12 Bassist Style of Courtship

30 0 0
                                    

I'm in a good mood upon waking up the next morning. Smiling from ear to ear, I pick my phone and scan it for unread messages.

Mayroon nga akong natanggap na text sa kanila.

Jinsootheleader:

'Camila, nililigawan ka na pala ni Brian? Btw, good morning'

HandsomeJae:

'Good morning Cams! Anong nangyari at nagawa mong paaminin si Brian ng kaniyang pag-ibig sa'yo?'

CutieYohan:

'Cams, mukhang tanga si Brian ngayon. Nagtatanong sa amin kung paano daw manligaw. Istorbo nga sila sa tulog ko. Kaninang madaling araw pa sila nandito. Good morning.

Pahirapan mo si Brian. Wag mong sagutin agad.😏'

SexyJil:

'Good morning Camila😀. Buti naman at sa wakas ay nasabi na rin ni Brian ang kaniyang pag-ibig. Napakatorpe kasi eh.'

Imbes na magreply ay lumabas nalang ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina.

"Good morning Camila!" Bati sa akin ni Eren nang makita niya ako.

"Ang saya mo ah!" Puna ko sa kaniya. Nakangiti kasi talaga siya ng napakatamis.

"Bakit? Di ba pwedeng maging masaya?" Tanong niya.

Umiling lang ako.

"Nga pala, may ipinadala ang manliligaw mo. Kanina lang yan." Sabi niya sabay turo ng bouquet ng bulaklak na nakapatong sa mesa. May kasama pa itong isang box ng pizza.

Kinuha ko ang bulaklak at binasa ang letter.

'Good morning. Hindi ko alam kung anong favorite mong flower kay tulip na lang. Sabi ni Eren gusto mo rin daw yung pizza. Sana nagustuhan mo😘.

I love you❤'

Pagkabasa ko nun ay sinikap kong hindi ngumiti. Sigurado kasing hindi ako titigilan ni Eren kapag nagkataon eh.

"O! Anong sabi ng manliligaw mo?" Tanong niya at pilit kinukuha yung letter.

"Wala!" Sabi ko naman at tinago na yung sulat.

"Grabe naman to. Gusto ko lang namang mabasa eh!" Nakasimangot niyang sabi.

"Bahala ka diyan. Tara na, mag-almusal na tayo!" Pag-aaya ko sa kaniya.

"Ay, hindi mo manlang pinasilip sa akin. Pero in fairness ha? Ang sweet ng manliligaw mo. May pabulakalak sa umaga." Sabi niya.

"Huwag kang mag-alala. Ikaw rin. Nararamdaman ko, malapit na." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Huh?" Tanong niya. Halatang naguguluhan.

Umiling lang ako at nagsimula ng kumain.

After nun ay naghanda na kami para pumasok sa school.

Pagdating doon ay hindi na ako dumaan sa music room. Diretso agad sa classroom.

Pagdating sa classroom ay nakita kong mayroong rose na nakalagay sa arm chair ko.

May nakalagay pa na 'Have a good day❤'. Kinilig ako dun ng bongga pero kunwari hindi.

Naupo naman kami ni Eren. After a couple of minutes ay pumasok na si Maam. Wala pa yung lima. Nasaan kaya sila?

"Guys, aware ba kayo na may fun day tayo bukas?" Tanong niya.

Tumango yung iba at umiling naman ang iba. Kasama ako sa umiling at si Eren sa tumango.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon