13 Beautiful

27 1 0
                                    

I was already lying in my bed but can't sleep.

Nagpagulong-gulong na ako pero wala pa rin. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Panay na lang ang litaw ng gwapong mukha ni Brian sa isip ko. Bakit ba kanina ko pa siya naiisip? Bakit ba palagi nalang siyang nasa isipan ko? Nasa puso ko na nga, nasa isip pa. O edi siya na!

"I can't sleep!" Sabi ko sabay bangon at higa ulit. Kailangan ko ng matulog. Baka magmukha akong zombie bukas.

It is almost morning when I drifted to sleep.

I woke up next morning feeling dizzy. I feel like the world is spinning. Pagewang-gewang akong naglalakad papunta sa kusina ng magulat ako sa sigaw ni Eren.

"Waaaaaaahhhhhhhh! Sino ka?" Sabi niya habang nakaambang ang hawak niyang kawali.

Ang natutulog kong diwa ay awtomatikong nagising.

"Ako to." Matamlay kong sabi. Saka kinuha ang kawali niyang hawak at nilapag yun sa mesa. Kumuha ako ng tubig at ininom iyon bago pumunta sa sala at  umupo sa sofa at binuksan ang tv.

"Anong nangyari sayo at mukha kang zombie?" Tanong ni Eren sa akin.

"Wala naman. Hindi lang ako nakatulog ng maayos." Matamlay ulit. Nagising na ako sa sigaw ni Eren pero ang tamlay ko pa rin. Inaantok pa talaga ako.

"Pwede ka namang umidlip muna. 9:00 pa magsisimula ang program. 6:30 palang naman." Sabi niya.

Umiling lang ako. Sasakit lang ang ulo ko kapag natulog ako.

"Huwag na. Sasakit lang ang ulo ko kapag natulog ako." Sabi ko.

"Bakit kasi hindi ka nakatulog ng maayos? Maaga ka namang pumasok sa kwarto mo. Sabi mo sa akin matutulog ka na." Sabi niya sa akin.

"Ewan ko ba at hindi agad ako nakatulog."

Napabuntong-hininga na lang siya. Buti naman at hindi na siya nagtanong pa. Hindi ko rin naman sasabihin sa kaniya na kaya di agad ako nakatulog ay dahil sa kakaisip ko kay Brian.

Ano bang ginawa mo sa akin? Ha Brian? Okay, nababaliw na yata ako.

"Mag-almusal na tayo. Magbihis ka na. 8:00 tayo aalis. Tutal wala ka namang balak matulog." Sabi niya sa akin.

Tumayo naman ako at nag-almusal na. After non, naligo na ako at nagbihis. Okay lang naman na hindi mag-uniform.

Nakaready na ako nang makita ko si Eren na nakaupo sa sofa. Nagtitpa sa phone niya habang nakangiti.

Hmmm? Ano kayang nagpapangiti sa kaniya?

Tumabi naman ako sa kaniya kaya nagulat siya.

"Oh? Anong nangyari sayo?" Sabi ko. Her expression was priceless.

"H-ha? W-wala!" Sabi niya at namumula na ang pisngi at tainga niya.

Seriously? Si Eren, nagblush. Woah, what a sight!

"Ano? Tara na? Punta na tayo sa school!" Sabi ko sa kaniya at hinila na siya patayo.

8:30 na kami nakarating sa school. Medyo madami nang tao kasi ilang minuto na lang ay magsisimula na ang program. Excited pa naman silang lahat. Syempre, excited din ako.

Hindi nga lang halata. Kukulitin ako ni Eren kaoag nagpahalata. Mukhang nasa mood pa naman siyang mang-asar.

"Wow! Alam mo bang ang fun day na ito ang pinakainaabangan ko every year?" Sabi niya.

"Talaga?"

"Yeah, kasi ito yung fun day na talagang fun." Sabi niya at hinila na ako papunta sa mga booth.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon