Chapter 13
"Anak kain ka lang ng marami ha. Aalis na si mama"
Nakakalungkot na naman ang umaga ko. Aalis na naman si mama. Hays."Sige na Lace bilisan mo dyan para di ka ma late"
Paalala ni Yaya sakin. Tumango naman ako saka nag tungo sa kwarto ko.Napaisip lang ako. Si Yen gusto nya na palaging wala ang parents nya samantalang ako nalulugkot pag wala sila pero opposite kami ni Yen eh. Kung sino pa yung gustong palaging wala ang parents nya yun pa yung palaging andun. Ako na gusto, palaging wala.
"Kuya pahatid nalang po ako. Wala akong ganang mag drive ngayon"
Sabi ko sa driver namin. Nakakatamad kasi eh.Tama nga ako dahil pag dating ko palang sa parking lot ang dami ng tao ang nag kukompolan at nakapila para magpa autograph kay Quin.
"Lace!"
Kumaway kaway si Quin sakin kaya pinuntahan ko sya."Ang aga mo namang nag fan sign Quin"
Biro ko sa kanya na tinawanan nya lang. Grabe. Mauubos nya ba lahat ng nakapila? I bet no. Ma le late na kami kung uubosin nya lahat. Sa dinami dami ba naman ng studyante dito hahaha."Kuya ang gwapo nyo po!"
Sabi ng isang student. Ngumiti si Quin at tinanggap yung papel nung bata. Letter ata. Parang artista tong mga kaibigan ko sa totoo lang."Ate Lace para sayo po"
Whoa! This is heart warming. Tinggap ko yun saka nagpasalamat.Nung malapit na talaga ang time nagpaalam na si Quin sa kanila para pumasok.
"DAEGAN QUINELLE! WELCOME BACK!!"
Sigaw ni Kiana. Sya yung long time crush ni Quin noon. Niyakap nya naman si Kiana."Ang gwapo mo talaga Quin!"
"Walang kupas!"
"Sobrang gwapo mo ngayon Quin!"
"Iloveyou Quin!!"
Natigil yung hiyawan nila nung pumasok na si Ms. Lou.
"Tae andito na naman yang nanay mo Lisa"
Reklamo ni Emma. Palagi kasing tinatawag si Lisa sa tuwing may oral recitation kami kaya naturingan naming nanay ni Lisa si Ms. Lou."Lace parang mas gusto ko pang mag fan sign sa labas kesa pumasok dito sa klase nya"
Bulong ni Quin sakin. Hinampas ko sya sa balikat. Shocks! Ang tigas na ng mga muscles nya ah. Parang kailan lang."Welcome back Jernan. You bring honor and glory to our beloved school"
Nakangiti ng malapad si Ms. Lou kay Quin. Ngumiti lang din si Quin bilang pag tugon."Ang creepy ni ma'am"
Bulong ni Ari saka sila nag apir ni Emma."Parang di na kayo nasanay ganyan naman sya palagi ah"
Sagot ko sa kanya. Umiling lang si Emma saka nag focus na sa pakikinig. Wait tae! Akala ko nakikinig nag me make up lang pala."Baka gusto mong paputiin ko yang mukha mo ng chalk Pelosi"
Natigil si Emma at napatingin kay Ma'am."Wag naman ma'am sayang beauty ko"
Biro nya pero inismiran lang sya ni ma'am. Grabe talaga ang attitude ng mga guro namin."Asan yung bruha kong kaibigan?"
Tanong ni Ari sa amin. Oo nga asan si Yen?"Baka ano late lang yun."
Sagot ko. Kinuha naman ni Bry yung phone nya sabay pakita sa amin nun. Iniba kasi yung sitting arrangement namin. Magkatabi na kami ng table ngayon."Ay kaya pala may date pala yung gaga"
Napairap sa kawalan si Ari. Nakalagay kasi sa fan page namin na spotted si Yen kasama si Danish. Oh no paano na si Lark nito. Malaking away to."She got herself into another trouble"
Bulong ko sa sarili ko."Alas pwede mo namang burahin yan diba? Gawin mo na ngayon please"
Pakiusap ni Quin kay Alas. Tumango lang si Alas. Pasalamat ka Yen!Nung break time namin nag watak watak kami. Yung boys ay papunta dun sa field para manuod ng football. Si Lisa andun na naman sa library kasama si Finch. For sure sobrang nag lulundag na sa saya ang puso ng lalaking yun. Si Emma nasa gym ata nanunuod ng volleyball. Si Ari naman kasama nya si Quin bumibili ng pagkain. Ako andito lang sa room namin. Nakakatamad ng lumabas eh.
"Lace! Sina Quin at Yen napa away dun sa may field"
Hinihingal na sabi ni Norman sa akin. What the hell? Ngayon na nga lang sumulpot ang Yen nakipag away pa. Aish!"Ha!? Sige salamat Norman"
Sabi ko at nagmadaling tumakbo papuntang field. Teka andun yung boys kaya di malabong di nila makita iyon. Sana lang at pinigilan na nila yung dalawa.Aish! Sakit sa ulo talaga yung mga yun. Pagdating ko sa field ang daming taong nag kukumpolan dun. Pinagtutulakan ko na nga yung iba dahil sa sobrang pagmamadali ko hanggang sa nakita ko si Quin na dugoan yung labi, si Oli na nakakwelyo pa dun sa lalaki, Si Bry na hawak hawak si Ari at si Alas na binuhat si Yen kasi nahimatay.
"What the hell is happening here!?"
Nag panic na ako sa nakita ko. Napatingin sila sakin. Nakita ko pang iniinda ni Ari at Quin yung sakit sa katawan nila."Anong nangyari dito!? Alas? Bry? Oli? Ano?"
Pasigaw kong tanong sa kanila."Anong kaguluhan ang nangyari dito?"
Biglang dumating yung principal namin kaya nagsialisan na yung mga studyanteng nakikiusyoso. Buti nga. Nilapitan ni Ms. Gomez sila."Dalhin nyo sa clinic yang si Avila and the rest go to my office now!"
At tumalikod na si Ms. Gomez. Agad ko naman silang nilapitan at tinanong."What the heck happened Ari? Bakit umabot sa ganito?"
Tanong ko kay Ari. Iniinda nya parin yung sakit."Eh kasi naman may baliw na babae kaninang sumugod kay Yen kasi daw mang aagaw raw sya dahil iniwan daw sya ni Androgen ng dahil kay Yen"
Baliw nga yung babaeng yun."We didn't though na ganon pala yun kalakas na babae sinakyan pa kasi ni Yen kaya ayun sobrang galit nung babae nag tawag pa ng dalawang baliw"
Sabay turo nya dun sa lalaking nasa likod yung isa ay yung kwenelyohan ni Oli."Sapol na sapol yung mukha ko. Taena! Sobrang sakit nun. Di namin namalayan na na untog pala yung ulo ni Yen dahil dun sa babae kaya ayun"
Pero ang pinagtataka ko asan yung babae?"She escaped pretty good"
Ani Alas habang buhat buhat parin ang walang malay na Yen."Should we tell Yen's parents?"
Tanong ni Quin. Of course! They have to know."Hala anong nangyari??"
Hingal na tanong ni Lisa kasama si Finch. Halatang nagmamadali silang mapuntahan kami. Kasunod nila ay si Emma kasama yung mga students nya."Sinong gumawa sa inyo nyan?"
Tanong ni Emma. Nasagot naman yung tanong nya nung makita nya sa likod yung mga salarin."Ikaw dapat nasa kalagayan ni Yen Emma. Pasalamatan mo talaga si Yen mamaya"
Biro ko kay Emma. Totoo naman kasi. Si Androgen ay jowa ni Emma hindi ni Yen. And talagang baliw yung babaeng yun kasi matagal na sila Emma at Andro."Magiging okay lang po ba si Yen?"
Nagaalalang tanong namin sa nurse. Tumango lang ang nurse saka sinabihan kaming umalis na raw."Isa lang ang pwedeng mag bantay kay Yen. The rest balik na kayo sa klase nyo"
Sabi nung nurse."Ako na yung magbabantay"
I volunteered myself."No. Ako na yung mag babantay kay Yen"
Angal ni Ari."Ako na Ari. Pinapatawag pa kayo ni Ms. Gomez kaya di ka pwede dito"
Paliwanag ko sa kanya. Buti naman at sumunod din sya. Nag pa alam sila sa amin. Silang dalawa ni Quin kasama sina Oli at yung iba pang nakakita sa nangyari."You don't have to do it Lace. Sige na ako na ang magbabantay kay Yen since it's my fault"
Ani Emma at hinawakan ako sa kamay."Tama si Emma Lace. Tara na't pumasok nalang tayo dun"
Sabi naman ni Finch at inalayan akong makatayo ng maayos. Okay fine. Tahimik lang kaming naglalakad na tatlo. Gusto kong asarin si Lisa at Finch kaso di ako mapanatag sa nangyari kay Yen eh.
YOU ARE READING
Never Enough
RandomI did everything for you to love me but I guess my efforts we're never enough. Sobrang tanga ko na nagpadala ako sa mga banat mong nagpahulog sakin ng lubos sayo. -Dulcinea Solace Quijano (On-going)