8 Take you home

31 2 0
                                    

After that lunch ay bumalik na kami sa classroom. Wala kaming klase kasi may meeting yung mga teachers namin which is subject teachers namin sa afternoon class.

Pumunta na lang ako sa music club. Nandito naman yung adviser namin sa club eh. Mamaya pa daw ang meeting  nila.

"Tutal, wala naman kayong klase, dito nalang kayo at magpractice. Malapit na ang contest. We need to do our best. Gusto niyong manalo diba? Give everything you can." Sabi niya.

We just nodded our heads.

We decided to practice then take a minute of break.

As usual, tinabihan naman ako nina Yohan at Jae.

"Mukhang bati na kayo ni Brian Kang ah." Sabi ni Jae.

"Good mood na siya eh." Dagdag pa ni Yohan.

"Talaga?" Paninigurado ko.

Tumango lang silang dalawa.

"Ano bang nangyari at bad mood si Brian kaninang umaga?" Nagulat naman kami nang bigla na lang sumulpot si Jil at nagsalita.

"Ano ka ba naman Jil! Ang hilig mo talagang manggulat!" Reklamo ni Jae.

"Oops! Pasensya na. Oh, ano na?" Sabi niya.

"Hindi kasi nasagot ni Camila ang tawag niya kagabi." Sabi ni Yohan.

"Yun lang? Nagalit na siya?" Sabi naman ni Jil.

Bigla na lang siyang hinila ni Jae at may binulong. His eyes grew wide upon hearing whatever Jae whispered.

Tumahimik naman silang tatlo.

"Oh, ayos lang kayong tatlo? Bakit ang tahimik  niyo?" Tanong ko.

Napatingin naman silang tatlo sa akin at sabay sabay na umiling.

"Alis na ako. May kakausapin lang ako." Sabi ni Jil at tumayo na agad.

"Bakit mo sinabi sa kaniya? Naku!" Sabi ni Yohan habang kinakamot ang ulo niya.

"Hayaan mo na. Mas mabuti ngang alam niya. Nga pala, Cams, magpaalam ka na baka gabihin ka bukas. Last practice yun. Kasama na natin dun yung sa mga dancing teams. Sa auditorium daw yung practice." Sabi ni Jae.

"Nakapagpaalam na ako. Sabi ni ate okay lang daw. Saka kasama ko naman si Eren." Sabi ko sa kanya.

Tinanguan naman ako ng dalawa. Ilang minuto pa at nagpatuloy na ang practice.

After practice ay nagpaalam na ako sa kanila. Si Eren naman ay hinihintay na ako sa labas ng music room.

Sabay na kaming umuwi ni Eren. Siya na ang naghanda ng hapunan. Ako naman ay umakyat muna sa kwarto para magpahinga.

Maya-maya pa ay tinawag na ako ni Eren at maghahapunan na daw.

After dinner ay nagkwentuhan muna kaming dalawa.

"Rens, sasama ka naman sa akin bukas diba?" Tanong ko.

Tumango naman siya.

"Di nga lang ako sure kung sabay tayong uuwi. Baka mas gabihin ako. Ang dami kasing kailangang asikasuhin. Malapit na rin ang contest. Alam mo naman na representative ang Writer's club para sa writing contest diba? May sasalihan din kaming isa pang contest." Sabi niya.

"So, mag-isa akong uuwi?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, pero pwede ka namang magpahatid kay Brian." Sabi niya habang nakangisi.

"Ano ka ba! Magkaibigan lang kami!" Sabi ko.

"Bakit sinabi ko bang hindi? Di ba pwedeng ihatid ka ng KAIBIGAN mo dito?" She is obviously teasing me.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon