31 Talk

16 0 0
                                    

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa Jil's Resto. Nasa VIP area kami kaya walang makapapansin.

"Ahm....pwede ba na umorder muna tayo?" Tinanguan ko lang siya. Nandito kasi kami sa VIP. Yung kami lang talaga at may dinaanan din kami na kami lang ang makadadaan.

After umorder ay nagsimula na kaming kumain.

"S-so, ano na?" Tanong ko.

Napaangat naman siya ng tingin at napabuga ng hangin.

"C-Camila, I...I wanted to tell you something." Sabi niya.

"Ano ba yung gusto mong pag-usapan?" Tanong ko. Kanina pa kasi kami nandito at wala pa rin siyang nababanggit.

"Ahm....Hindi ko rin alam eh." Sabi niya.

"Bri..." Sabi ko. I am looking at him softly. Encouraging him to just speak.

"I miss you." Sabi niya. I was taken aback. He is straightforward.

"Alam ko na nagtatampo ka kasi iniwan kita." Sabi niya pa.

"Hindi." Sabi ko.

Now, it is him who is shock.

"You mean?"

"Hindi ako nagtatampo, ngayon. Noong una, oo. Pero napagtanto ko na ginawa mo yun para sa akin. Hindi ako nagtatampo na iniwan mo ako, hindi ka kasi nagparamdam Bri." Sabi ko.

" I was trying to fix everything that I forgot to check on you." Sabi niya.

"Nang malaman namin kung sino ang may pakana, hinanap kaagad namin. Kung mananatili ako sa tabi mo, mas mapapahamak ka. I'm sorry for not contacting you." Sabi niya.

"It's fine. Wala na yun eh." Sabi ko.

"What about us? Ano na tayo ngayon?" Sabi niya.

I shrugged.

"Hindi ko alam. You never broke up with me. So basically, tayo pa rin. Diba?" Sabi ko.

Napangisi naman siya.

"Akala ko talaga ay magagalit ka at itataboy mo ako." Sabi niya.

"Why would I do that? Hindi naman ako galit." Sabi ko.

"Mahal kita." Sabi niya.

I look at him.

"Talaga ba? Patunayan mo." Sabi ko. Natawa naman kaming dalawa.

Para tuloy kaming mga baliw na tumatawa lang.

"Girlfriend pa rin kita?" Tanong niya.

"Hindi, break na tayo. Kung mahal mo ako, manligaw ka." Sabi ko na ikinatawa niya.

"You wanna see that Bassist style again?" Tanong niya.

"Why not?" Sabi ko at tumawa na rin.

Ilang minuto pa kaming nag-usap bago umalis si Brian. Gusto niya pa nga akong ihatid kaya lang ay gusto ko munang manatili doon.

Maya-maya pa ay kaharap ko na si Jil. He is smiling at me. I smiled back.

"How are you?" Tanong niya.

"Fine, it's been a long time." Sabi ko.

"Yeah, medyo matagalna rin simula nang huli tayong nagkita. I kinda miss you and Eren. Nagtataka lang ako, what happened to Eren? Para kasing hindi niya kami kilala. Jae was so sad that time." Sabiniya.

"May amnesia siya. Nang magkita kami, hindi niya nga ako kilala eh. Hindi rin niya kilala ang sarili niya. Wala man siyang naaalala, masaya ako kasi ligtas siya." Sabi ko.

I saw sadness in his eyes. I know how painful it is for him. I am glad that he is still here.

"Camila, I will be very glad if your lovestory will have a second chance." Sabi niya.

"Let's see about that Jil." Sabi ko naman.

Natapos ang pag-uusap namin at umuwi na ako.

"Sino ba ang kinausap mo?" Tanong ni Eren habang nanonood kami ng palabas sa TV.

"Si Brian." Sabi ko.

"Humingi ng second chance? Bakit ba kayo naghiwalay? Hindi ko pa kasi talaga maalala eh." Sabi niya.

"Malalaman mo rin kapag nakaalala ka na." Sabi ko.

Katahimikan.

"Eren...tingin mo, okay lang na bigyan ko siya ng second chance?" Tanong ko.

"It's up to you Camila." Sabi niya.

Katahimikan ulit. Wala nang nagsalita sa amin.

Kinabukasan ay nandito na naman kami ni Eren. She is writing her new story while me, nakaupo lang. Nakatanaw sa mga nagtatayugang mga gusali sa labas.

Ang dami nga palang nagbago sa paligid.

"Camila, kailan dadalaw si ate sa atin?" Tanong ni Eren.

"Hindi ko rin alam eh. Masyado siyang abala sa trabaho niya." Sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya.

"Camila, nagtext sa akin si Jae." Sabi niya nagpalingon sa akin.

"Binigay mo ba ang number mo?" Tanong ko.

"Hindi. Nandoon yata sa ibinigay na contact number ng manager mo sa kanila." Sabi niya.

Kaya pala alam din ni Brian ang number ko.

"Anong sabi niya?" Tanong ko.

"Nangangamusta. Nagtanong pa nga siya kung bakit daw hindi ko siya kilala. Ang sabi ko, kilala ko sila. Kilala ko siya. May amnesia lang ako." Sabi niya.

"Sinabi mo bang nakaalala ka na?" Sabi ko.

"Oo, pero hindi lahat." Sabi niya.

"Hanggang doon lang ang usapan niyo?" Tanong ko.

"Hindi, madami pa kaming pinag-usapan. Niyaya niya nga akong lumabas eh. Kaya lang tumanggi ako. Baka kasi makita kami ng mga fans niya. Alam mo na." Sabi niya.

"Eren, hindi mo ba talaga naaalalang nanligaw siya sa'yo?" Tanong ko. Sakto namang umiinom siya ng tubig kaya nabilaukan siya.

"W-what?" Baling niya sa akin.

"Nanligaw siya sa'yo. Sinagot mo siya at naging kayo, hindi kayo nagbreak. Parang kami." Sabi ko.

Natahimik naman siya.

"Ang isang katulad niya, nagkagusto sa isang katulad ko? Nagpatatawa ka ba?" Sabi niya sa akin.

"Hindi." Seryoso kong sabi. Natahimik naman siya.

"Parang hindi naman totoo." Sabi niya.

"Ganyan din ang reaksiyon mo.noong umamin siya sa'yo." Sabi ko.

She look up at the ceiling. She's maybe trying to sink in all the information.

"Kaya pala. Umiiba ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. Hindi ako makahinga. Kaya pala may pakiramdam ako na parang namimiss ko siya ng sobra. Hindi ko pala siya crush. Mahal ko siya." Sabi niya habang may nangingilid na luha sa mga mata niya.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Bakit yun pa ang nakalimutan ko? Bakit yung tungkol pa sa amin?" Sabi niya.

We just stayed like that.


----------

💚🐥

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon