30 Collaboration

13 1 0
                                    

"Ano ba yan! May nalilink palang babae dito kay Jae? Kay Brian din! Yung sikat daw na model. Yung si Patricia? Yung tatlo wala naman." Sabi ni Eren.

Hindi ko naman siya masabihan na wag na magsalita. Masakit kasi eh. Talaga ba na pinagpalit niya na ako? Dapat ba na hindi na ako naghintay? Dapat ba hindi na ako umasa?

Naiiyak na naman ako pero hindi ko pinapahalata kay Eren. Magtataka kasi siya at magtatanong.

Papunta kami ngayon sa isang sikat na coffe shop. Sabi kasi ng manager ko ay bago daw akong project. Ibig sabihin ay may bago akong kanta. Kailangan na nandoon si Eren kasi siya ang suslat ng kanta. Siya naman kasi ang gusto ko.

Pagdating doon ay wala pa sila. Naghintay muna kami ni Eren. Maya-maya pa ay nagpaalam muna ako na pupunta sa CR.

Pagbalik ko ay ikinagulat ko kung sino ang kasama namin.

EVERLA5TING. Seriously? Destiny? Pinaglalaruan mo ba ako?

"Cami! Nandiyan ka na pala!" Napalingon naman sila sa akin ng marinig ang sinabi ng manager ko.

"Cams! Ikaw pala yung singer na magkakaroon ng collaboration with them!" Excited na sabi ni Eren. Being oblivious with Jae's stare.

"Maupo ka na Cami." Sabi ng manager ko.

"Ahm, siya si Cami. Siya yung makakacollaborate niyo." Sabi ng manager ko.

"Camila....." Sambit ni Brian sa pangalan ko. Nakatulala pa rin sila.

Nagulat rin sila. Well, ako rin naman.

"You know her name?" Nagtatakang tanong ni Eren.

Tinitigan ko lang sila na parang sinasabi na gumawa sila ng paraan na nagets naman nila.

"A-ah, kasi nagsearch kami." Sabi ni Jinsoo sabay ngiti.

Napatango naman si Eren.

"Ako nga pala si Eren. Kaibigan ni Camila." Sabi ni Eren na ikinagulat nilang lima.

Sino ang hindi magugulat? Bakit magpapakilala si Eren ay kilala naman siya. They look puzzled.

"Eren...." Sambit ni Jae sa pangalan nito. There is longing in his voice.

Namula naman si Eren. May crush daw kasi siya kay Jae. Nakatatawang isipin na crush niya daw ang taong mahal niya naman talaga.

"H-hi." Sabi ni Eren. Kailan pa to naging mahinhin?

"So let's talk about the collaboration?" Sabi ng manager ko. Tumango naman kami.

Nag-usap lang kami ng ilang minuto bago nagpaalam yung manager ko. Sinabihan niya kami na huwag pupunta sa mataong lugar.

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap pa kami kasi nga ay nagmadali na akong umuwi. Si Eren naman ay gustong magpaiwan kaya lang ay hinila ko siya kaya sumama na lang siya sa akin.

"Camila! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magkakaroon ka ng collaboration with EVERLA5TING!" Tuwang-tuwa si Eren habang nagsasalita.

I know her point. EVERLA5TING is such an amazing and famous band. Not just in this country but in the whole world. Collaborating with them is such an honor and my biggest break.

I guess I need to be more professional.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ni Eren.

I look at her and smile.

"Masaya ako." Sabi ko.

"Ganyan ba kapag masaya? Matamlay?" Sabi niya.

"Kumain na tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Tumango naman siya.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon