5 Friends

52 1 7
                                    

Ilang linggo na ang lumipas matapos akong makapasok sa music club. Madalas rin akong nasa music club every break time. Minsan naman ay kapag wala ang teacher ay diretso kaming lahat sa mga clubs namin.

Naging masyadong busy yung music club kasi kahit binago yung time ng contest ay kailangan pa rin naming maghanda. Mga next month pa naman ang contest.

Madalas kong nakakausap sina Yohan at Jae. We became close eventually. Medyo ilag kasi si Jil. Palagi siyang nasa sulok. Ewan ko ba dun. Si Jinsoo naman ay medyo seryoso. Hindi ko masyadong malapitan. Lagi lang niyang hawak ang gitara at kumakanta minsan.

Nandito nga ako ngayon sa music room. Nagdesisyon daw kasi yung adviser ng music club na isali ako sa contest.

May tatlo kasing category yung contest sa singing. May solo, duo and band. Isa yung mananalo every category at magiging representative sa iba pang contest. Sinabi sa akin na ako ang napili para sa solo category. Yung sa duo naman ay sina Maris at Arjonn. Classmate rin namin. Yung band naman, syempre yung EVERLA5TING. Mayroon din itong category para sa dance at iba't iba pang talent.

Masaya na medyo nakakakaba. First time ko kasing sasali sa isang contest. Buti na lang at pinapagaan nina Eren, Jae at Yohan yung loob ko. Everytime kasi na pinanghihinaan ako ay nandiyan sila para sabihin sa akin na kaya ko.

Brian? Hindi man kami nag-uusap masyado, makita ko lang siya ay buo na ang araw ko.

I don't know if he is bothered by my presence cause he keeps on maintaining a good distance between us. Atleast 1 meter.

Medyo nalulungkot ako na hindi ko siya magawang lapitan pero okay lang. Atleast nakikita ko naman siya.

"Hindi ka pa kakain?" Nagulat naman ako nang tinabihan ako ni Jae.

"Mamaya na lang." Sabi ko.

"Pwede ka naman this weekend diba? Nagpapraktis ka na rin kasi. Sa afternoon subjects lang tayo nakakapasok. Hindi ka naman siguro pressured." Saad naman ni Yohan.

Kasama ko rin kasi sila every weekend. Dahil nga sa hindi kami pumapasok sa morning subjects namin ay kailangan naming magcope up.

"Pwede naman ako eh. Last weekend lang ako di pinayagan ni ate. Wala kasing susundo sa akin. Gabi na kasi natatapos yung weekend class natin eh." Sabi ko.

Tumango naman sila.

"Ahm...Cams...pwede ko bang mahingi yung number ni Eren?" Nahihiyang tanong ni Jae.

Agad naman siyang kinantyawan ni Yohan.

"Wag ka nga Yohan. Kapag ikaw nakita mo na yung katapat mo, ganito ka rin." Sabi naman ni Jae sabay akbay kay Yohan.

Tinawanan ko naman silang dalawa na sinuklian rin nila ng tawa.

"Pasensya ka na Jae. Kailangan ko muna kasing magpaalam kay Eren bago ko ibigay yung number niya sa iyo." Sabi ko naman sa kanya.

Tumango naman siya.

Nahagip naman ng mata ko si Brian. Nakatingin siya sa amin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay umiwas agad siya ng tingin. Kinausap niya na lang si Jil na katabi niya lang.

Ano kaya ang nasa isip ng lalaking ito? Ang hirap niya namang basahin.

"Camila? Camila?" Napatingin nalang ako kay Jae nang magsalita ito.

"Huh?" Nasabi ko na lang.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala. Hindi mo yata narinig ang sinabi ko." Sabi niya.

Napansin ko nga. Wala na si Yohan sa tabi namin. Di ko manlang napansin.

"Pasensya na. May iniisip lang. Ano ba ang sinabi mo?" Tanong ko sa kanya.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon