"So, Brian, ano naman ang nagustuhan mo sa kapatid ko at niligawan mo siya?" Tanong ni ate kay Brian ng makaupo na kami.
Naghanda muna siya ng miinom at makakain. Proceed pala sa questions. For sure madaming tanong to.
"Your sister is an amazing woman. She makes me smile with her smile. Her laugh brightens my day and she completes my day. Ilan lang po yan sa mga dahilan kaya ko siya nagustuhan. But now, it is more than just like, I love your sister so much." Sabi niya. Sincere.
"Hmm? Very well said. You know that I treasure my sister so much. Ayokong masaktan siya. So, kung sasagutin ka niya, please, don't hurt my sister." Sabi ni ate.
Woah! Seriously?
"Makakaasa po kayo." Sabi ni Brian na nakangiti.
"Ang gwapo mong bata! Crush ka nga nitong kapatid ko eh. Diba? Siya yun? Yung pinag-uusapan niyo ni Eren?" Nawindang naman ako sa tanong ni ate.
Mas lalo yatang sumakit yung ulo ko? Nawala kanina pero bumalik na naman at mas sumakit pa.
Si ate talaga!
"Ba't di ka sumasagot Camila? Naku, hatid ko na nalang siya sa kwarto niya ha. Diyan ka muna." Sabi ni ate at hinila na ako paakyat sa kwarto.
Nakaidlip naman ako.
Nagising lang ako nang makarinig ako ng ingay sa sala.
Ano kaya yun? Bumangon naman ako at inayos yung buhok ko. Lumabas ako at sinilip ko ang nag-iingay.
Napalaki naman yung mata ko ng makita ko silang anim sa sala.
As in yung buong EVERLA5TING kasama si Eren. Nagtatawanan sila habang nag-uusap.
Anong ginagawa ng mga to dito? Nasaan si ate?
Pinuntahan ko na lang sila para magtanong.
"Oh, okay ka na Cams?" Tanong ni Jae.
"Oo, teka, ba't kayo nandito? Tsaka nasaan si ate?" Tanong ko.
"Wala si ate. Umalis na. Pero wag kang mag-alala dahil alam niya na nandito sila." Sabi ni Eren.
Tumango naman ako at naupo sa tabi niya. Medyo nahihilo pa ako kaya nanatili oang ako doon at hindi na nagsalita.
"Bukas pa dapat namin kakausapin yung ate mo tungkol sa panliligaw ni Brian eh. Kaya lang, nandito na kami eh." Napamulat naman ako nang magsalita si Yohan.
"Hindi ko naman kasi alam na nandito si ate eh. Ang alam ko lang ay may work siya ngayon." Sabi ko.
"Kinabahan ka ba Bri?" Tanong ni Jil kay Brian.
"Oo eh. Nagulat kasi ako eh." Sabi ni Brian.
"May sinabi ba si ate?" Tanong ni Eren.
"Madami, may sinabi nga siyang di ko talaga maalis sa isip ko eh." Sabi niya.
Huh? Ano kaya yun?
"At ano naman yun?" Si Jae.
"Sinabi ba niyang gwapo ka?" Yohan.
"Oo. Pero di ko talaga makalimutan yung sinabi niyang crush daw ako ni Camila." Sabi niya.
"TALAGA! Sinabi ni ate yan?" Eren.
"Talaga Camila? Crush mo si Brian?" Jinsoo.
"Bukod sa gwapo daw siya ay ano pang nakita mo sa kaniya?" Jae.
Napanganga na lang ako sa reaksiyon nila.
"H-huh? Ah...eh..ano...p-
"Wag niyong asarin si Camila. Ako talaga ang nagsabi kay ate na crush ni Camila si Brian. Kasi, crush na crush niya talaga si Brian." Sabi ni Eren sabay tawa.
Dahil magkatabi kami ay kinurot ko siya sa tagiliran.
"Aray naman Camila! Sakit nun ah!" Reklamo niya.
Pinandilatan ko lang siya.
"Cams, di ka naman nagsasabi na may crush ka pala kay Brian." Pang-aasar ni Jil.
"Ang gwapo mo nga Bri, crush ka ng mahal mo." Jae.
"Yeah. Masaklap Bri. Crush ka lang daw ng mahal mo? Hindi masakit?" Jinsoo.
Napapikit na lang ako sa naririnig ko sa kanila. Mukhang wapang katapusang asaran to.
"Welo, okay lang yan Bri. May progress na ang panliligaw mo. Crush ka na niya. Magsikap ka pa!" Sabi ni Jil sabay tawa.
Pakiramdam ko talaga ay pulang-pula na ang pisngi ko.
Napailing naman si Brian.
"Kaya nga eh. Mahaba-habang panliligaw to eh. Pero worth it naman kung sa huli ay 'I love you too' mo ang maririnig ko diba?" Sabi niya.
"Wow! Bumabanat! Kinikilig ka na niyan Camila?" Sabi ni Jae.
Hindi naman ako nagsalita. Ngumiti nga lang siya ay kinikilig na ako, paano pa kaya kung ganun diba?
"Pero crush mo talaga si Brian?" Tanong ni Jinsoo.
Hindi. Hindi ko siya crush. Mahal ko kasi siya eh. Mahal na mahal. Sobra.
"Sa tingin niyo?" Sabi ko.
Syempre, di ko sasabihin sa kanila.
"Aba, ayaw sabihin ah. Gusto pa niyang hulaan natin. Pero alam mo Cams, hindi na kailangan pang hulaan. Isang tingin ko lang sa'yo ay alam ko na na crush mo nga si Brian." Yohan.
"O baka higit pa doon?" Jil. Nakasmirk pa siya.
"Pero kung ano man ang nararamdaman mo para kay Brian, tandaan niyo lang na nandito lang kami para sumuporta." Jinsoo. What do you expect from a very understanding leader of the group?
He is the best. Napangiti lang ako doon.
Hindi na ako nagsalita. Hindi naman sila nagtanong ulit eh. Mabuti na nga munang hindi niya alam.
We continue talking about a lot of things. Pero lagi namang bumabalik yung usapan sa 'crush' ko daw si Brian. Hanggang sa nagsiuwian na sila ay yun pa rin ang topic. I already told them to stop it already but knowing them, they didn't stop.
Kahit hanggang sa text. Nag-asaran pa sila sa group chat namin. Yeah, mayroon kaming group chat.
EVERLA5TING yung pangalan. Nagtanong pa nga si Eren kung bakit kami kasama eh hindi naman nila kami kabanda.
Ang sagot lang nila ay kagustuhan nila yun. Yun, napakasimple. So simple lang na sagot.
Nakahiga ako ngayon sa kama ni Eren at pinapanood siyang sumayaw. Kanina niya pa sinsayaw yung bagong kanta ng GOT7 eh.
In fairness ang ganda ng song. Sobra.
Naramdaman ko naman na nagvibrate yung phone ko.
Tinignan ko yun at nakita kong nagtext sa akin si Jae.
HandsomeJae:
'Camila, sa sunod na araw na yung party ni Brian. May panregalo ka na? Oh, okay lang naman kahit wala kang regalo. Presensiya mo lang ay masaya na yun😍'
Oo nga! Wala akong panregalo sa kaniya! Anong gagawin ko?
Hindi ko manlang alam ang mga hilig niya! Anong ireregalo ko?
Napansin siguro ni Eren ang pagiging balisa ko kaya nagtanong siya.
"Anong nangyari sa'yo at nakasimangot ka?" Tanong niya.
"Nakasimangot?" Tanong ko rin. Hindi kaya ako nakasimangot!
"Oo, ang haba nga ng nguso mo eh!" Sabi niya.
Hindi ko na lang iyon pinansin.
"Wala akong panregalo kay Brian!" Hysterical na ako niyan.
"Hmmm? Regalo ba? Halika, may pupuntahan tayo." With that,she drag me somewhere.
------------
Ayan na! Hope you like it.Thank you for the love and support!💚
BINABASA MO ANG
I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)
FanfictionA story of a simple girl named Camila Kim who fell in love with the famous Bassist named Brian Drew Kang. Cover by: Carlah Faith Sapico😍😍🐥💚 Date Finished: February 20, 2020