11 I Love You

31 1 0
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa text nila.

SexyJil:

'Good morning Camila'

CutieYohan:

'Camila!'

HandsomeJae:

'Cams, good morning.'

Jinsootheleader:

'Cams, good morning. Balak daw ligawan ni Jae ang kaibigan mo'

Napahalakhak naman ako kasi nagtext agad si Jae after kong matanggap ang text ni Jinsoo.

HandsomeJae:

'Sinabi na ni Jinsoo? Ako dapat ang magsasabi sa'yo eh. Ano Cams, pwede ko ba siyang ligawan?'

Camila:

'Kung ako sa'yo, nagtanong na ako kay Eren. Ligawan mo na, wag kang torpe.'

Sabi ko.

HandsomeJae:

'Hindi naman ako torpe. Medyo lang😂. Sige, susubukan ko.'

Camila:

'Dapat nasa good mood siya ha.'

HandsomeJae:

'👍'

Bumangon na ako at nagpunta sa kusina. Nagtext pa ulit si Jil.

SexyJil:

'Camila! Anong oras kayo papasok?'

Camila:

'Kung anong oras kami ready'

Hindi na siya nagreply kaya itinabi ko muna ang phone ko at tinulungan si Eren na maghanada ng agahan.

"Camila, alam mo ba kung anong mayroon ngayon?" Tanong ni Eren sa akin.

"Bakit anong meron?" Tanong ko rin.

Ano bang meron ngayon bukod sa may pasok kami?

"Hindi mo alam!" Tanong niya. Medyo hysterical din siya.

"Malamang, nagtanong ako eh. Ano bang meron?" Tanong ko ulit.

"Birthday lang naman ng Brian mo!" Sabi niya.

"Birthday? Hindi ako nainform. At tsaka hindi ko siya pag-aari! Bakit mo sinasabing Brian ko?" Sabi ko.

Birthday niya? Hindi niya manlang sinabi sa akin? Eh ano naman ngayon kung di niya sinabi? Affected ka?

Nakakainis! Magkasama naman kami kahapon ah!

"Kaya ka nga pinapapunta sa bahay nila sa weekend kasi sa weekend pa yung party!" Sabi niya.

"Wala siyang binabanggit sa akin!" Sabi ko ulit.

"Ngayong alam mo na ay batiin mo na siya!" Sabi ni Eren.

Tinitigan ko muna siya bago kinuha yung phone ko at nagtype ng message.

Camila:

'Happy birthday Bri🎂'

A minute after I send it, nagreply siya.

Brian❤:

'Thank you Cams, sorry for not telling you. Ang kulit kasi ni Mom kahapon. Di ko nasabi na sa weekend yung party kaya ka niya pinapapunta. Even if you are not my real girlfriend, your presence will make me happy. Don't worry, I will tell them about our real relationship before weekend.'

Upon reading it, I feel sad. Hindi ko alam kung bakit. Parang ayaw kung sabihin niya na wala talagang kami. Pero ayaw ko namang paasahin ang sarili ko. I am in love with him, that's for sure but him? I don't know.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon