21 Birthday Surprise

29 0 0
                                    

Gumaling naman si Eren pagkalipas ng ilang oras. Sinamahan pa kami ng lima hanggang sa dumating si ate kinagabihan.

"Ang sweet talaga niyang boyfriend mo. Gwapo na, sweet pa. Caring din. Ang swerte mo sister!" Sabi ni ate.

"At ang gwapo din ng manliligaw mo Ren, nalaman lang na may lagnat ka eh pumunta agad dito. Kailan mo sasagutin yun?" Sabi ni ate.

Nginitian lang kami ni Eren. Nagpatuloy lang siya.sa pagkain. Tinitigan naman ako ni ate. Nagtatanong kung ano daw ang nangyari kay Eren. Nagkibit-balikat lang ako.

Hindi pa kami nag-usap ni Eren ulit tungkol kay Jae. Basta ang alam ko ay malapit na.

Kumain na kami at natulog. Kinabukasan ay sinamahan kami ni ate na magsimba at nagshopping kami. Umuwi kami ni Eren at yun na. Wala ang lima ngayon kasi nasa ibang lugar sila. May gig daw sila. Gusto namin ni Eren na pumunta kaya lang ay may kailangan pa kaming gawin.

Tinawagan ko na lang si Brian at sinabi kong mag-ingat sila.

Kinabukasan ay mayroon kaming klase kaya napakabusy namin.

Nagbigay din ng project yung mga teachers kaya magiging busy na naman kami ni Eren. About sa trabaho namin? Every Tuesday and Thursday lang kami pumapasok. Nag-iiba kasi yung shift every month. Madami naman kasi silang empleyado kaya dalawang araw lang ang shift namin ni Eren.

Everything went smoothly that day and the day after that.

Nandito kami ngayon ni Eren sa bahay. Walang pasok ngayon dahil may importanteng lakad ang mga teachers. Kaming dalawa lang. May trabaho si ate eh. Yung lima naman ay may ginagawang project. Hindi pa kasi sila nagpapasa ng project. Buti nga at natapos namin ni Eren yung project namin kaya relax muna kami ngayon.

"Cams, kung sagutin ko na kaya si Jae?" Nagulat ako sa tanong ni Eren.

"Ano sa tingin mo? Why don't you give him a chance? Besides, mukhang seryoso siya sa'yo. I may not know him for a very long time, I know that he is sincere." Sabi ko.

"I know that." Sabi niya sa akin.

"So, alam mo na ang gagawin?" Tanong ko.

"Oo." Tipid niyang sagot.

Whatever her decision, I wilo support her.

Kinagabihan ay naisipan namin ni Eren na mamasyal. Well siya yung nagpapasama.

Pumunta lang naman kami sa mall. Kumain ng ice cream at nag-enjoy.

Maya-maya pa ay niyaya niya akong pumunta sa malapit na restaurant. Pagpasok pa lang namin ay napansin kong walang tao.

"Sure ka ba na bukas ang restaurant nato? Walang tao eh." Sabi ko kay Eren ngunit paglingon ko ay wala na siya sa tabi ko.

Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.

"Eren?" Tawag ko sa kaniya pero nagulat ako ng maging dim ang lights. Nakikita ko pa naman ang kabuuan ng lugar pero hindi ganun kaklaro.

"Eren?" Tawag ko ulit kay Eren. Medyo kinakabahan na kasi ako eh.

Napansin ko na lang na may umiilaw. Naglakad ako papunta doon at nakita ko ang isang mesa. Alam niyo yung parang sa mga romantic dates? Yung may candles and flowers.

Anong ginagawa ko dito? Bakit nawala si Eren? Saan siya nagpunta?

Lumiwanag ulit at nakita ko ang kabuuan ng lugar. Nakita ko rin silang lahat na nakatayo ng ilang metro sa akin at may hawak na banner. Yung lima, si Eren at si Ate. May hawak na cake si ate.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon