Nakauwi naman ako nang maayos after nang pag-uusap namin. Nag-offer pa nga si Brian na ihatid ako kaya lang ay tumanggi muna ako. Sabi ko ay may susundo sa akin.
Syempre pinauna ko muna siyang umalis bago ako pumunta sa sakayan at nagbantay ng taxi.
Ilang oras na akong naghihintay pero hindi pa rin umuuwi si Eren.
Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Nakapagluto na ako at lahat hindi pa rin siya dumarating.
Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya naman sinasagot.
Nakatulala lang ako nang biglang tumunog ang phone ko.
Nang tignan ko ito ay may natanggap akong text message galing sa isang unknown number.
Unknown:
'Hi, good eve. Hindi naman siguro ako nakakaistorbo sa'yo? Kinakamusta lang kita. Mukha kasing hindi dumating yung sundo mo kanina eh. Nakauwi ka ba ng maayos?
Kay Jae ko nga pala nakuha yung number mo.
-Brian❤'
Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti. Tumalon talon pa ako sa sobrang tuwa. Wait? Nakita niyang walang sumundo sa akin? Ibig sabihin, hindi siya agad umuwi? Hindi naman ako kinikilig ha... Medyo lang.
Agad ko namang sinave yung number niya.
Camila:
'Nakauwi naman ako ng maayos. Ikaw? Nakakain ka na ng dinner?'
Hindi ko inaasahan pero agad naman siyang nagreply.
Brian❤:
'Kanina pa. Busy ka ba?'
Camila:
'Hindi naman. Hinihintay ko lang si Eren.'
Brian❤:
'Si Eren? Nandito pa siya sa school. Kasama niya kanina si Jae eh.'
Camila:
'School? Nandyan ka rin?'
Brian❤:
'Oo, bumalik kasi ako. Kanina lang.'
Camila:
'Ganun ba? Sige, baka busy ka. Hihintayin ko lang si Eren tapos kakain na ako ng dinner☺'
Hindi na siya nakapagreply after nun.
Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang paghihintay.
Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses ni Eren.
"Naku Cams! Sorry talaga. Ang dami ko kasing ginawa. Di rin kita natext. Kumain ka na ba?" Tanong niya.
Umiling naman ako.
Napabuntong-hininga naman siya.
"Tara, kain na tayo." Sabi niya.
Sumunod naman ako sa kaniya. Agad akong naupo at sa upuan. Nagsimula na kaming kumain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang marinig kong tumunog yung phone ko.
Tinignan ko naman ito at nakita kong mayroon akong 5 unread messages galing kay Brian. Shocks! Nakatulog nga pala ako.
Brian❤:
'Hindi naman ako masyadong busy'
'Ba't di ka na nagreply?'
'Di pa yata makakauwi ng maaga si Eren.'
'Kumain ka na ba?'
'Camila?'
Nagreply naman ako agad matapos kong mabasa ang text niya.

BINABASA MO ANG
I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)
FanfictionA story of a simple girl named Camila Kim who fell in love with the famous Bassist named Brian Drew Kang. Cover by: Carlah Faith Sapico😍😍🐥💚 Date Finished: February 20, 2020