33 Jealous

16 0 0
                                    

Simula nang bumisita sila sa bahay ay naging madalas na ito. Lalo pa at nagsisimula na kami sa paghahanda para sa gagawin naming collaboration.

"Nabasa ko yung isa sa mga stories mo, ang ganda!" Sabi ni Yohan kay Eren.

"Ang dami ko ngang collection eh!" Sabi naman ni Jil.

"So mga fan ko kayo?" Tanong niya.

"Syempre naman!" Sabi nila.

"Paano mo nagagawang makapagsulat ng story?" Tanong ni Jil.

"Hindi ko rin alam eh. May mga pagkakataong inspired ako o kapag may pumasok na ideya sa utak ko." Sabi ni Eren.

"Nakaaalala ka na ba?" Biglang tanong ni Jil. Siniko naman siya ni Yohan.

"Hmm? Naaalala ko na." Sagot ni Eren at napasinghap naman ang dalawa.

"Naalala ko na yung tungkol sa amin ni Jae." Dagdag niya pa.

"Alam ba ni Jae?" Tanong ni Jil. Wala kasi si Jae, Brian at Jinsoo. Lumabas, may bibilhin daw.

"Hindi ko pa sinasabi." Sagot ni Eren.

"Bakit naman hindi? Sabihin mo na!" Sabi Yohan kaya binatukan ito ni Jil.

"Shut up Yo! Hayaan mo si Eren. She knows when to tell." Sabi naman ni Jil.

Napangiti naman ako sa kanilang tatlo. I am glad na nandito sila.

Maya-maya pa ay napansin ko na tumahimik bigla si Jil habang nakatingin sa phone.

"Jil, anong mayroon?" Tanong ni Eren.

"A-ah, ano..." He is hesitating while looking at me.

"Ano ba yun?" Tanong ko sa kaniya.

Akmang magsasalita na siya nang dumating naman sina Jae at Jinsoo.

"Nasaan si Brian?" Naibulalas ni Jil.

"Wala pa siya? Nauna siyang bumalik eh." Sabi ni Jae at tumabi kay Eren.

"Baka may dinaanan lang. Ano nga ang sasabihin mo Jil?" Tanong ko.

Hindi muna siya nagsalita. Tinitigan niya muna ako bago huminga ng malalim at nagsimula nang magsalita.

"Sinabi ni Patricia sa isang interview na sila na ni Brian at may nakakita daw sa kanila sa isang restaurant malapit lang dito. Ngayon lang." Sabi ni Jil.

Napakunot-noo naman ako.

"Diba kasama niyo siya?" Tanong ko. In a serious tone. Very.

"Oo, kaya lang ay may pinuntahan siya." Sabi ni Jinsoo.

"Camila..."

"Magsasabi si Brian sa atin kung totoo yun." Sabi ni Yohan.

"Ano naman kung sila na? Hindi ko naman siya boyfriend." I said in a cold tone.

"You're jealous." Eren stated.

"I'm not! Why would I?" Tanong ko.

"Cause you love him!" Sabi ni Eren.

"Camila..."

"Shut up! All of you, stop bothering me!" Sabi ko at umakyat na.

Eren's POV

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Jinsoo.

"Jil, bakit mo sinabi?" Tanong ni Jae.

"Nagtanong siya, ayaw kong magsinungaling." Sabi ni Jil at naupo na.

"I need to talk to him." Sabi ko.

"Huh?" Si Yohan.

"Kailangan ko pa bang ulitin?" Nangigigil kong sabi.

"I will call him." Sabi ni Jae.

Naupo naman ako sa tabi ni Jil.

"Nagseselos si Camila." Sabi ni Jil.

"Obvious naman eh." Sabi ni Yohan.

"Hindi pa kailanman nagselos si Camila. Minsan lang din siyang magalit. Hindi ko alam kung paano ko siya kauusapin kapag ganun." Sabi ko.

"Nasaan na ba kasi si Brian?" Tanong ni Jinsoo.

Sakto namang pumasok si Jae at kasama niya na ang taong kanina pa namin hinahanap.

"Bri!" Sigaw ng tatlong kasama ko.

Bago pa man sila makalapit ay nauna na akong lumapit.

"Brian." Sabi ko habang seryosong nakatingin sa kaniya.

"E-Eren. I-"

"Sabihin mo!" Sigaw ko.

"Hindi ko girlfriend si Patricia. Alam niyo naman na mahal na mahal ko si Camila. Siya lang ang babaeng gusto kong maging girlfriend!" Sabi niya. I can see sincerity.

"Then talk to Camila. Alam ko naman yun Bri, hindi lang ako sure kung paano mo paaamuhin ang babaeng nagseselos." Sabi ko at nginitian siya.

Camila's POV

I was checking the internet at tinignan ang tungkol sa interview.

"Brian is my boyfriend." Sabi ni Patricia.

Hindi ko na binasa pa ang iba niyang sinabi. Desperada ba siya? Bakit niya sinabing boyfriendniya ang manliligaw ko?

Maya-maya ay may kumatok.

"Eren, kung kukulitin mo lang ako ay umalis ka na!" Sabi ko.

Oo na! Nagseselos talaga ako! Akin siya! Akin!

"Cams..." Sumikdo naman ang puso ko.

"I need to talk to you." Sabi niya.

"Bukas yan! Marunong ka namang magbukas ng pintuan diba?"

Narinig ko naman ang pagbukas at pagsarado ng pintuan pero hindi ko siya nilingon.

"Cams, about Patricia-

"What about her?" Sabi ko.

"She is not my girlfriend." Sabi niya.

"And she will never be." Seryosong sabi ko na ikinagulat niya.

"Hindi mo siya magiging girlfriend dahil ako ang mahal mo." Sabi ko.

He chuckled.

"Ikaw nga ang mahal ko. Iyong-iyo ako Camila." Sabi niya.

"Talagang akin ka!" Sabi ko.

"Girlfriend na ba kita ulit?" Tanong niya.

"Oo, at iyan ang sasabihin mo sa interview. Hindi Patricia ang pangalan ng girlfriend mo. Camila. Camila Kim ang pangalan ng babaeng mahal mo. Gets?" Sabi ko.

"Yes ma'am." Sabi niya at ngumiti lang.

Tingnan lang natin kung di ka mabaliw Patricia. Tanggapin mo na lang kasi na walang sa'yo.

Hindi dapat pinagseselos ang isang Camila Kim.

"Ganyan ka ba magselos?" Tanong ni Brian.

"Oo, alam mo na." Sabi ko.

"Girlfriend na talaga kita ulit." Sabi niya.

"Kanina mo pa sinasabi yan." Sabi ko.

"Ang selosa mo pala." Sabi niya.

"Hindi ako madaling magselos. Nagseselos lang ako kapag binigyan mo ako ng dahilan para makaramdam ng ganun." Sabi ko.

"Wala namang dahilan para magselos ka sa kaniya." Sabi niya.

"Alam ko. It's just that I hate her so much." Sabi ko.

"Wag ka nang mag-alala. I will tell the world how much I love you." Sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kaniya.

----------------
Sorry sa slow updates! Babawi po talaga ako kapag maluwag yung sched ko😍

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon