Chapter 14: Helping hand

10 3 0
                                    

Chapter 14

"Sige guys mauna na kayo bwesit na buhay naman to oh!"
Nagpaalam na kami sa kanila kaso si Yen, Ari at Quin ay nagpapaiwan kasi may community service sila kaya kami lang yung sabay ngayon.




"O sige mag iingat kayo ah"
Bilin ko pa sa kanila bago kami tuluyang umalis.







"Diretso agad sa pag uwi mga bulok ah!"
Pahabol pa ni Oli saka tumakbo. Napailing nalang ako saka sumabay ng lakad sa kanila. Napatingin naman ako sa gawi ni Finch. Sobrang titig na titig sya kay Lisa. Ang ganda naman kasi talaga ni Lisa.

"Sure na talaga na uuwi na tayo? I mean sobrang aga pa para umuwi"
I break the silence. Andito na kami ngayon sa parking lot. Kanya kanyang nakatayo sa mga sasakyan namin.

"Ako I'm sure kasi may lakad pa kami ng baby Zi ko."
Sabi ni Alas at naunang sumakay sa sasakyan nya. Iba talaga pag may mahal eh no? Nakaka inspired. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyan? Hays. Study first na muna ako. Wala pa sa plano ko yan.

"Maiba ko nga lang. Wala na pala si Lark at Yen ano? I mean they stop seeing each other na kaya pala magkasama silang dalawa ni Danish"
Sabi ni Emma. Ah kaya pala. Buti naman. Ang sakit sa puso kung malaman ni Lark na dalawa silang pinagsabay ni Yen.

"But really I need to go. May dadalohan akong dance competition. Isa ako sa mga judge ay joke lang hahaha! Andun ako para mag critique raw. Sige mauna na ako. I'll see you tomorrow guys"
Sabi ni Emma at umandar na yung sasakyan nya. Nagkatinginan kaming 5 nila Oli. Hoping that they won't go yet. Ayoko pa kasing umuwi. Malungkot na naman ako dun sa bahay kasi mag isa lang ako.

"Gusto kong natulog so yeah I'm going home. Bye bud!"
Tinapik pa ni Bry yung balikat ni Finch at tinanguhan si Oli saka nginitian kami ni Lisa bago sya pumasok sa sasakyan nya.

"Sige na umuwi na kayo"
Malungkot kong sabi. Tinanaw ko pa silang mag start ng engine nila bago umalis ng tuluyan.

"Ayoko pang umuwi Lace. Baka gusto mong samahan kita?"
Biglang lumapit si Finch sakin at inakbayan pa ako. Naiilang ako.

"No it's fine Finch. Sige na umuwi na din tayo. Medyo makulimlim na oh baka maabotan pa tayo ng ulan"
Sabi ko saka inalis yung braso nyang naka akbay sakin. Pero laking gulat ko nung hawakan nya ko sa kamay. Napatitig ako dun kaya napabitaw sya sabay sabing sorry.

"Look, I need you Lace. Tulongan mo naman akong ilakad kay Lisa oh. I really like her. Gusto ko sya Lace. Gusto ko ang kaibigan mo kaya sana naman makuha ko yung blessing mo"
Tumango naman ako. No problem! Mas gusto ko nga ito haha. Sa wakas makaka move on na rin si Lisa sa ex nyang si Kiko. Sana nga.

"Sure."
Tipid kong sagot sa kanya.

"Nagkausap na kami ni Emma and she was supposed to be the one to help me pero napaisip kasi ako na ngayon nalang yun gawin"
Napaisip din ako. Ano naman kaya ang gagawin namin? I know Lisa na di yun basta bastang mahuhulog. It takes her much time to be comfortable with that someone at saka isa pa may pagka playgirl din yan. Actually silang lahat except me. Loyal na loyal to kay Zach ano.

"And promise. Tutulongan rin kita kay Zach"
Sabi pa nya. Nice one but no. Ayokong makakita na naman ng gulo. What happened this past few weeks are enough for me to say I can't have him. Ang daming tutul sa amin.

"Anong plano mo?"
Tanong ko sa kanya. Andito parin kami sa parking lot nakatayo.

"How about let's eat first and then let's discuss this. Libre mo naman ako ngayon"
Tumawa sya saka pumasok na sa kotse nya. Childish Finch!

Normal lang yung pagpapatakbo ko sa kotse ko. Di naman kalayuan yung mall dito nila Oli eh kaya madali lang kaming makakaabot dun.

Katabi ko si Finch sa parking lot. Syempre magkasama kami eh alangan namang sa iba sya mag parking hahaha.

Never EnoughWhere stories live. Discover now