naming umuwi." Sabi ni Jinsoo at ngumiti ng alanganin.

They are hiding something from me. I can feel it.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon