Chapter 21
Alas dose na ng madaling araw pero di parin talaga ako makatulog. Sabi ni mama sakin pag di daw ako makatulog ibig sabihin may may nananaginip daw sayo. I hardly believed it.
I surf through the Internet if it's really true and psychology says yes. I'm going to be taking that course in college pagdating ng tamang oras. I want to study people may patutungohan din naman ako kung yan yung kukunin ko. I'm a keen observant.
Biglang nag pop out ang message galing kay Finch? Binasa ko naman iyon.
From: Finch
Tulog na po maaga pa pasok natin bukas salamat ng marami sa dinner nag enjoy ako.
Ewan ko lang basta bigla nalang akong napangiti sa message nyang yun at agad din na nag reply.
To: Finch
"Walang anuman Finch. Can't sleep. I'm awake in someone's dream"
Agad kong itinago ang phone ko at naghintay sa reply nya. It's 12:40 am shet! Ang bilis ng oras kanina 12 pa to ngayon malapit ng mag 1:00 am.
From: Finch
Ay sus, mali ka dyan kasi di pa ako natutulog naglalakbay kana sa utak ko.
Napakurap ako ng ilang beses. Ano raw? HAHAHAHA bwesit kinilig ako? Tangina!!
To: Finch
Naku tigilan mo ko sa mga banat mo Finch maawa ka gusto ko ng matulog kaya wag mo na akong isipin please.
Wahhh!! Ewan ko nalang di ko alam! Bwesit na mix emotions to! Kainis grrr!!
From: Finch
Ay bad, teka nagugutom ako wait ka dyan
Wtf?? Anong gagawin nya dito? Kakainin nya ako kasi nagugutom sya? Patay! Ahh ayoko!! Ayoko talaga! Masyado pa akong bata para sa ganyan isa pa di ko rin sya jowa no pero kahit na magjowa kami hindi parin. Ah! Ano ba tong pinag iisip ako?!
From: Finch
Samahan mo muna ako, my treat kain tayo sa labas.
Ahh yun naman pala eh! Ikaw Lace ah kung amo ano pinag iisip mo. Ang dumi ng utak ko!
Di ko alam kung bakit pero nagbihis ako, I mean sinuot ko lang yung bra ko no alangan namang umalis ako ng walang bra? Diba?
I'm still with my pajamas. Nag beep ang phone ko kaya dali dali kong kinuha at binasa yun. Excited te?
From: Finch
Andito na ako sa gate nyo. Labas na bilis gutom na ako.
Tinignan ko muna sa bintana baka scam nya lang kasi yun. Nakasandal sya sa motor nyang malaki. Cool! Tuluyan na akong bumaba at dahan dahang isinara yung pinto at kumaripas ako ng takbo sa kanya. Parang isang batang nakalabas sa bahay.
"San tayo?"
Tanong ko nung maka angkas na ako sa motor nya. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ito pala yung feeling ng tumatakas ano? First time kong ginawa to. Wala lang gusto ko lang din ma try saka nagugutom na rin ako.Di nya ako sinagot basta pinaharurot nya yung motor nya. Ako naman napakapit sa sobrang takot. Ang lakas ng takbo namin. Ayoko pang mamatay Finch! Dahan dahan lang naman!
Huminto kami sa isang bakanteng lote. Naku po! Anong gagawin nya sakin? Uso sa balita yung rape ngayon wag naman sana! Maawa ka Finch.
"Oh ba't parang takot ka? Wala akong gagawin sayo Lace ah!"
Sabi nya. Halata siguro sa mukha ko yung takot. Ah may dagat pala dito. Ang ganda. Naglatag ng kumot si Finch. Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Napaka lamig. Di ako na inform dapat pala nagdala ako ng jacket."Ohh"
Inabotan nya ako ng canned soft drinks. Sa harap namin may box ng pizza.Tanging ilaw ng buwan lang yung liwanag namin. May moon pa pala sa ganitong oras no? Pasensya na ngayon pa lang kasi ako nakalabas ng ganitong oras.
"Lace, wala na ba talagang pagasa?"
Tinignan ko sya sobrang lungkot ng mga mata nya."Finch meron"
Sabi ko biglang lumiwanag yung kaninang malungkot nyang mga mata."Talaga Lace? Sabi ko talaga sa sarili ko hinding hindi ako susuko"
Napangiti nalang din ako. Ang saya nya kasi.Nakaubos na ako ng dalawang slice ng pizza nung magsalita sya ulit.
"Diba promise mo sakin na tutulongan mo ako?"
Nakunot ang noo ko. Anong pingsasabi nito?"Ngayon na may pagasa ako kay Lisa, tulongan mo naman ako oh. For the 2nd time"
Nabilaukan ako sa paginom."Aaackkk!"
"Lace okay ka lang?"
Tumango lang ako. Anong sabi nya? Kay Lisa? Putangina Lace wag kasi kag assume!What?? Bakit ganito na disappoint ako? Don't tell me- no way! No freaking way Lace no way!!
"Lace?"
Di ko gusto si Finch. No way! Hindi to pwede. Hindi wala akong gusto sa kanya.
"Hey Lace you fine?"
Tagina ba't ako nasasaktan? Ang bilis bumawi ng lungkot. Di naman kasi ako yung gusto nya wait- di ko nga sya gusto eh! Bwesit ha! Di ko guato si Finch. Tama Lace, nadala ka lang. Hindi ko sya-
"Hoy Lace!!"
Nabalik ako sa realidad nung alokin ni Finch ang balikat ko."Sorry Finch but can we just go home? I'm not feeling well"
Sabi ko at agad na tinalikuran sya. Wala naman syang maraming satsat at sinunod lang ko. Kung kanina ay nakayakap ako ngayon di ko naramdaman yung hangin sa lakas ng takbo namin. Parang na manhid ata ako. Bakit ganito?First time ko ring makaramdam nito at kay Finch ko pa naramdaman. Ang dami ko kasing firsts sa kanya. He's my first kiss, my first takas and my first love? Matatawag ma ba nga itong love? Is it enough to be called love?
Pano mo ba malalaman na in love ka na nga? Nakatulala lang ako hanggang sa di ko namalayang andito na pala kami. Ang bilis ng takbo namin sobra. Nagpaalam lang ako at agad na pumasok sa loob. Diretso sa kwarto at higa. Gusto kong maiyak. Bakit ganito napa ka emotional ko napa ka oa. Di naman ako ganito ah. I know myself better. Di ako ganito promise.
I never felt this kind of pain. Ganon nalang ba talaga ako ka saya na hindi ko namalayang nahuhulog na pala ang loob ko?
YOU ARE READING
Never Enough
RandomI did everything for you to love me but I guess my efforts we're never enough. Sobrang tanga ko na nagpadala ako sa mga banat mong nagpahulog sakin ng lubos sayo. -Dulcinea Solace Quijano (On-going)