1 Love at first sight

102 2 0
                                    

"CAMILA! MY EVER BEAUTIFUL FRIEND CAMILA KIM! GISING NA!"

Naalimpungatan ako nung marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Eren Gale Choi.

"Ihhhh! Ang ingay! Sandali lang po!" Sagot ko sa kanya.

Agad naman akong bumangon. Napatingin ako sa orasan. 5:45 a.m. Okay, masyado pa yatang maaga.

8:00 magsisimula yung unang subject. Wala naman akong magagawa. Gising na ako eh.

Pagkababa ko mula sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa kusina. Nakita ko siya na naghahanda ng almusal.

"Rens, ang aga pa naman ah. Bakit mo ako ginising agad?" Naiirita kong tanong sa kanya.

"Cams, ang daming gagawin. Magluluto ng agahan, maglilinis ng kwarto, maliligo, magbibihis, kakain at madami pang iba. Mas mabuti na yung maaga pa lang gising ka na. Wag kang mag-alala, masasanay ka rin." Sabi niya.

Nginitian ko na lang siya.

3 months ago nang lumipat ako sa bahay na pagmamay-ari ni Ate, located sa isang exclusive subdivision. Malaki kasi ang sahod ni ate kaya mayroon kaming bahay dito. Dito niya rin pinatira si Eren. Malayo kasi ang bahay nila Eren sa school kaya dito siya tumira since junior high school. Medyo malayo pa rin nang kunti sa school namin pero carry naman daw. Ihahatid at susunduin naman daw kami ni Ate. Dito rin kasi tumira si Ate.

Sa probinsiya ako dati nag-aaral. Gusto sana nilang doon ko ipagpatuloy ang Senior High, kaya lang ay gusto ni Ate na dito na ako mag-aral sa siyudad. Siya na daw ang susuporta sa akin.

Tatlo kami ni Eren sa bahay na ito. Masaya naman dito. Siguro nga ay masasanay rin ako sa buhay dito. Maganda naman daw yung eskwelahan na papasukan namin ni Eren. Actually, doon naman talaga nag-aaral si Eren.

Eren and I were friends since 5 years old. Doon din siya sa probinsiya nag-aral nung elementary. Lumipat lang sila dito nung high school na kami. Hindi naman kami nawalan ng communications. Ang saya niya nga daw na magkasama na kami ngayong Senior High.

"Nasaan nga pala si Ate?" Tanong ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya.

"Umalis na kaninang 4:00. Alam mo namang maaga nag-uumpisa yung trabaho niya diba? Mamaya din yun uuwi ng 4:00 at susunduin niya tayo ng 5:00. Hindi niya pa tayo mahahatid ngayon dahil nagbago yung schedule ng trabaho niya. Siguro mga next month niya pa tayo mahahatid sa school pero masusundo niya naman tayo mamaya." Paliwanang niya.

Tumango na lang ako.

"Rens, maganda ba yung school na pupuntahan natin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman noh! Alam mo ba, merong band ang JYU. Ang gwapo nila dear. Crush ko nga yung drummer nila at si Jae." Sabi niya.

"Talaga?" Naeexcite kong tanong. I am fond of bands kasi. Gustong-gusto kong makakita ng bandang nagpeperform.

"Oo, balita ko nga ay magpeperform sila sa first day of school which is mamaya na. Mayroon kasing gaganaping orientation para sa mga Senior High School Students at mga transferees. Excited nga yung mga students eh. Nagpeperform sila kapag may mga events sa school. Minsan opening number. O di kaya ay sa kalagitnaan ng program o kaya ay huling part." Sabi niya.

Lalo tuloy akong naexcite.

Agad naman akong bumalik sa kwarto ko at naligo na. Pagkatapos ng lahat ng kailangan kong gawin ay bumaba na ako para mag-almusal.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Eren na naglalagay n a ng pinggan sa lamesa.

"Rens, ang sipag mo ngayon. Dati kasi ako pa nga yung unang nagigising sa ating dalawa eh." Tanong ko.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon