Chapter 3: Morning commotion

11 3 0
                                    

Chapter 3

Time flies so fast nga naman talaga. I can't believe it. Today is my birthday and talagang masasabi kong matanda na ako. Huhuhu. 18, legal na ako. Pwede na akong mag wild at makulong di joke lang .

Kagigising ko lang ngayon and sobrang busy ng mga tao sa labas. Napatingin kasi ako sa bintana, dun sa garden gaganapin ang birthday party ko mamaya eh.

Promise ayoko ng ganito pero wala akong magawa kasi ito ang gusto ni mama at no choice ako.

"Lace, anak"
Pumasok si mama na may malaking ngiti sa labi. May dala syang isang maliit na box.

"Happy birthday anak. Sana naman magbago ka na. Matanda ka na pero ikaw parin ang baby ko ha"
Naiyak ako sa harap ni mama mas lalo na nung yakapin nya ako. Binuksan ko yung box and I was so amazed to see a watch. Hindi lang ito isang ordinaryong relo. A indeed!

"Thanks ma. Di mo naman kailangang gawin to eh."
Luha parin ako ng luha. I can't contain my happiness. Sobra sobra na to.

"Alam mo namang gagawin ko lahat para sa napakamahal kong anak eh"
I smiled at her. Swerte ko nalang at naging mama ko sya. Napaka loving ni mama at sobrang caring.

"Sige na mag ayos ka na dyan at bumaba ka na para mag almusal. May pasok ka pa"
Oo nga pala. Friday ngayon naks naman! Sana sa saturday nalang yung celebration ko.

Inayos ko muna ang sarili ko at pagbaba ko nakahanda na yung almusal sa mesa. Kanya kanyang bati yung mga katulong namin sa akin. Nakaka touch sila. Yung iba nga nag abala pa talaga silang bigyang ako ng regalo.

"Salamat po ate maraming salamat po talaga sa inyo"

"Walang anuman Lace ano ka ba. Saka kami nga dapat magpapasalamat sayo eh. Sa inyo ng pamilya mo"
Sabi nung pinakamatandang katulong namin sya yung parang leader leader ng lahat ng katulong namin.

"Kain ka lang ng kain ha. Pabusog ka anak"
Sabi ni Mama tinabihan nya ako sa hapag.

"Dulcinea Solace!! Happy birthday"
Lahat kami napatigil sa ginawa niya pagkarinig namin nung sigaw na yun pati si mama natawa sa ginawa ni Yen.

Nagabala pa talaga syang gumawa ng banner na may nakalagay na 'I'm sorry peace na tayo happy birthday lablab' ang sweet talaga nitong gagang to.

"Halika dito Yen sabayan mo na kami. Ang aga mo namang pumunta dito Yen"
Sabi ni Mama. Namula naman si Yen halatang nahihiya dahil sa ginawa nya. Di nya siguro ine expect na andito si mama.

"Nakakahiya man po pero kakain talaga ako tita gutom po ako hihi"
Tinago ni Yen ang banner sa likod nya. Tumayo naman ako para kunin yun at pinalagay ko sa kwarto ko.

"Ngayon ka pa ba mahihiya Yen? Saka palagi ka namang gutom pag pumupunta ka dito eh"
Tanong ni Mama sa kanya tumawa lang sya at naghain na sa plato nya.

"Thank you Yen. Nagabala ka pa alam kong nagawa mo lang yun out of guilty hahaha"
Maasar nga tong babaeng to haha. Hindi sya makatingin ng maayos sa akin sa plato lang sya nakatingin habang kumakain.

"Sorry kung yun lang ang kinaya ko. Alam ko namang in the first place di mo ma aappreciate ang ginawa ko pero sayang effort eh kaya kahit ayaw ko nilonok ko na pride ko para ibigay yan sa araw mo but guess what? It didn't made you happy. Anyways I have to go pupuntahan ko pa si Ari."
What the! Naging seryoso tuloy ang usapan namin imbes na dapat ay joke lang. Buti nalang at umalis saglit si mama di nya narinig ang mga pinagsasabi ni Yen. Halata nga talagang may dalaw to.

"Tita thanks sa foods. I have to go-"
I grab her arms. Nagulat si mama sa ginawa ko. Ako rin naman eh. Pero I won't let her leave without a hug. Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit na sa simpleng bagay na yun sobra akong napasaya ni Kayenne. My other half.

Never EnoughWhere stories live. Discover now