Chapter 24: Fare well

2 2 0
                                    

Chapter 24

"Malapit na december what's your plan?"
Tanong ko sa karamihan. Pansamantalang andito kami sa cafeteria ngayon.

"Uhm, guys may sasabihin ako sa inyo"
Lahat kami napatingin kay Oli. Sobrang seryoso nya ngayon. This is unusual.

"Actually, aalis na ako patungong states mamaya. Dun ko na rin ipagpapatuloy ang pag aaral ko. I'm thankful you guys are part of my life"
Isa isa kaming nginitian ni Oli.

"Matagal ko na talaga dapat sabihin sa inyo to. Noong August pa pero naaliw ako ng sobra na ayaw ko ng umalis pero kailangan talaga eh. Kaya pasensya na kayo kung ngayon ko lang nasabi to"
This is heartbreaking. Hindi ganito magsalita si Oli. Nakakapanibago.

"And I promise na I will never forget you guys. Sana ako rin di nyo kalimotan at sa susunod na pagkikita natin welcome parin ako"
Niyakap na namin si Oli. Mamimis kita Oli.

"Ma mi miss namin yung pagka hambog mo Oli"
Sabi ni Ari.

"Par akala ko walang iwanan, walang limotan ah!"
Nag handshake sina Finch at Oli.

"Ingat bro"
Tipid na sabi ni Alas.

"Mamiss ka namin. Sa susunod na pagkikita natin bro"
Niyakap ng mahigpit ni Bry si Oli.

"Bye Oli, ingat ka sa kung saan ka man. Palagi kaming andito para sayo"
Sabi ko naman. Wala pang time para sa dismissal namin kasi alas 3 palang. Time pa ni Ms. Lou ngayon.

"Puntahan na muna natin sina Yen, Emma at Lisa gusto kong magpaalam sa kanila sa huling sandali"
Ano ba to parang mamatay na si Oli. Di ako sanay.


Una naming pinuntahan ag dance studio kung saan nag pa practice sina Emma and yung ka grupo nya. Pawis na pawis pa si Emma pag pasok namin. As always nagkagulo yung mga babaeng grupo nya nung makita ang mga lalaki namin. Sheez!

"Oh what brings y'all here?"
Mataray na tanong ni Emma di pinansin yung ingay ng pagsisigawan ng ka grupo nya. Nagpupunas na sya ng pawis nya ngayon.

"Quin! Pa autograph ako!"

"Pede pa picture Alas!!"

"Quin!! Ang gwapo mo talaga"

"Bryyyy!! Finch!! Pa picture"

Ang iingay nila kainis.

"May sasabihin ako sayo Ems"
Ani Oli. Dumistansya sila sa amin dahil sobrang ingay talaga.

"Aish ano ba girls? Ang iingay nyo taena!"
Inis na sigaw ni Ari. Ang taray talaga. Alam ng lahat ang attitude ni Ari. Isa nga sya sa bully diba kaya kinakakatakutan sya.

"HAHAHAHAHAHA"
Natawa nalang si Alas dahil parang mga batang pinagalitan ng nanay yung mga dancer.



"Marie kaw na muna bahala dyan alis na ako"
Pagkasabi nun ni Emma agad nyang kinuha yung bag nya. Di pa nga sya nag palit ng damit at diretso alis na kami.




"Andun sa gym si Lisa. Tara dun nalang din ako magpapalit ng damit"
Sabi nya.

Pagdating namin dun hinagis hagis pa si Lisa sa taas. Tuwing nakikita kong hinahagis si Lisa ako yung natataranta para sa kanya. Baka mahulog sya. Napaka delikado ng buhay nya. May pa roll roll pa sya sa taas.



"Lisa!"
Tawag ni Finch. Ang laki ng mga ngiti nya sa labi. Sobra. Kumaway naman si Lisa at nagpaalam na sa leader nila.



"Anong problema?"
Tanong nya sa amin. Si Oli yung lumapit sa kanya. Sila lang yung nagusap dalawa.



Kumaway kaway sa amin yung mga ibang cheerleaders. Kilala ko rin sila pero di kami close. I just know them by names.


"Rick bawi ako bukas"
Yun lamang yung sinabi ni Lisa sabay takbo sa locker area nila. Kakalabas lang din ni Emma. Nakapagpalit na sya ng damit at sobrang fresh nya na. Sana all.




"Si Yen malapit lang dito"
Sabi ni Ari at naunang maglakad palabas. Nagpaalam din kami sa mga kasamahan ni Lisa. Iniwan namin si Lisa. Sabi kasi susunod lang daw sya.





Pagdating namin dun sa court kabaliktaran yung nadatnan namin. Kung si Lisa at Emma ay sumasayaw nung pagdating namin, si Yen naman nakahiga sa napaka green na court nila. Tulog ata ang gaga.

"Anong nangyari dyan?"
Tanong ni Emma kay Bowen. Nakipag apir pa sya. Close kasi silang dalawa. Madalas naka tamabay si Emma dito para e cheer si Yen sa praktis nila.





"Ewan ko lang sabi nya wag daw istorbohin kundi malalagot kaming lahat. Buti nalang at wala si coach Dindo ngayon."
Paliwanag ni Bowen. Ang lambing ng tulog ni Yen sa sahig. Nakatulog pala ito sa sahig? Sa pagkakaalam ko sobrang arte ng bruhang to eh.





"Kanina sinabihan ko syang dun sa locker nalang matulog atleast dun makakahiga talaga sya ng maayos ayaw nya naman"
Sabi naman ni Neo.



"Gisingin ko nalang sya"
Sabi ni Bry at ginising nya si Yen. Ang tagal nyang nagising. Tulog mantika kasi to!



"Ah ano bang problema mo? Can't you see I'm sleeping here?"
Ang sama ng tingin nya kay Bry at inikot nya saming lahat. Medyo gulat sya ng makita kami.






"May sasabihin si Oli kaya tumayo ka dyan."
Sabi ko sa kanya. Di sya nakinig pero si Oli na mismo yung nagpatayo sa kanya. Kinarga sya ni Oli papunta dun sa mga upuan at dun nya sinabihan si Yen.





I feel bad for Oli leaving the group behind. Sana naman ay sa susunod na pagkikita namin ganon parin kami. Yun bang walang gap na mangyayari lalo na't after 2 years pa yung balik nya dito sa pinas. Sana lang.






"What? Bakit ngayon mo lang sinabi samin?"
Ang lakas ng boses ni Yen.





"What time flight mo?"
Tanong ni Yen. Sumagot si Oli na agad namang hinampas ni Yen sa braso si Oli at nagmadaling pumasok sa locker room nila. Paglabas nya dala na nya ang bag nya.






"What are you waiting for? Tara na ihatid na natin si Oli sa airport but before that let's est for the last time. Set it on me"
Sabi nya na diretso yung lakad palabas ng gym. Ni di nga sya nagpaalam sa mga kasamahan nya. Wtf Yen!





Sumakay kami sa kanya kanya namang kotse except for Oli kasi di sya nagdala ng kotse. Pinaharurot namin isa isa yung mga kotse namin. Di na kami pumasok sa remaining period namin. Bahala nya.







Mga 30 minutes din yung byahe namin. Walang traffic. May malapit na mall dito na of course pagmamayari ni Finch.








Pagpasok namin dun binati si Finch ng mga staffs na nakakilala sa kanya. VIP kami yoohoooo!






Kumain kami sa isang chinese restaurant. Di ako mahilig sa ganitong pagkain, di ko rin kilala kung ano yung mga inorder ni Yen. Sya yung nag order lahat lahat. Silang dalawa ni Emma pala.








"We always hang out here ni Yen most especially tiring days after practice."
Sabi ni Emma habang namimilisa menu. Wala akong pake basta makakain ako.







"You'll love it. I swear"
Sabi ni Yen at binigay na sa waiter ang order namin. While waiting nag picture picture na muna kami. Last pic before Oli goes to US.








"We will surely miss you Oli"
Sabi ko. Ngumiti lang si Oli.







Makalipas ang ilang minuto ay dumating na yung orders namin. Ang dami sobra. Di ko kilala ni isa ang pangalan ng mga to.





"Try mo yung Wontons Lace masarap"
Sabi ni Emma sakin. Nilagyan nya pa yung plate ko.







Ayun kumain nalang ako di ko na pinansin yung mga pangalan. Masarap naman pala talaga.








"Tikman nyo yung Peking roasted duck"
Tinuro ni Yen yung duck. I don't eat duck pero sa itsura nito mukhang masarap talaga. At sobrang sarap nga talaga.

Never EnoughWhere stories live. Discover now