Lumipas ang ilang araw at walang nabanggit si Brian tungkol sa threats. Hindi na rin ako kinausap ni Yohan tungkol doon. Hindi na lang ako nagtanong kasi naghihintay ako na sila mismo ang magsabi.
"Wala ka bang napapansin na kakaiba sa ikinikilos ng lima?" Hindi na ako nagulat sa tanong ni Eren. She is a smart woman. Napakaobservant niya rin. Kapag may kakaibang nangyayari ay malalaman niya agad.
"This past few days, napapansin ko ang pagiging balisa nila." Sabi ko.
"Ano kaya ang nangyayari?" Tanong niya.
"Rens, may nasabi kasi sa akin si Yohan. Nakakatanggap daw sila ng threats." Sabi ko.
"What?" Gulat niyang tanong.
"Hindi manlang natin naisip na may ganitong pwedeng mangyari." Sabi ko.
"Nang mainlove ako kay Jae, hindi ko na inisip ang katayuan niya sa buhay. Alam kong mayaman sila pero wala sa isip ko ang ganito." Sabi niya.
"Bakit kaya hindi pa nila sabihin sa atin?" Tanong ko.
"Maybe they are trying to protect us." Sabi ni Eren.
"They can't protect us everytime Eren. Kailangan nating protektahan din ang sarili natin!" Sabi ko.
"Tama ka naman diyan. Tatawagan ko si Jae. Hindi niya na kailangan pa na ideny sa akin ito." Sabi niya at akmang tatayo na nang makarinig kami ng katok.
"Sino yan?" Tanong ni Eren pero walang sumagot.
Nagtaka naman kami. Gabi na kasi at kami lang dalawa ang nasa bahay. Hindi rin makakauwi si ate.
Binuksan naman ni Eren ang pinto. Nakasunod lang ako sa likod niya. Pagkabukas ay wala naman kaming nakita na tao sa labas.
"Sino yung kumatok? May nantitrip ba dito?" Tanong ni Eren.
"Halika na nga. Baka wala lang silang magawa sa buhay." Sabi ko at hinila na siya papasok. Sinarado niya naman ang pinto at umakyat na sa taas para tawagan si Jae. Bumalik naman ako sa sofa at nanood nalang ng tv.
Ilang saglit pa ay bumaba na si Eren. Hindi ko naman agad siya natanong kung anong pinag-usapan nilani Jae kasi dumiretso siya sa kusina.
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok na naman. Akmang tatayo na ako para buksan ang pinto nang marinig ko ang sigaw ni Eren sa may kusina. Dali-dali naman akong tumakbo at nakita ko siyang nakaupo sa sahig at nanginginig. Nakatingin lang ito sa bintana na nasa kusina.
"EREN! Anong nangyari?" Tanong ko at nilapitan siya.
"M-may tao sa b-bintana kanina. G-gusto yatang pumasok, k-kaya lang ay n-nakasigaw ako." Sabi niya habang nakayakap sa akin.
"Ano?" Naguguluhan kong tanong.
"N-nakaitim s-siya, C-camila. May t-tabon sa mukha." Sabi niya. Naghahyperventilate na siya kaya pinakalma ko muna siya.
I dial Brian's number and I told him to contact Jae.
Nakarating naman agad silang lima sa bahay. Nag-aalala nga si Jae. Hindi ngalang niya nakausap si Eren kasi nakatulog na ito.
"Anong nangyari?" Tanong ni Jae sa akin.
"H-hindi ko alam. Narinig ko lang siyang sumigaw samay kusina. Nang pinuntahan ko ay ang sabi niya, may nakita daw siyang taong gustong pumasok sa may bintana. Nakaitim daw. May tabon sa mukha. Mayroon kasing phobia si Eren sa mga taong nakasuot ng itim at may tabon sa mukha." Sabi ko.
"Bakit?" Tanong ni Jil.
"Kasi, muntik na kaming madukot dati. Akala yata ay anak mayaman kami. Nakaligtas naman kami kasi nga may tumulong sa amin. Hindi ko nakita yung mga nandukot kasi nahimatay ako. Si Eren lang ang nakakaalam ng buong nangyari. Hindi niya rin naikwento sa akin kasi nga hindi niya pa kaya." Sabi ko.
"Magigising din siya maya-maya. Pero wag natin siyang kausapin tungkol dun. Ako ang bahala dun, okay?" Sabi ko. They nodded in unison.
"May kumatok rin sa pinto pero wala namang tao nung binuksan namin." Sabi ko. I look at them then sighed.
"May gusto kayong sabihin? Sabihin niyo na. Makikinig ako." Sabi ko.
I heard Brian cleared his throat.
"Camila, nakakatanggap kasi kami ng mga threats. Pasensya na at hindi ko agad nasabi sa'yo. Ayaw kong mag-alala ka." Sabi ni Brian.
Nagsiyuko naman sila.
"Bri, dapat alam namin yun. Mas mag-aalala ako kung makikita ko kayong balisa at hindi ko alam kung bakit." Sabi ko.
"Camila, hindi kayo pwedeng madamay." Sabi ni Jae.
"Jae, simula nang pumasok kayo sa buhay namin ay parte na kayo nito. Ano man ang nangyayari ay damay kami. We need to know so that we can be ready for anything." Sabi ko.
"At wag na kayong nagtatago sa'min. We need to know." Sabi naman ni Eren na nagising na pala.
"Hindi ka natatakot? I am a little bit paranoid kasi. Baka matakot ka at lumayo ka sa akin." Sabi ni Jae kay Eren.
"Takot? Medyo, pero alam ko naman na nandiyan ka eh. Kayo. Lalayo? Masyado kitang mahal na hindi ko kayang iwan ka. " Sabi ni Eren habang nakangiti.
"Ang sweet! Sana all." Sabi ni Yohan.
Napahalakhak naman kami sa sinabi nito.
Hindi naman agad umuwi yung lima. Tumambay lang sila sa bahay ng kakilala nila na kalapit ng bahay namin. Babantayan daw nila kami. Hindi naman kami agad nakatulog kasi nga sa masyado naming iniisip yung nangyari. Doon na rin ako natulog sa kwarto ni Eren para may kasama siya.
Kinabukasan ay nakapasok naman kami ng maaga at mukhang okay na si Eren. Sabay naman kaming pumasok. Kasama namin yung lima. Naging instant bantay namin sila.
Natapos ang klase at lunch time na. Kasama din namin silang naglunch.
Uwian na at hindi agad nakasama ang lima kasi may ginawa sila kaya umuwi na lang kami ni Eren.
Sa bahay ay umakyat na si Eren sa kwarto. Ako naman ay pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Napatingin naman ako sa bintanang nakabukas. Bakit to nakabukas? Hindi ba sinarado ni Eren? Magtatanong na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang parisukat na kahon.
Tinitigan ko muna iyon bago tinawag si Eren.
"Ano kaya to?" Tanong ni Eren.
Hinawakan niya naman ito at unti-unting inangat ang takip.
Halos hindi na kami humihinga. Pagkabukas ay tumambad sa amin ang isang puti na papel.
We open it and found out that it is a letter. Halos manginig naman kami sa mga nakasulat.
'I will let you two live. Only if you will never show yourself to them. You know who are they. It seems that you girls were so important to them. Let's see what they will do if something happens to the two of you.'
-Loina
"Who is this person?" Tanong ni Eren.
"Is this some kind of a threat?" Sabi ko.
"Hindi ako lalayo sa kanila. Alam ko na yun din ang gagawin mo Camila." Sabi ni Eren.
Kinuha niya ang sulat at itinapon ito.
"Hindi ko kayang lumayo kay Brian, Ren." Sabi ko.
"At hindi ko rin kayang iwan si Jae." Sabi ni Eren.
"Ipaglalaban ko ang pagmamahal na ito Camila. Why would I listen to the person behind that letter? Camila, may nagsasabi sa akin na kailangan nating lumaban." Dagdag pa niya.
"Lalaban tayo." Sabi ko.
Kahit natatakot ay handa kaming lumaban.
----------
🐥💚
BINABASA MO ANG
I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)
أدب الهواةA story of a simple girl named Camila Kim who fell in love with the famous Bassist named Brian Drew Kang. Cover by: Carlah Faith Sapico😍😍🐥💚 Date Finished: February 20, 2020