Chapter 18: Band rehearsal

4 3 0
                                    

Chapter 18

Laking pasasalamat ko na di kami naging awkward ni Finch dahil dun sa nangyari. Ewan ko ba parang wala lang sa kanya talaga. Baka ako lang yung naglagay ng malisya dun. It was an accident! Nothing more.

"Buddies pwede ba kayong tumugtog sa birthday party ko this wednesday?"
Napalingon ako sa narinig ko. Si Norman pala. Kausap nya sina Yen at Alas na busy sa kanilang video.

"Sure. Walang problema Norms"
Ani Yen na tinapik pa ang balikat ni Norman. Ngumiti naman sya kay Yen. Yung napaka sincere na ngiti ba. Parang may something sa mga ngiting nyang yun.

Kinareer na talaga nila ang pag babanda namin ano? Hays ayoko sanang tumugtog kasi nakakahiya. Si Norman ang may birthday at halos lahat ng nasa SHU ay invited.

"Okay na kayo ni Ari?"
Tanong ni Bry sakin. Tignan mo nga naman ito oh ang bilis talagang kumalat ng mga bagay bagay.

Nagkibit balikat nalang ako. Wala si Ari dito sa room namin ngayon. Andun namimiktima na naman ng kung sinong ma bully nya. Buti nga't di sumama si Yen at andito lang sya sa room tinutulogan si Alas sa project nila.

"Di ko alam kung ano talaga ang totoong nangyari sa inyo. Bakit ba talaga kayo di nagpapansinan?"
Nakakapagod yung paulit ulit kaya di ko nalang sinagot si Bry.

"Bry pwede ba wag na please. Pinapainit mo lang ulo ko. Malaki na yun. Alam nya na kung ano ang ginagawa nya"

"Buti dumating ka na"
Lahat kami napatingin sa may pinto dahil sa lakas ng boses ni Yen. Si Quin pala. Kakarating lang. Dumiretso sya sa upuan nya malapit sakin.

"I heard what happened Lace. Bakit pinapainit mo ulo ni Ari kahapon? HAHAHAHAHAHA naiwan ka tuloy"
Wow. Nagulat ako sa sinabi ni Quin. So ako pa talaga ang nagpapainit sa ulo nya? Wow! Just wow Ari!

"Tss"
Yun lang yung tanging sagot na naibigay ko pagkatapos nun ay dumating na si Ms. Charis. Putangina! Math na naman! Kainis.

Discuss lang ng discuss si ma'am. Di ba sya nagsasawa kakaturo ng tanginang subject na yan? Bwesit! Wa na nga ako sa mood mas nababadtrip pako dahil dyan. Makaalis nga!

Dahan dahan kung tinungo ang likod na parte ng aming room para makalabas ako. Ayokong pumasok dito. Nakakainis ang mga tao ewan ko kung bakit basta ayoko lang makisalamunga ni isa sa kanila. Bwesit na Ari!

Andito ako ngayon sa may field nanunuod ng practice ng soccer team namin. Sa di kalayuan natatanaw ko si Ari na may kasamang bata. Di maganda ang pakiramdam ko dito. I immediately rush towards them.

"Rarity! What the fuck!?"
Umiiyak na yung bata. Di ko alam anong ginawa ni Ari basta takot na takot yung bata sa kanya.

"Leave me alone Lace!"
Sigaw ni Ari sakin.

"Ano bang nangyari sayo Ari? Di ka naman ganito diba? Bakit!?"
Pilit kong pinipigilan ang sarili ko.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. I just wanna borrow her fucking ball pero ayaw nya kaya dinala ko sya dito para pagsabihan. I didn't know she'll cry this fucking hard!"

"What the fuck is wrong with you? Kahapon mo pa ako ginaganito? Anong ginawa ko sayo para umasta ka ng ganito?"
Napasinghal na rin ako dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Umapaw na talaga ang dugo ko.

"Don't let me reach my limits Lace. I tell you just fucking don't!"
And then she left. Yun na yun? Ano bang ginawa ko para maging ganito sya? Bakit sa akin lang sya ganon?

I was about to run so fast but paglingon ko my nabangga ako and it was Talia. Ngumiti sya sakin yung awkward na ngiti ba. Dali daling nag iba yung mukha ko from angry to calm na.

"I heard everything. Grabe no di parin talaga sya nagbago. The same Rarity I knew. Walang pinagbago ni konti"
Whoa! Is this really happening? Si Talia nakipagusap sakin?

Umupo muna kami sa mga bleachers. Sya yung nag insist eh kasi ayaw nyang nakatayo kami dahil may sasabihin raw sya sakin.

"It's not time yet Lace but can you send my regards to everyone? Especially to Yen"
Hindi ko naintindihan yung sinabi nya anong it's not time yet? Sa ano?

"Sorry rin sa nagawa ko Lace."
And then she left. Puta! Bakit ba palagi nalang akong naiiwan? Bwesit naman oh.

Gusto ko pa sanang habulin si Talia pero wala akong lakas ng loob at isa pa nahihiya ako sa kanya. I know I did something wrong in the past kaya nga naging ganito kami.

Pabalik na sana ako ng room nung tinawag ako ni Alas kaya napahinto ako sa paglalakad.

"San punta mo Lace? Dun na daw sa safe room practice para sa birthday ni Norman. Woooo another kain na naman hahaha"
Inirapan ko nalang si Alas saka sumunod sa kanya. Pagdating namin dun naka set na lahat. Oli on his drumset, Quin and Finch with the guitar, umupo nalang din ako sa piano ko.

"We only have 2 days to practice kaya pagbutihin na natin to. Malay mo maging international band tayo"
Ani Oli na hinampas hampas yung drum nya.

Maroon 5 yung kantang napili namin yung Memories. Ang ganda pakingan nilang kumanta sobra. Nakaka relax ng soul sobra lalo na yung harmony na namumuo sa pagkanta nila at  sa pag play namin ng instruments. 

"Timeout na muna guys pinapatawag ako ni ma'am Marine, kung di lang talaga sya maganda ay naku di ko sya sisiputin no alam ko naman na uutosan lang ako nun"
Sabi ni Oli samin habang tinitignan ag phone nya. kanya kanya kaming lakad paalis. Si Yen at Lisa ay pumasok sa kwarto. Si Finch naman at Bry ay naglaro ng video games. Si Alas dun sa kusina agad dumiretso. Ako naman umupo lang sa minni bar kasama si Emma na umiinom ng root beer.

"Wanna drink?"
Umiling lang ako sa alok ni Emma I'm not in the mood to drin rin kasi. May klase pa kami mamaya ayokong antukin mamaya baka malagot na naman ako nito. Once is enough kasi para sakin mga bebs.

"Tara na guys pasok na tayo. Di ako pwedeng wala sa sa 3rd period please lang"
Halos magmakaawa na si Lisa sa amin. Kung ako lang din kasi ang tatanongin ayoko na ring pumasok. Nakaka stress kasi ang klase ni Mrs. Jani.

Wala kaming choice kundi pumasok nalang din para sa kaibigan namin. Pagdating namin halos kasabay lang naming dumating ang hingal na hingal na si Ms. Jani. How sad naman HAHAHAHA joke lang.

Pinakuha nya agad kami ng papel saka pinasulat ng what makes you happy. Nung una why do people fall in love ngayon naman tungkol happiness? Ewan ko ba.

Para sakin ano nga ba yung happiness? And what makes me happy?

I listed three things on my paper.
• Family
• Friends
• Foods

Those things really makes me happy and made my mood kaya yan lang yung sinulat ko. Di ko na inexplain baka share to the class na naman yan sayang yung ink ng ballpen ko kakasulat no.

After a minute a pinasa na namin lahat ng mga papel namin at nagpaalam na syang umalis. Buti naman. Sumunod na nagpaalam si Emma at Lisa kasi practice na naman sila sa cheerleading at sa dance troupe. Iba talaga pag talented and popular.


"Ari okay na kayo?"
I heard Yen asking Ari.  Di ko sila nilingon. I'm waiting for Ari's answer eh.

"I don't know. Alam mo Yen I'm tired of all this bullshit."
Wow ha! Putangina mo Ari.

"Chill palamig na muna tayo tara gusto kong uminom ng hot chocolate sayo ay cold para lumamig ulo mo"
Sabay tayo nilang dalawa at iniwan kami ni Quin na natutulog. Ggggrrrr kainis!

Wala akong nagawa kundi ang mag celpon nalang. Na bobored ako sa klase na to! Kanya kanyang ginagawa ang mga kaklase ko. Bakit ba tulog mantika tong si Quin. Wala tuloy akong kausap ngayon. Ang layo rin kasi ni Bry.


Sa isang sulok napatingin ako kay Finch na seryosong nakatingin sakin. Bigla akong nailang tuloy. Ahhh ano ba yun?

Naalala ko na naman yung first kiss na nangyari nung isang araw bwesit!

Never EnoughWhere stories live. Discover now