32 Visit

16 0 0
                                    

Naging madalas ang pagkikita namin ng lima. Mas naging madalas na rin ang paglabas ni Eren kasama si Jae. Syempre mayroon silang disguise. Pareho pa naman silang sikat at kilala dito.

Kami naman ni Brian ay madalas na din na magkasama. Well, kasama namin yung tatlo.

"Camila, pakiramdam ko ay bumalik ulit tayo sa dati. Noong high school tayo. Maliban lang sa wala talaga dito yung dalawa." Sabi ni Jinsoo.

"Oo nga eh. Ang tagal din nating hindi nagkita eh." Sabi ko.

Itinuloy talaga ni Brian ang panliligaw niya. Ang saya nga ni ate kasi magkakaroon daw kami ng second chance. Natawa na lang ako. Ilang beses na rin kaming nalink sa isa't isa pero syempre hindi iyon kumpirmado.

"Brian, gawin mo kaya yung ginawa mo dati. Kung paano mo napasagot si Camila." Sabi ni Yohan.

"Oo nga. Gusto talaga naming kayong dalawa ang magkatuluyan." Sabi naman ni Jil.

"I will be glad also." Sabi naman ni Jinsoo.

Nagkatinginan lang kami ni Brian. Hindi ko talaga alam kung paano kami napunta sa ligawan ulit.

"Magiging masaya din ako kapag nalaman kong may girlfriend ka na Jinsoo." Sabi ko.

Natawa naman si Yohan.

"Camila naman! Ayoko na muna. Masyadong masakit yung huli kong break up. Di ako makaget over." Sabi niya.

Tinawanan ulit siya ni Yohan.

"Ikaw din Yohan. Wala ka ring girlfriend." Sabi naman ni Jil.

"Hinahanap niya pa rin kasi si Alyssa." Sabi ni Brian. Napalingon naman ako sa kaniya at kay Yohan.

"Alyssa? As in yung Alyssa ng writers club?" Tanong ko.

Tumango naman sila sa akin.

"Are you in love with her?" Tanong ko kay Yohan.

"Love? Hindi rin. I like her, that's all." Sabi niya.

"Denial. Sige deny ka pa." Sabi naman ni Jinsoo.

Nagtawanan lang kami.

Days passed. Nakatambay lang kami ni Eren sa bahay. Bumalik na kami sa subdivision kung nasaan yung bahay namin dati. Mas komportable kasi kami dito eh.

"Walang magawa!" Reklamo ni Eren at humilata sa sahig. Tama ang nababasa niyo, nakahilata siya sa sahig.

"Eren, umayos ka nga!" Sabi ko sa kaniya.

"Ihhh, nakatatamad!" Sabi niya.

Tinignan ko lang siya at inirapan.

Maya-maya pa ay nagulat kami nang may kumatok sa pinto.

"May bisita ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya. Sino kaya ang kumakatok.

Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Nagulat naman ako nang makilala ang mga tao sa labas.

"H-Hi, Cams." Sabi ni Brian.

Kumaway naman si Yohan habang nakaakbay sa kaniya si Jae at nasa likod nila si Jil.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Binibisita kayo. Wag ka na kasing mag-aalala, walang nakakikilala sa amin. Tsaka palagi kaming pumupunta dito simula nang makauwi kami sa bansa." Sabi ni Jinsoo.

Tinanguan ko na lang sila at pinapasok.

Pagpasok nila ay hindi na namin nakita si Eren na nakahilata. Nandoon na siya sa kusina at naghahanda.

"Camila, sino yung kumatok?" Tanong niya sa akin mula sa kusina.

Nagkatinginan lang kaming anim at nagkibit-balikat bago tinulak si Jae papasok sa kusina.

Kami naman ay dumiretso lang sa may couch at hinanap ang chess board. Nagsisimula ng maglaro si Yohan at Jil nang lumabas sa kusina sina Eren.

"Ahm, naghanda nga pala ako ng makakain. Sana sinabi niyo na bibisita kayo para nakapaghanda." Sabi ni Eren.

"Eren, may tanong ako." Sabi ni Jinsoo nang makaupo na kaming lahat.

"Ano naman yun?" Sabi ni Eren.

"Hindi mo pa rin ba naaalala ang lahat?" Tanong niya.

"Sa totoo lang, ang naaalala ko lang ay yung nililigawan pa lang ni Brian si Camila." Sabi ni Eren.

Tinitigan ko namansi Jae at wala naman siyang reaksiyon.

"Eh yung sa inyo ni Jae?" Tanong ni Yohan na ikinabaling namin. Pati si Jae ay pinandidilatan na rin ito.

"Alam ko yun, sinabi ni Camila." Sabi ni Eren.

Tinitigan naman ni Jae si Eren at nagtinginan sila.

Maya-maya pa ay nagbukas na ng ibang usapan si Jinsoo.

"Sabi mo, di ka maka move on sa latest heartbreak mo. So, wala ka talagang balak mag girlfriend?" Sabi ko.

"Wag muna. I don't feel like going in a relationship is a good idea." Sabi naman niya.

Napatango lang kami. Nagpatuloy naman sila sa paglalaro jabang nag-uusap.

"Hindi ko talaga inaasahan na bibisita kayo." Sabi ko kay Brian.

"Pumupunta naman kasi kami dito sa lugara na to araw-araw. Nalaman namin na nandito na kayo ulit so, nagpasya kaming dumaan dito." Sabi niya.

"Kamusta ka na Bri?" Sabi ko.

"Masaya, masaya. Kasi nandito ako sa tabi mo." Sabi niya na narinig ni Yohan kaya nagreact na naman.

"Woah! Nilalanggam ako! Nakakikilig naman yun Bri. Tumaa s yung balahibo ko!" Sabi niya at nagtawanan naman ang iba.

"Baliw ka talaga Yohan!" Sabi ni Jil.

"Matagal na akong baliw, huli na naman kayo sa balita." Sabi niya.

Nagtawanan ulit kami. Oo nga naman. Matagal nang baliw si Yohan.

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa namalayan na lang namin na lunch time na. Nagpadeliver naman sila ng pagkain kasi tinatamad magluto si Eren.

After naming kumain ay nagvideoke naman kami.

"Ano ba yan! Ako lang yata yung sintunado dito!" Sabi ni Eren at naupo na sa couch.

"Eren naman! Tumayo ka diyan." Sabi Jil at hinila si Eren.

"Ano ba, ayoko nang kumanta! Kayo na lang!" Sabi niya.

Binitiwan naman siya ni Jil at kumanta na naman sila.

Naupo ako sa tabi ni Eren.

"Cams, mukhang naaalala ko na ang lahat." Sabi niya.

"Good for you." Sabi ko at nginitian siya.

Eren and I fought a ferocious battle but we survive. It is because we have a lot of people we can lean on. Whenever we need help, they will always be there to help.

I am so glad that they are a part of our lives. They thought us a lot of things that we need to know in life.

----------------------------

Thank for the support!😍

Few more chapters!

💚🐥

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon