Chapter 16: Under the rain

7 3 0
                                    

Chapter  16

Kinabukasan naging sumsuman ng bawat studyante ang pag busted ni Lisa kay Finch. Marami syang naging haters ng dahil dun pero andun parin naman yung mga supporters nya.


Kahit na ang dami naming naririnig na mga salita galing sa ibang studyante walang pake lang si Lisa. Sana ganyan din ako. Di sya nag papa apekto sa mga kung ano ano.

"Yeah so guys, mauna na ako sa inyo. May practice pa pala kami ng cheerleading squad ko. See yah later nalang ha"
Pagpapaalam ni Lisa sa amin at isa isa kaming niyakap.

"Hoy sabay tayo gaga! May practice rin ako"
Ani Emma. Napatingin naman sila sa gawi nila Quin at Yen.

"I'll start tomorrow or the next day. Tinamad akong mag practice ngayon"
Tumango nalang sila dahil inunahan na sila ng sagot ni Yen.

Magiging busy talaga yung mga kaibigan ko these weeks kasi malapit na yung interschool competition sila yung main panlaban.

"Anong sasalihan mong laro this year Yen?"
Tanong ni Ari sa kanya.

"Volleyball at saka badminton? Depende sa schedule ko kung hanggan san rin kaya ng katawan ko."
Sagot ni Yen. Di na ako muling umimik pa. Nagaalala ako para kay Finch. Sigurado akong nasaktan sya ng sobra sa nangyari. Hinanap ko sya pero di ko talaga sya mahanap. Sin Oli, Bry at Alas lang ang nakaupo sa table nila. Wala sya dun.

"Nasa library si Finch. Wala lang nakita ko lang. Halata rin na nagalala ka para sa kanya"
Biglang sabi ni Quin sakin.

"Kasi naman di ko inaakalang ganon yung magiging reaction nya Quin. I mean I know it hurts but why the fuck blame us?"
Tumawa lang si Quin saka nakisali sa paguusap nila Yen at Ari.

Nagaalala ako na naiinis dahil sa inasta nya. Kami kaya yung sobrang laki ng effort dun. Kami yung di pumasok para lang dun tas sabihan kami na palpak yung tulong namin?

"Huy! Tulala ka ata Lace. Anong iniisip mo?"
Tanong ni Yen. Andito na sya sa tabi ko ngayon. Kumakain ng choco mucho.

"Hindi ko maiwasang mainis at magalala para kay Finch"
Nagkibit balikat lang si Yen saka niyakap ako.

"Hindi mo sya masisisi saka di parin naman natin sya ganon ka kilala malay mo normal lang yun sa kanya. Di naman nagulat ang boys kahapon sa ginawa nya so I assume talagang may attitude yung lokong yun"

"Wag mo nalang pansinin magiging okay rin yun"
Sabi pa ni Quin. Nung dumating na si Ms. Marine nag discuss na naman po sya. Napaka boring na naman ng klase nya as always naman talaga yun. Hay buhay!



Nothing special this day. I mean sobrang wala talaga ng araw na to. Kanina ay nagkanya kanya pa kami ng lunch kasi may kanya kanyang lakad sila. Ako lang ata yung wala at si Ari pero di rin kami nagkasabay na kumain kasi sinama sya ni Yen makipagkita kay Lark.

After class nagpasama si Finch sakin sa library. Thank god at okay na sya ngayon kasi kinibo nya na ako. Pero alam kong nasasaktan parin sya kasi di sila nagpapansinan ni Lisa.

Sobrang lakas ng ulan ngayon kaya heto kami ni Finch at na stock sa campus. Madilim na at kumikidlat pa. Nakakatakot. Napatingin si Finch sa gawi ko kaya dali dali ko syang nilingon.

"Di ka ba giniginaw Lace?"
Tanong nya. Tumango naman ako. Ang lakas kaya ng ulan. Bagyo na ata to. Signal number 10. Ewan sobrang lakas kasi.

Gustohin man naming pumasok sa isa sa mga rooms ay di kami makakapasok kasi naka sarado na lahat ng rooms dito sa building na to. Kung pupunta pa kami sa safe room kelangan pa naming tumawid para makapunta sa kabilang building. Mababasa pa rin kami.

Never EnoughWhere stories live. Discover now