It's been an hour since their last performance ended. It was so beautiful. I can't moved on. When you see that everybody is already enjoying the fun day while you are just sitting there trying to calm your heart.
I am hyperventilating! Kanina pa ako nakaupo dito pero hindi pa rin ako kumakalma. Bakit?
This feeling never seem to leave me. Kung gaano kabilis yung tibok ng puso ko kanina habang kumakanta sila ay ganun pa rin hanggang ngayon.
So, ganun magmahal ang isang Brian? Ipagsisigawan ang nararamdaman? Naalala ko tuloy yung sabi ng isang fan.
The woman he loves is so lucky.
Yes, I am so lucky.
"Camila? Okay ka lang ba?" Tanong ni Judreey. After kasi ng performance nila ay bumalik ako sa booth ng section namin. Para sana kumalma. Kaya lang, ayaw kumalma ng puso ko.
"Ayos lang ako. Ang init kasi eh." Palusot ko pero totoo naman. Hindi yata nakakatulong ang init ng panahon sa pagkalma ko.
"Ganun ba? Sobrang init nga. Pwede bang dito ka muna? Tawagin ko lang yung iba nating classmates. Medyo humahaba na yung pila eh. Kailangan na natin ng katulong." Sabi niya.
"Oo naman, dito lang ako." Sabi ko.
Tumango naman siya at umalis na.
Talaga nga na madami na ang nakapila. Nagdesisyon akong harapin na lang yung mga nakapila at hingin yung mga orders nila.
"Ano po yung orders niyo? Pwede po bang isulat niyo na lang dito? Tapos balikan niyo na lang. Medyo mainit kasi eh. Sasakit ulo niyo kakapila." Sabi ko sabay abot ng papel.
Agad naman silang naglista doon. Pagkabalik ni Judreey ay nakita niyang walang nakapila.
"Nasaan na sila?" Tanong niya. Kasama niya yung lima sa mga classmate namin.
"Pinalista ko na lang yung orders nila. Don't worry, bayad na nila yan lahat kaya for sure na babalik sila." Sabi ko.
Tumango naman siya at sinimulan ng gawin yung mga nakalista.
Lumabas na muna ako at naupo sa bench na nasa field.
"Oy girl, siya si Camila Kim. Siya daw yung nililigawan ni Brian." Dinig kong sabi ng isang babae. Kunwari wala akong narinig.
"Sure ka? Di naman masyadong maganda." Bulong nang isa.
Aba't? Anong problema nila?
"Oo nga, di naman masyadong kagandahan. Ano bang nakita ni Brian diyan?" Sabi pa ng isa.
Aba at may umeepal pang isa!
Kumukulo yung dugo ko kasabay ng mas lalong pag-init ng panahon.
Tumingin naman ako sa direksiyon nila at napaiwas naman sila.
Makapagsalita naman tong mga to akala mo eh ang gaganda nila!
"Kalma lang bes." Nagulat naman ako ng magsalita si Eren.
Okay? Katabi ko na pala siya.
"Paano ako kakalma eh kung makabulong akala mo eh di ko maririnig. Di ba niya alam na naka-on yung microphone niya sa lalamunan?" Naiinis kung sabi.
"Bes, hayaan mo na. Basta ikaw, maganda ka sa paningin ni Brian. Yung tingin niya sa'yo yung mahalaga. Don't mind them. Puputi mata nila sa inggit." Sabi sabay irap.
Akala ko titigil na yung mga yun sa kakasalita pero babanat pa pala.
"Bestfriend pala yan ni Eren? Bakit kaya nakikipagkaibigan siya sa mga ganyan? Wala ba siyang standard sa pagpili ng kaibigan?" Sabi ng isang mukhang harina. Ang puti ng mukha. Nasobrahan sa foundation.

BINABASA MO ANG
I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)
Fiksi PenggemarA story of a simple girl named Camila Kim who fell in love with the famous Bassist named Brian Drew Kang. Cover by: Carlah Faith Sapico😍😍🐥💚 Date Finished: February 20, 2020