3 In his red umbrella

45 1 0
                                    

Nang matapos ang programa ay agad naman kaming umuwi. Hindi na kami nasundo ni ate kasi overtime siya sa trabaho.

Pagkauwi ay nagpadeliver na kami agad ng dinner. Yes, deliver na naman. Tiis lang daw muna. Kumakain na kami ni Eren nang dumating si ate.

"Oh, kumain na pala kayo? Delivery again?" Sabi ni ate.

"Ate, pwede naman akong magluto eh. Kaya lang, wala tayong stock ng pagkain sa ref. Next week pa ako makakapag-grocery." Paliwanag ni Eren.

Tumango lang si ate. Natapos ang dinner ng maayos naman.

Medyo nakakamiss lang yung lutong-bahay.

Nakahiga na ako nang biglang magflashback yung nangyari kanina sa program. Nakakainis!

Sobrang nakakainis! Ano ka ba naman Camila? Bakit ba ganyan yang hypothalamus mo? Dapat yung utak mo ay nakafocus lang sa pag-aaral!

Ilang beses pa akong nagpagulong-gulong bago ako nakatulog.

Nagising ako ng maaga dahil sa sobrang lamig. Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita ko na umuulan pala. Tumingin ako sa orasan. 5:30 pa lang ng umaga.

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Bumaba naman ako at dumiretso ako sa kusina at naabutan ko si Eren na naghahanda ng agahan. Pandesal na nilagyan ng peanut butter at isang baso ng gatas. Yun lang ang almusal namin sa umagang ito.

"Oh, ang aga ng gising mo ah. Mabuti nga iyan at dapat masanay ka." Sabi nito sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Rens, may tanong ako." Sabi ko.

"Ano yun?" Tugon niya habang kumakain na ng pandesal.

"Tingin mo, sa atin kaya nakatingin yung si Jae kahapon?" Tanong ko.

Nagulat naman siya at bigla nalang siyang nabulunan. Nataranta naman ako kaya agad akong kumuha ng tubig at ibinigay sa kaniya.

Ininom niya naman iyon at tinitigan muna ako bago sumagot.

"Hindi ko alam. B-bakit mo natanong?" Sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Eh para kasing nakatingin siya sa gawi natin. Tapos namumula ka pa. Masyado bang mainit kahapon?" Inosente kong tanong.

Napatingin siya sa akin at napaiwas ulit. I am not densed. May hint ako pero hindi pa naman sigurado. Pinamumukha ko lang sa kanya na wala akong alam.

"Baka imagination mo lang. At bakit naman ako mamumula eh ang lamig nga sa loob kahapon? Baka dahil lang yun sa lights. Akala mo namumula ako." Paliwanag niya.

I want to tease her more kaya lang ay wag na lang muna.

Tumango-tango na lang ako na parang sang-ayon ako sa sinabi niya. Namumula na rin siya kaya tumigil na ako sa kakatanong sa kanya.

Naligo na lang muna ako at nagbihis bago ako kumain ng almusal. Matapos non ay agad na kaming umalis.

Pagdating sa eskwelahan ay 6:30 pa lang. Yes, sobrang aga pa at medyo malakas din ang ulan.

"Ang aga niyo naman yata?" Bungad sa amin ng guard.

"Maaga po kasi kami nagising." Sabi naman ni Eren.

Tumango lang sa amin ang guard. Agad naman kaming umalis.

Buti nalang talaga at mayroong payong na dala si Eren.

Pagdating namin sa classroom ay nandoon na ang iba naming classmate. Nag-uusap na sila. Pumasok naman kami at naupo na sa upuan namin.

Hindi muna kaming dalawa nag-imikan. We just sit there and let the cool breeze reign over us. Ilang minuto pa kaming naghintay bago dumating yung iba naming classmates.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon