27 Love is worth Fighting

15 0 0
                                    

Ilang araw at hindi pa rin nababanggit ang tungkol sa sulat. Si Eren na ang nagtago nun. Itinapon niya pero sinabi ko na kailangan namin ang sulat na iyon.

Nababagabag na kami pero nanatiling tikom ang bibig namin.

Weekend kaya nasa bahay lang kami.

Hindi pa naman kami nagiging busy. Paunti-unti lang daw muna.

"Cams, sabihin na kaya natin sa kanila ang tungkol sa sulat?" Tanong ni Eren.

"Pwede naman. Baka makapunta daw sila dito eh." Dagdag pa niya.

"Hindi ko alam Eren. Pero tingin ko ay kailangan na nating sabihin." Sabi ko.

Agad namang tinawagan ni Eren si Jae at sinabing mayroon kaming daoat sabihin sa kanila.

Mabilis naman silang nakarating sa bahay. Agad naming sinabi ang tungkol sa sulat at nag-alala agad sila.

"They are starting to target the both of you. Alam na nila kung ano kayo para sa amin." Sabi ni Brian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na parang ayaw niyang bumitaw.

"Nasaan yung ate mo Camila?" Tanong ni Jinsoo.

"Wala si ate. Nasa business trip yung boss niya at kailangan niyang sumama." Sabi ko.

"Ilang araw siya doon?" Tanong nito ulit.

"Ilang buwan lang yata siya doon o baka mas matagalan pa kasi madami daw silang kailangang asikasuhin at baka doon siya madestino." Sabi ko.

"So, ibig sabihin ay kayo lang dalawa dito?" Tanong ni Jae.

"Oo eh." Sabi ko.

"Kailangan na siguro namin kayong pabantayan." Sabi ni Brian.

"Yun ay kung okay lang sa inyo." Sabi ni Jil.

"Okay lang sa amin. Yung hindi lang masyadong obvious." Sabi ni Eren na sinang-ayunan ko.

Lunes. Nasa school kami ni Eren. Tulad ng napakasunduan, may mga nagbabantay sa amin pero nasa paligid lang sila. Yung hindi obvious na binabantayan kami. Medyo awkward kasi.

"Natatakot ka ba Ren?" Tanong ko kay Eren. Nasa pinakalikod kami nakaupo. Hindi na namin katabi yung lima.

"Medyo lang naman. Kampante naman ako kasi nandiyan sila." Sabi niya.

"Wow, kampante. Sana all." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Hindi ako sobrang kampante. Yung sakto lang." Sabi niya.

Alam ko naman yun. Si Eren yung tipo nang tao na hangga't kaya niyang sarilinin ang problema ay hindi niya talaga sasabihin. Nasanay na siguro siya na sarili niya lang ang pwede niyang asahan. Nasanay siya na independent lang. Pero ngayong nandito ako ay gusto ko lang siyang maging open sa akin. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay kaya niya. Darating talaga ang panahon na hindi niya kakayanin ang mag-isa kaya nga as much as possible ay gusto kong alam niya na hindi siya nag-iisa. I want her to be aware that I am always be here for her.

Natapos ang klase at tumambay lang kami sa auditorium. Kami lang namang dalawa ang tao doon.

Ilang minuto din kaming nandoon ng may pumasok na grupo ng mga estudyante. Patungo sila sa direksyon namin.

Tumapat sila sa amin at nagsalita ang nasa harap which is parang leader ng group.

"Masaya naman kayo?" Bungad niya. Nakilala ko naman siya. Isa kasi siya sa mga sikat na estudyante dito. She is Eunice Ella.

"Masaya?" Tanong ni Eren. 'Cause we don't have the slightest ideas why they approach and talk to us.

"Ano ba ang mayroon sa inyo at nagkagusto sa inyo sina Jae at Brian? Eh walang-wala kayong panama pagdating sa ganda! Hindi rin kayo mayaman!" Sabi niya.

Bigla namang tumayo si Eren.

"Hindi naman kasi yan ang basehan para gustuhin mo ang isang tao. Wait, gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi ako gusto ni Jae. Mahal niya ako! Aanhin niyo naman ang kagandahang iyan kung puro naman kayo inggitera! Sa'yo na mismo nagmula, hindi kami maganda. Eh bakit halos umusok na ang ilong mo sa inggit?" Sabi niya. Nobody beats Eren's savageness.

"Bitch!" Sabi ni Eunice.

"Tinatawag mo ang sarili mo?" Pang-aasar ni Eren.

"Siguro nga tama si Patricia! You are gold diggers! You and your friend!" Sabi niya.

"So ayun. Alipores kayo ng babaeng iyon na nasobrahan sa foundation? Para sabihin ko sa'yo, hindi kami gold diggers okay? Hindi kami manggagamit! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Kasi alam ko kung ano ang tama!" Sabi ni Eren.

Taas noo pa yan.

"Mga wala kayong kwenta!" Sabi nito.

"Bakit hindi mo sabihin sa sarili mo yan?" Sabi ko.

"Sino ka ba ha?" Tanong nito habang nanlilisik ang mga mata.

"Siya si Camila. Ang babaeng mahal na mahal ko. May tanong ka pa?" Napalingon naman kami nang marinig namin ang boses na iyon.

Brian with a serious face. Kasama niya rin ang iba. Nakatingin sila sa gawi nina Eunice Ella.

"Bri....." I said.

Napatingin naman siya sa akin. His serious face softened upon seeing me.

"Okay lang kayo?" Tanong ni Jil. Tumango naman kami.

"Miss Bartolome, pwede ka nang umalis. Ayaw kong makita ulit yang mukha mo." Sabi ni Yohan. Palabiro lang tong si Yohan pero kapag nainis siya ay grabe din.

Nanlilisik ang mga mata ni Yohan at mukhang natakot naman sila kaya nagsitakbuhan paalis.

Nang makaalis na sila ay ngumiti na si Yohan sa amin.

"May ganun ka palang kapangyarihan Yohan?" Nang-aasar na sabi ni Jil.

Mukha namang hindi naasar di Yohan kasi mukhang proud pa ito sa sinabi ni Jil sa kaniya.

Nakangisi pa ito habang nakatingin sa amin. Natawa nalang kami. Bahagyang nakalimutan ang nangyari kanina lang.

"Ang tapang mo talaga Eren!" Sambit ni Jinsoo.

"Syempre naman! Hindi nila kami pwedeng apihin! Kailangan ipaglaban ang sarili kapag minamaliit ka!" Sabi ni Eren.

Napangiti naman ako. Eren is really amazing. Mukhang alam ko na kung bakit inlove na inlove si Jae sa kaniya. She might be savage, but she is amazing. She is an epitome of kindness in her own way. She is the kindest person on earth for me. I am so lucky that we are friends. I smiled while looking at them. They are all wonderfully awesome. At pinapahalagahan nila ako. I am proud of it.

"Okay ka lang Cams? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Brian. They became worried as well. Bakit kasi napakaemotional ko?

"Tears of joy to." Sabi ko.

"Camila naman! Napakaemotional mo naman! Pati tuloy ako ay naiiyak na!" Sabi ni Eren habang pinupunasan ang luhang tumakas mula sa mga mata.

"Pasensya na. Overwhelmed lang ako." Sabi ko.

"Thank you." Nagulat naman kami nang biglang nagsalita si Brian.

"Thank you saan?" Tanong ko.

"For staying. With me. With us. Alam ko na mahirap para sa inyo ang ganito. Alam ko rin na may takot kayong nararamdaman pero imbes na lumayo ay nanatili pa kayo." Sabi niya.

"Dahil importante kayong lahat sa amin. Mahal ko si Jae at mahal ka rin ni Camila. We will stay and fight for love, 'cause we know that it is worth it." Sabi ni Eren.

"Ano ba yan! Ang drama naman natin masyado!" Dagdag niya pa.

Tumawa naman kami.

Tama si Eren. We stay and fight for love, because it is worth it. They are worth it.

-------------------

Sana magustuhan niyo💚🐥
Matatagalan yata yung next chapter.

I'm In Love With the Bassist(EVERLA5TING SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon