Chapter 4
Pauwi na ako ngayon and no choice ako kundi ay mag taxi pauwi. Wala akong kasabay eh. Lunch time pa namin ngayon and wala parin sila. I tried to call Lisa pero di sinagot si Ari naman naka off ang phone ewan ko nalang kung anong nangyari sa kanila. I'm worried.
Pagdating ko sa bahay sobrang busy ng lahat. Di ko nga nakita si Mama eh baka andun yun sa garden o umalis para sa ibang aasikasuhin.
"Ay andito ka na pala Lace kumain ka muna"
Pinaupo ako ni yaya saka hinandaan ng pagkain.Sobrang laki ng magiging celebration ko. Ang dami kasing taong nag aayos. Pero kahit ganon ewan ko lang kung bakit ako malungkot. Siguro dahil to sa nangyari kanina.
"Lace wag ka nalang munang pumasok ngayon ha. Magpa hinga ka nalang para sa party mo mamaya"
Biglang dumating si mama sa harap ko. Tumango lang din ako. Gusto ko man, nakakalungkot rin naman dun kasi wala akong mga kaibigan."Mag isa ka lang ata ah? Asan na yung mga kaibigan mo?"
Nagtatakang tinignan ko si mama. Ba't nya hinahanap sila Yen?"Ah andun pa po. Ako lang isa ang umuwi dahil gusto ko pong magpahinga"
Pagsisisnungaling ko. Nagtaka si mama. Alam nya kasing di ao umuuwi ng bahay magisa lalo na kung lunch break. Kadalasan kasi ay kasama ko sila or isa sa kanila basta di ako umuuwicng walang kasama."May nangyari ba Lace?"
Ganon ba talaga ka halata?"Wa-"
"Ma'am dumating na po yung mga flowers"
Tumayo si mama at naglakad palayo. Hay salamat.Di ko talaga feel ang birthday ko ngayon.
Umakyat rin ako sa kwarto ko para magpahinga na. Masyadong magulo ang utak ko ngayon.
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko sa loob. As fas as I remembered mag isa lang ako dito sa kwarto ko kaya bakit may nag iingay dito?
Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko and I saw balloons? Teka, ba't ang daming balloons and petals? What the heck is happening here?
"Happy 18th birthday Dulcenia Solace. Sorry if di na kami pumasok kanina ha we wanted to surprised you. I hope na kahit sa ganito ka liit na effort namin ay mapasaya ka namin sa araw mo"
May biglang nag play na recording sa kwarto ko. Pilit ko namang hinahanap kung naasaan iyon. I know this voice si Lisa to."Hey there Laceyy! Happiest 18th birthday to you sissy kahit na di tayo ganon ka open sa isat isa I want you to know na andito lang ako palagi kahit na minsan ay di tayo nag kakaintindihan pero inintindi mo parin ako. Lovelots."
I know this is Emma. Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang. Napa upo nalang ako sa sofa habang pinagmamasdan ang nakakalat na ballons na may picture ko pala saka yung mga petals ng roses na nakakalat rin sa buong kwarto."Momshie Lace sorry for everything I know we've been so hard on you lately if ever you thought we're mad at you sa nangyari kanina please don't. Naiintindihan naman kasi namin yun kung ba't mo nagawa at nasabi ang mga yun kaya enjoy your day. Kala mo nakalimutan namin ah syempre hindi no kaya nga kami di pumasok kanina para i prepare to and yeah kasabwat namin si tita"
Ari. Napangiti nalang ako sa sinabi nya."First things first sorry sa mga kagaguhan ko. I know I'm not a good friend pero thanks for sticking through thick and thin, in times of my ka abnormalan you're still there kahit na minsan eh palagi ka nalang nag aadjust thank you. Stay who you are Lace and don't forget me yun lang I hope happy ka sa ginawa namin nag pa tulong pa talaga kami sa boys nyan ha"
Boys? As if on cue biglang lumabas sina Ari, Emma, Lisa, Yen, Finch? Bry? Alas? Oli? May dala daa pa silang video cam. Whoa! This is really a surprise. Napasigaw nalang ako dahil sa gulat."Sshhhh! Ano ka ba Lace wag ka ngang sumigaw dyan baka akalain nilang may ginawa kami sa iyo no"
Sabi ni Bry na nakapalumbaba."HAHAHAHAHAHA KITA NYO YUNG REACTION NYA? THAT WAS PRICELESS!"
Tawa ng tawa si Yen kaya binato ko ng teddy bear. Bwesit kainis ka!"You should be happy Lace pinaghandaan talaga to ng mga kaibigan mo"
Sabi ni Alas at may nilabas na cake. So sweet naman ng mga kaibigan ko."Now blow it ako ang nagpili ng cake mo"
Sabi ni Yen. Coffee ang flavor na pinili nya since I like coffee very much."Parang ayoko na tuloy mag paparty mamaya. Mas gusto ko pa yung ganito. Contento na ako"
Sabi ko bago hinipan yung kandila. I can't help but to cry. Tears of joy. Niyakap ako ni Lisa kaya mas lalo akong naiyak."Sorry sa mga pinagsasabi ko kanina ah. Di ko talaga napigilan sarili ko. Ayoko lang naman kasing madamay kayo ng dahil sakin"
Iyak parin ako ng iyak pero nakakapagsalita naman ako ng matuwid."Wag ka ng umiyak oy baka kung anong isipin nila"
Ani Yen na umirap. Hay nakong gaga ka. Nginitian ko lang sila at nagpasalamat."We're not yet done Lace. Music maestro!"
Pumalakpak si Lisa at may music na nag play. Isa isang nagpilahan ang mga lalaki at isinayaw ako. Unang kumuha ng kamay ko si Alas. Nakakahiya sobra."Alam kong di tayo ganon ka close pero dahil birthday mo ngayon you got me. Anything gagawin ko para sayo and to formally start it let's be friend Lace"
Tumango lang ako sa sinabi ni Alas. I didn't thought na aabot kami sa point na ito. Wala naman kasi kaming pake sa isa't isa dun sa room eh kasi nga parang may kanya kanyang sariling mundo kami dun. Sunod na kinuha ni Bry ang kamay ko."Hi Lace. Dati na tayong magkaklase pa but we didn't talk to each other before siguro this school year lang tayo nakakapagusap ng konti anyways happy 18th birthday sana mag enjoy ka sa araw mo and let's be friend na rin para di na akward"
Natawa nalang ako sa sinabi ni Bry. Matagal na kaming magkaklase ni Bry pero di lang talaga kami nagpapansinan."Hey there sweetheart! Happy 18th birthday sayo Lace narinig ko lahat ng sinasabi nila haha pero since new student lang naman ako dito di ko pa masyadong alam ang sistema ng paaralan but would you mind to be my friend? Di naman pwedeng maiwan ako no lahat kaibigan mo na sila ako nalang hindi ganon?"
Hinampas ko sa braso si Oli. Joker ka ha. Di ko alam na may ganitong side pala sya. I saw him as ano kasi as mayabang, playboy, mahilig mag bulakbol ganon pero di ko ine expect na may side syang ganito."Last dance. Apat lang muna kami ngayon wala mamaya pa naman yung totoo mong debut eh hahaha happy birthday Lace wala akong masabi"
Yun lang ang sabi ni Finch bago natapos ang sayaw namin. I thank them especially girls na nakaisip ng ganito. Never thought na dadating sa point na makikipag collab kami sa boys. Sikat din kasi sila sa campus eh."Look, ang sweet ni Yen oh"
Parang puputok na si Yen sa sobrang pula ng mukha nya nung kinuha ni Emma yung banner na ginawa nya kanina."Wow naman napaka effort"
Commento ni Bry na mas lalong nagpa pula ng mukha nya."Drop it off"
Mahinang sambit ni Yen na di nakatingin sa amin. Sobrang nahiya talaga siguro sya ahahaha. Di nagtagal ay sinimulan syang videohan ni Alas."So guys eto pala si Yen kung nahihiya sobrang pula nya na guys"
Member kasi ng news affair namin si Alas. Lahat ng mga nangyayari sa campus at sa mga star students ay nasusulat dun sa article may online page din dun ang mga videos ng mga sikat na studyante isa na kami dun pero di ako totally sikat kagaya nila."Shut it Alas! Nakakainis ka"
Sabi ni Yen ng nakayuko parin hanggang ngayon."Sorry to interrupt whatever this is pero kailangan nyo ng mag ayos kasi malapit ng mag start ang party"
Biglang pumasok si mama sa kwarto ko kaya natigil ang pang aasar nila kay Yen. Napatingin rin ako sa wall clock alas kwatro na pala.
YOU ARE READING
Never Enough
RandomI did everything for you to love me but I guess my efforts we're never enough. Sobrang tanga ko na nagpadala ako sa mga banat mong nagpahulog sakin ng lubos sayo. -Dulcinea Solace Quijano (On-going)