Chapter 28: Time Capsule

2 0 0
                                    

Chapter 28

"Hoyyy anong drama nyong dalawa ha? May na miss ba ako Lace?"
Sinamaan ko ng tingin si Yen baka kasi maka gets tong si Finch. Mahirap na ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya.

"Oooopppsssss, sorry po"
Humagikhik sya. Ang cute ni Yen. Parang may tama na rin sya. Nakailang inom na kaya yung babaeng yun.

"Lubos lubosin nyo na muna yan babalik na ako dun boring dito!"
Napailing nalang kaming dalawa ni Finch sa inasta ni Yen.

"Yen, alam mo ba"
Nahinto si Finch sa pagsasalita. Para bang iniisip nya pa ang sunod niyang sasabihin.

"I want to thank you."
Naguguluhan man ako ay tumango na rin ako. Gusto ko mang itanong ay pinilit ko nalang na ibaliwala. Magsasalita pa sana ulit si Finch nung tawagin na kami ni Lisa.

"Dito na kayo oy! Mag rerecord raw tayo ng time capsule!"
Sigaw ni Lisa. Dali dali namang tumayo si Finch papalapit kay Lisa at iniwan ako. Walang hiya!

"Anong time capsule?"
Tanong ko sa kanila. Nakihiga na rin ako sa tabi ni Ari.

"Wala, simple lang naman. Isang video record kung saan sasabihin natin ang mga magagandang alaala ngayong taon at kung may dapat kang i confess gawin mo na. Total malapot ma din namang magtapos ang taong ito. Papanuorin natin to ten years after."
Sa pagpaliwanag palang ni Alas nakakahiya ng umamin na gusto ko si Finch.

"Pero don't worry guys. Walang makakaalam ng kung ano ang sasabihin nyo. Ilalagay ko dun sa unahan yung camera at isa isa lang yung magsasalita dun"
Tumayo si Bry at Finch saka nag set up sila. May table at chairs pala? Grabe mukhang pinaghandaan talaga to kahit di naman talaga.

"Ayun ready na, dun ko talaga planong ipalagay yung cam para habang nagsasalita yung isa sa atin makikita parin tayo kung gaan kasaya sa background"
Ani Alas nung makabalik na sina Finch at Bry. Sakto lang yung layo. Yung tipong di mo na talaga maririnig kung ano ang sasabihin ng taong andun pero sigurado akong mahahagit parin ng camera yung sa likod kung saan nagkakasiyahan kami.

"To start with, sino gustong mauna?"
Tanong ni Alas.

"Eldest to youngest nalang Alas para masaya HAHAHAHHAHAHAHAH"
Saka tumawa si Bry sa kanyang suggestion. Since yung pinakamatanda yung una si Quin yung nauna HAHAHAHHAHA. Imbes tulog na sana napatayo nalang si Quin.

Tinignan lang namin si Alas na makalayo at nung tuluyan na talaga syang nakaupo ay di na namin pinansin. Nag kwentuhan nalang kami.

"Sana pala tent yung binili natin Yen baka kasi ulanin at mabasa tayo."
Sabi ni Emma habang pagulong gulong sa hinihigaan.

"Ikaw nagsabi ng comforter"
Casual na sagot naman ni Yen habang nginunguya yung fried chicken nya.

"So kailan nating balak umuwi?"
Napatingin silang lahat sa akin. Bakit? May mali ba akong nasabi?

"I mean for tomorrow. Di naman kasi kasya yung foods natin for tomorrow and isa pa wala tayong dalang mga gamit"
Paglinaw ko sa gusto kong ipaabot.

"Anytime of the day Lace. Wag kang magmadali"
Sagot ni Ari at nag unat. Napansin ko twinning rin pala sila ng medyas ni Yen. Wow ha!

"Anong tinitingin tingin mo?"
Inirapan lang ako ni Ari. Nagtataray na naman yung lokaloka.


"Who's next?"
Tanong ni Quin na nakangiti. Halatang masayang masaya talaga siya. Sunod namang tumayo si Alas.

"Anong sinabi mo sa time capsule?"
Di ko mapigilang magtanong kay Quin. Pati na rin yung iba ay nagaantay ng sagot galing kay Quin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never EnoughWhere stories live. Discover now